Our Lady of Medjugorje Messages containing 'anak'
Total found:
187
Pahayag, December 25, 2009
“
M
ahal kong mga
Anak
! Sa masayang araw na ito, dinadala ko kayong lahat sa harap ng aking
Anak
, ang Hari ng Kapayapaan, na bigyan Niya kayo ng Kanyang kapayapaan at biyaya. Munti kong mga
anak
, sa pagmamahal ay bahaginan ninyo ang iba ng kapayapaan at biyayang ito. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, January 25, 2010
“
M
ahal Kong Mga
Anak
! Nawa ay maging panahon ito ng pansariling panalangin para sa inyo, upang ang mga binhi ng paniniwala ay umusong sa inyong mga puso; at nawa'y umusbong ito upang maging masayang saksi sa iba. Ako ay sumasainyo at nais ko na magbigay-buhay sa inyong lahat: sumulong kayo at magsaya sa Diyos na Siyang lumikha sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, February 25, 2010
“
M
ahal Kong Mga
Anak
! Sa panahong ito ng biyaya, kung kailan naggagayak ang kalikasan na maglabas ng magagandang kulay ng taon, tinatawagan ko kayo, munti king mga
anak
, na buksan ang nyong mga puso sa Diyos na Siyang lumikha upang baguhin Niya kayo at ihugis sa Kanyang imahen, upang ang lahat ng mabuti na natutulog sa inyong mga puso ay magising sa paninibagong-buhay at sa pagnanasa sa buhay na walang hanggan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, March 25, 2010
“
M
ahal Kong Mga
Anak
! Ngayon din ay hinahangad ko na tawagan kayong lahat na maging matibay sa panalangin at sa mga panahong sinasalakay kayo ng mga pagsusubok. Mabuhay kayo ng masaya at ng may mababang-loob at maging saksi sa lahat sa inyong mga bokasyong maka-Kristyano. Ako ay sumasainyo at idinudulog ko kayo sa harap ng aking
Anak
na si Hesus, at siya ang inyong magiging lakas at alalay. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, April 25, 2010
“
M
ahal Kong Mga
Anak
! Sa panahong ito na sa mahalagang pamamaraan ay hinahanap ninyo ang aking pamamagitan, tinatawagan ko kayo, munti kong mga
anak
, na manalangin, upang sa inyong mga panalangin ay matulungan ko kayo na magkaroon ng mga puso na bukas sa aking mga pahayag. Manalangin kayo para sa aking mga hangarin. Ako ay palaging sumasainyo at namamagitan sa harap ng aking
Anak
para sa bawa't isa sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, May 25, 2010
“
M
ahal Kong Mga
Anak
! Binigyan kayo ng Diyos ng biyaya na mabuhay at ipagtanggol ang lahat ng mabuti sa paligid ninyo, at magbigay-diwa sa iba upang lalo silang maging mabuti at banal; nguni't si Satanas man ay hindi natutulog at sa pamamagitan ng mga makagabong bagay ay inaaliw kayo at inaakay sa mga pamamaraan niya. Samakatuwid, munti kong mga
anak
, sa pagmamahal ng aking Dalisay na Puso, mahalin ninyo ang Diyos ng higit sa lahat at mabuhay sa loob ng Kanyang mga utos. Sa ganitong pamamaraan, magkakaroon ng kahulugan ang inyong buhay at mananalig ang kapayapaan sa mundong ito. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, June 2, 2010 - Pahayag ng Mahal na Birhen kay Mirjana
“
M
ahal Kong Mga
Anak
! Ngayon ay tinatawagan ko kayo na manalangin at mag-ayuno upang malinaw ang daan na kung saan papasok sa puso ninyo ang aking
Anak
. Tanggapin ninyo ako bilang ina at tagapaghatid-balita ng pag-ibig ng Diyos at ng Kanyang hangarin para sa inyong kaligtasan. Palayain ninyo ang inyong mga sarili ng lahat sa inyong mga nakaraan na nakabibigat sa inyo, na nagbibigay sa inyo ng bagay na ikasisisi, na siyang umakay sa inyo noon sa kamalian at dilim. Tanggapin ninyo ang liwanag. Isilang kayong muli sa katarungan ng aking
Anak
. Salamat.
