Our Lady of Medjugorje Messages containing 'ang'
Total found:
183
Pahayag, August 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak! Tinatawagan ko kayo ngayon upang magpasalamat sa Diyos na nasa inyong mga puso alang-alang sa mga biyayang ipinagkaloob Niya sa inyo sa pamamagitan ng mga pahiwatig at kulay na nasa sa kalikasan. Nais ng Diyos na kayo ay mapalapit sa Kanya at matinag kayo upang siya ay papurihan at pasalamatan. Kung kaya mga anak tinatawagan ko kayong muli upang manalangin, manalangin, manalangin at huwag ninyong kalilimutan na ako ay kapiling ninyo. Ipinamamagitan ko
ang
bawat isa sa inyo sa Diyos hanggang magkaroon kayo ng ganap na tuwa. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, September 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo na maging malapit sa aking puso. Tanging sa ganitong paraan lamang ninyo mauunawaan
ang
handog ng aking pakikipagpiling sa inyo. Ninanais ko mga anak na igabay kayo tungo sa puso ng aking anak na si Hesus; ngunit tinatanggihan ninyo at hindi ninyo nais na buksan
ang
inyong mga puso sa pananalangin. Muli mga anak, tinatawagan ko kayo na huwag maging bingi sa aking panawagan ng kaligtasan para sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, October 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak! Tinatawagan ko kayo ng panibago upang ihandog
ang
inyong mga sarili sa aking puso at sa sa mahal na puso ng aking Anak na si Hesus. Ninanais ko mga anak na igabay kayong lahat sa daan ng pagbabago at kabanalan. Tanging sa ganitong paraan lamang at sa pamamagitan ninyo maigagabay
ang
maraming kaluluwa tungo sa kaligtasan. Huwag ninyong antalahin mga anak , sa halip sabihin ninyo ng buong puso "Nais kong tulungan si Hesus at si Maria upang higit na maunawaan ng aking mga kapatid
ang
pagtahak sa daan ng kabanalan. Sa ganitong paraan lamang ninyo madarama
ang
kasiyahan ng pagiging kaibigan ni Hesus. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, November 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak, Tinatawagan ko kayo upang
ang
panahong ito ay maging panghalina sa inyo upang manalangin. Sa panahong ito mga anak, manalangin kayo na si Hesus ay isilang sa inyong mga puso. Higit sa lahat duon sa ayaw kumilala sa kanya. Maging mapagmahal, maging tuwa at kapayapaan kayo dito sa walang katahimikang mundo. Ako'y laging nasa inyo at namamagitan sa Diyos para sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, December 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak! Ngayon ay binabasbasan ko kayong lahat ng aking Anak na si Hesus na kalong ko sa aking mga bisig,
ang
Hari ng kapayapaan, para sa inyo na nawa'y ipagkaloob niya sa inyo
ang
kanyang kapayapaan. Ako ay lagi ninyong kapiling at mahal ko akyong lahat mga mahal kong anak. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, January 25, 2004
“
M
ahal kong mga anak! Ngayon ay tinatawagan ko rin kayo para manalangin. Manalangin kayo mga anak sa isang natatanging pananalangin alang-alang sa mga hindi pa nakakaalam sa pagmamahal ng Diyos. Manalangin kayo na mabuksan
ang
kanilang puso at mapalapit sa aking Mahal na puso at sa Mahal na puso ng aking anak na si Hesus upang sila ay ating mapagbago bilang mga tao ng kapayapaan at pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, February 25, 2004
“
M
ahal kong mga anak! Ngayon at higit magpakailanman ay tinatawagan ko kayo upang buksan ninyo
ang
inyong mga puso sa aking ipinahayag sa inyo. Mga anak, maging tagapagdala kayo ng mga kaluluwa upang mapalapit sa Diyos. Huwag yaong maglalayo sa kanila. Ako ay nasa sa inyo at minamahal ko kayo ng may tanging pagmamahal. Ito ay panahon ng pagtitika at pagbabago at mula sa kaibuturan ng aking puso ay tinatawagan ko kayong maging akin ng buo ninyong puso at dito lamang ninyo makikita na
ang
Diyos ay dakila sapagkat ipagkakaloob niya sa inyo
ang
masaganang biyaya at kapayapaan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, March 25, 2004
“
M
ahal kong mga Anak! Ngayon din, tinatawagan ko kayo na buksan
ang
inyong mga sarili sa pananalangin. Lalo na ngayon sa panahon ng biyaya. Buksan ninyo
ang
inyong mga puso mga anak at ipahayag ninyo
ang
inyong pagmamahal sa napapako. Sa ganitong paraan lamang ninyo matatagpuan
ang
kapayapaan, at
ang
pananalangin ay magsisimulang umapaw mula sa inyong mga puso patungo sa mundo. Maging halimbawa kayo mga anak at maging pang-akit kayo sa kabutihan. Ako ay malapit sa inyo at mahal ko kayong lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, April 25, 2004
“
M
ahal kong mga Anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo upang inyong isabuhay
ang
aking mga mensahe sa inyo ng may lubos na kababaang loob at pagmamahal upang kayo ay mapuno ng biyaya at kalakasan na magmumula sa Diyos Espiritu Santo. Sa ganitong paraan lamang kayo magiging saksi sa tunay na kapayapaan at pagpapatawad. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, May 25, 2004
“
M
ahal kong mga anak. Ngayon ay hinihikayat ko kayo na ihandog
ang
inyong mga sarile sa aking Puso at sa Puso ng aking anak na si Hesus. Sa ganitong paraan lamang na higit pa kayong mapapasaakin sa bawat araw at magbibigay sigla sa bawat isa patungo sa higit pang kabanalan. Sa pamamagitan nito ligaya
ang
magiging tuntunin ng inyong mga puso at kayo ay magiging tagapaghatid ng kapayapaan at pagmamahalan. Salamat sa pugtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, June 25, 2004
“
M
ahal Kong Mga Anak! Gayon din sa araw na ito, kaligayahan
ang
nasa puso ko. Nais kong magpasalamat sa inyo na
ang
aking panukala ay nagkakaroon ng kaganapan. Samakatuwid,
ang
bawat isa sa inyo ay mahalaga. Mga anak, manalangin at magsaya kayo kasama ko sa bawat puso na nagbabago at nagiging kasangkapan ng kapayapaan sa mundo, Mga anak,
ang
grupo ng mga nagdarasal ay malakas at sa pamamagitan nila nakikita ko
ang
Banal na Espiritu ay patuloy na gumagalaw sa mundo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, July 25, 2004
“
M
ahal kong mga anak"! Tinatawagan ko kayong muling maging bukas sa aking panawagan . Ninanais kong lahat kayo, munti kong mga anak, ay hilahing lalong mapalapit sa aking anak na si Hesus, kaya kayo ay manalangin at mag-ayuno. Tinatawagan ko kayong lalong manalangin para sa aking mga adhikain upang kayo ay aking maidulog sa aking anak na sa Hesus ng kayo
ang
kanyang mapagbago at mabuksan
ang
inyong puso sa pagmamahal. Kapag
ang
puso ay may pagmamahal, kapayapaan
ang
sasakop sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, August 25, 2004
“
M
ahal kong mga Anak! Kayo ay tinatawagan ko sa pagbabago ng inyong puso. Magpasiya kayo, gaya ng mga unang araw ng aking pagparito para sa buong pagbabago ng inyong buhay. Sa ganitong pamamaraan, munti kong mga anak, magkakaroon kayo ng lakas na lumuhod at buksan
ang
inyong mga puso sa harap ng Diyos, Diringin at sasagutin ng Diyos
ang
inyong mga panalangin. Sa harap ng Diyos, ako ay mamagitan sa bawat isa sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, September 25, 2004
“
M
ahal kong mga Anak! Gayon din ngayon tinatawagan ko kayong umibig kung saan may poot, at pagkain kung saan may gutom. Buksan
ang
inyong mga puso, munti kong mga anak, ilahad
ang
mga kamay at maging mapagbigay nang sa gayon, sa pamamagitan ninyo, bawa't nilikha ay magpasalamat sa Diyos na lumikha. Magdasal, munti kong mga anak at buksan
ang
puso sa pagmamahal ng Diyos, na hindi magagawa kapag kayo ay hindi nananalangin. Sa makatuwid manalangin, manalangin, manalangin.Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, October 25, 2004
“
M
ahal kong mga anak! Ito
ang
panahon ng biyaya para sa mga mag-aanak, kaya kayo ay aking tinatawagang magbago sa pagdarasal. Nawa si Hesus ay sumapuso sa inyong mag-aanak. Sa pagdarasal ay natututo tayong ibigin
ang
lahat na sagrado. Gayahin
ang
buhay ng mga santo na nagbibigay sigla at nagiging tagapagturo sa mga landas tungo sa kabanalan. Nawa'y and bawa't mag-anak ay maging saksi ng pag-ibig dito sa mundong walang pagdarasal at kapayapaan. Salamat sa pagtugon sa aking panawagan.