”
Pahayag, June 25, 2010 - Årsdagen för uppenbarelserna
“
M
ahal Kong Mga
Anak
! Nang may kasiyahan, tinatawagan ko kayong lahat na buhayin ang aking mga pahayag ng may kagalakan; sa ganito lamang pamamaraan, munti long mga
anak
, kayo mapapalapit sa aking
Anak
. Hangad ko na akayin kayong lahat sa Kanya lamang, at sa Kanya ay matatagpuan ninyo ang tunay na kapayapaan at kagalakan sa inyong mga puso. Kayo ay binabasbasan ko at minamahal ng walang hangganang pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, July 25, 2010
“
M
ahal Kong Mga
Anak
! Muli ay tinatawagan ko kayo na sumunod sa akin ng may kagalakan. Hangad ko na akayin kayo sa aking
Anak
, ang inyong Tagapagligtas. Hindi ninyo namamalayan na kung wala Siya, wala kayong kagalakan at katahimikan, at wala rin kayong kinabukasan o buhay na walang-hanggan. Samakatuwid, munti kong mga
anak
, pagbutihin ninyo ang gamit sa panahon na puno ng masayang pananalangin at pagsuko. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, August 2, 2010 - Pahayag ng Mahal na Birhen kay Mirjana
“
M
ahal kong mga
Anak
! Ngayon ay tinatawagan ko kayo, upang simulang itaguyod ang Kaharian ng Kalangitan sa inyong mga puso; upang iwaksi ang anumang makasarili at - sa pamamagitan ng halimbawa ng aking
Anak
- inyong maisaisip kung ano ang maka-Diyos. Ano ba ang ibig Niya sa inyo? Huwag hayaang buksan ni Satanas ang landas ng makamundong kaligayahan, ang landas na liban ang aking
Anak
. Mga
Anak
, ito ay hindi wasto at panandalian lamang. Ang aking
Anak
ang siyang tunay. Iniaalay ko sa inyo ang walang hanggang kagalakan at kapayapaan kaisa ng aking
Anak
at ng Panginoon. Iniaalay ko ang kaharian ng Diyos.
”
Pahayag, August 25, 2010
“
M
ahal kong mga
Anak
! Ngayon, puno ng matinding kagalakan, ibig kong tawagan kayong muli: manalangin, manalangin, manalangin. Nawa'y ang panahong ito ay maging panahon ng sariling pagdarasal. Sa umaga, humanap kayo ng pook na kung saan kayo ay mataimtim na manalangin. Mahal ko kayo at kayo ay aking binabasbasan. Salamat sa pagtugon sa aking panawagan.
”
Pahayag, September 2, 2010 - Pahayag ng Mahal na Birhen kay Mirjana
“
M
ahal kong mga
anak
. Ako ay nasa tabi niyo dahil nais kong tulungan kayo upang malampasan ang mga pagsubok, na nagsisilbing balakid upang kayo ay maging dalisay. Mga
anak
, isa na dito ang hindi pagpapatawad at ang di paghingi ng kapatawaran. Ang bawat kasalanan ay sumasaling sa Pagmamahal at naglalayo sa inyo dito - at ang Pag-ibig ay ang aking
Anak
. Samakatuwid, mga
anak
, kung mamarapatin ninyo ay sabay nating tahakin ang kapayapaang hatid ng Pag-ibig ng Diyos, dapat ninyong matutunang magpatawad at humingi ng kapatawaran. Salamat.
”
Pahayag, September 25, 2010
“
M
ahal kong mga
anak
! Ngayon ako ay sumasainyo at binabasabasan ko kayo ng maka-Inang biyaya ng Kapayapaan. Hinihimok ko kayong mabuhay na puno ng pananalig sapagkat kayo ay marupok pa at di mapagkumbaba. Hinihimok ko kayo, munting mga
anak
, bawasan ang pagsasalita bagkos ay pagsumikapang maigi na magbago upang ang inyong saksi ay magbunga. Nawa'y ang inyong buhay ay maging walang humpay na panalangin. Salamat sa pagtugon sa aking panawagan.
”
Pahayag, October 2, 2010 - Pahayag ng Mahal na Birhen kay Mirjana
“
M
ahal kong mga
anak
, ngayon ay tinatawagan ko kayo sa mapagkumbabang debosyon, mga
anak
. Ang inyong puso ay karapatdapat sa tama. Nawa'y ang inyong mga paghihirap ang magsilbing paraan upang malabanan ang mga kamalian ng kasalukuyan panahon. Nawa'y ang pagtitiyaga at walang hanggang pag-ibig -- pag-ibig na marunong maghintay -- ang siyang magbubunsod sa inyo upang malaman ang mga babala ng Panginoon - upang ang inyong buhay, sa pamamagitan ng mapagkumbabang pagmamahal, ay maging salamin sa mga taong naghahanap ng katotohanan sa karimlan ng kasinungalingan. Mga
anak
ko, aking mga alagad, tulungan ninyo akong buksan ang landas tungo sa aking
Anak
. Muli, tinatawagan ko kayong ipagdasal ang inyong mga pari. Kasama nila, ako ay magwawagi. Salamat
”
Pahayag, October 25, 2010
“
M
ahal kong mga
anak
! Nawa'y ang panahong ito'y maging oras ng panalangin sa inyo. Hinahangad ng aking panawagan, mga
anak
ko, na kayo ay magpasyang sundan ang landasin ng pagbabalik-loob. Samakatuwid, manalangin at hingin ang pamamagitan ng lahat ng mga banal. Nawa'y ang mga santo ay maging halimbawa, dahilan at kaligayahan tungo sa walang hanggang buhay. Salamat sa inyong pagtugon sa aking panawagan.
”
Pahayag, November 2, 2010 - Pahayag ng Mahal na Birhen kay Mirjana
“
M
ahal kong mga
anak
. Dala ang maka-inang katiyagaan at pag-ibig, inihahandog ko sa inyo ang ilaw ng buhay upang puksain ang karimlang hatid ng kamatayan. Huwag akong talikdan aking mga
anak
! Tumigil at suriin ang inyong mga sarili at alamin kung gaano kayo nagkasala. Malasin ang inyong mga kasalanan at humingi ng kapatawaran. Aking mga
anak
, ayaw ninyong tanggapin na kayo ay marupok at malilit pa ngunit sa pamamagitan ng pagsunod sa kalooban ng Diyos kayo ay maaring lumakas at maging kahanga-hanga. Iaalay ninyo sa akin ang inyong mga pusong pinalinis upang matanglawan ko ito ng ilaw ng buhay: ang aking
Anak
.
”
Pahayag, November 25, 2010
“
M
ahal kong mga
anak
, nasisilayan ko kayo at aking namamalas ang kamatayang walang pag-asa, pagkabalisa at kagutuman. Walang dalangin at tiwala sa Panginoon kung kaya ako ay pinahihintulutan ng Kataastaasang Diyos na kayo ay dalhan ng pag-asa at kagalakan. Buksan ang inyong kalooban. Buksan ang inyong mga puso sa habag ng Panginoon at pupunan niya ang lahat ng inyong pangangailangan. Pupunuin niya ang inyong mga puso ng kapayapaan sapagkat siya ang kapayapaan at inyong pag-asa. Salamat sa inyong pagtugon sa aking panawagan.
”
Pahayag, December 2, 2010 - Pahayag ng Mahal na Birhen kay Mirjana
“
M
ahal kong mga
anak
; ngayong akoy'y dumadalangin kaisa ninyo upang likumin ang kalakasan na buksan ang inyong mga puso upang inyong mabatid and sukdulang tindi ng pagmamahal ng naghihirap ng Panginoon. Sa pamamagitan nito, at ng kanyang Pagmamahal, Kagandahang-loob at Kapakumbabaan, ako ay kasa-kasama ninyo. Inaanyayahan ko kayo sa isang di-pangkaraniwang panahon ng paghahanda na maging oras ng panalangin, pagpapakasakit at pagbabalik-loob. Aking mga
anak
, kailangan ninyo ang Panginoon. Hindi kayo maaring umungos liban sa aking
Anak
. Kapagka naunawaan at natanggap ninyo ito,anumang ipinangako sa inyo ay matutupad. Sa pamamitan ng Espiritong Banal, ang kaharian ng Kalangitan ay mapapasainyong puso. Inaakay ko kayo sa landas na ito. Salamat.
”
Pahayag, December 25, 2010
“
M
ahal kong mga
anak
! Ngayon, ninanais ko at ng aking
Anak
na punuin kayo ng masaganang kagalakan at kapayapaan upang ang bawat isa sa inyo ay maging tagapaghatid at saksi sa kapayapaan at kagalakan sa mga pook na inyong tinitirhan. Munting mga
anak
, kayo ay maging biyaya at kapayapaan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawaga.
”
Pahayag, January 2, 2011 - Pahayag ng Mahal na Birhen kay Mirjana
“
M
ahal kong mga
anak
, tinawagan ko kayo na makiisa kay Hesus, na aking
Anak
. Ang aking maka-inang puso ay nananalanging upang inyong maunawaan na kayo ay kabilang sa pamilya ng Panginoon. Sa pamamagitan ng kalayaang pang-ispiritwal, na bigay ng Mabathalang Panginoon, kayo ay tinatawagang mabatid and katotohanan, ang mabuti at ang di wasto. Nawa'y ang panalangin at pag-aayuno ay magbukas ng inyong mga puso. Sa pagsaliksik sa Ama, ang iyong buhay ay maayon sa pagtugon sa kagustuhan ng Panginoon at matanto ninyo ang angkan ng Diyos alinsunod sa kagustuhan ng aking
Anak
. Hindi ko kayo iiwan sa landasing ito. Salamat.
”
Naramdaman ni Mirjana na maaring niyang sabihin sa ating Mahal na Ina: "Kaming lahat at dumudulog sa inyo dala ang aming mga krus at pagdurusa. Kami ay nagsusumamong tulunga kami. Inabot ng Mahal na Birhen ang kanyang mga kamay sa atin at winika:
"Buksan ninyon ang inyong puso. Ibigay ninyo sa akin ang inyong pagdurusa. Ang Ina ay tutulong."
To compare Medjugorje messages with another language versions choose
<<Previous
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
Next>>