”
Pahayag, November 25, 2004
“
M
ahal kong mga Anak! Sa panahong ito lahat kayo ay tinatawagan ko na magdasal para sa aking mga balak. Lalo na, munti kong mga anak, ipagdasal iyong mga hindi na nakakakilala sa pag-ibig ng Diyos at
ang
mga hindi sumasangguni sa Diyos na Tagapagligtas. Kayo, munti kong mga anak, ay maging hayag na kamay ko at sa pamamagitan ng iyong halimbawa ay mahila silang mapalapit sa aking puso at sa puso ng aking Anak. Gagantimpalaan kayo ng Diyos ng mga grasya at mga pagpapala. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, December 25, 2004
“
M
ahal kong mga Anak! Gayon din sa ngayon, ikinagagalak kong dalhin ko sa inyo
ang
aking Anak na si Hesus sa aking mga bisig. Binabasbasan niya kayo at tinatawagan sa kapayapaan. Magdasal munti kong mga anak at maging matatag na mga saksi ng mabuting balita sa lahat ng pagkakataon. Sa ganitong paraan lamang na kayo ipagpapala ng Diyos at sa inyong pananampatalaya ay ibibigay
ang
lahat ng inyong mga hinihiling. Ako ay laging sasainyo sa kapahintulutan ng Maykapal. Pinamamagitanan ko ng may malaking pagmamahal
ang
bawa't isa sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, January 25, 2005
“
M
ahal kong mga Anak! Sa panahon ngayon ng biyaya, tinatawagan ko kayong muli na manalangin sa pagkakaisa ng mga Kristiyano upang sila ay mag-isang puso.
Ang
pagkakaisa ay sadyang sasainyo habang kayo ay nagdarasal at nagpapatawad. Huwag ninyong kalilimutan:
ang
pag-ibig ay nasasakop lamang kung kayo ay magdarasal at
ang
inyong puso ay bubuksan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, February 25, 2005
“
M
ahal kong mga Anak! Tinatawagan ko kayo ngayon na maging aking mga galamay para sa mundong ito na inilalagay
ang
Diyos sa hulihan. Kayo, munti kong mga anak, ipagpauna sa lahat
ang
Diyos sa inyong buhay. Ipagpapala kayo ng Diyos at bibigyang lakas sa pagpapatutoo sa Kanya,
ang
Diyos ng pag-ibig at kapayapaan. Ako ay namamagitan at laging sumasainyo. Munti kong mga anak, huwag ninyong kalilimutan na
ang
pag-ibig ko sa inyo ay isang mayuming pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, March 25, 2005
“
M
ahal kong mga Anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo sa ngalan ng pag-ibig. Munti kong mga anak, sa pag-ibig ng Diyos kayo ay magmahalan. Sa bawa't sandali ng kasiyahan at kalungkutan, mamayani nawa
ang
pag-ibig at sa ganitong paraan, magsisimulang maghari
ang
pag-ibig sa inyong mga puso. Mapapasainyo
ang
nabuhay muling si Hesus at kayo
ang
Kanyang mga magiging saksi. Makikisaya ako sa inyo at ipagtatanggol kayo ng aking mantel bilang isang Ina. Lalong-lalo na, munti kong mga anak, palagi kong susubaybayan
ang
araw-araw ninyong mga pagbabagong-loob sa pag-ibig. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
To compare Medjugorje messages with another language versions choose
<<Previous
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
Next>>