Our Lady of Medjugorje Messages containing 'ay'
Total found:
181
Pahayag, October 25, 2001
“
M
ahal kong mga anak! Kaya ngayon
ay
tinatawagan ko kayo upang magdasal mula sa inyong puso at mahalin ang inyong kapwa. Mga anak kong munti, kayo ang napili upang magpatunay sa katahimikan at kaligayahan. Kung walang katahimikan, magadasal at ng inyong makamtan. Dahil sa inyo at sa inyong pagdarasal, mga anak kong munti, ang katahimikan ang kailangan para sa mundo. Kaya mga anak kong munti, magdasal, magdasal, magdasal, dahil ang pagdarasal
ay
nakagagawa ng milagro para sa puso ng tao at sa buong mundo. Ako
ay
sumasainyo at ako
ay
nagpapasalamat sa Diyos at sa bawat isa na inyo na siyang tumangap ng mataimtim na pagdarasal na seryoso. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
”
Pahayag, November 25, 2001
“
M
ga mahal kong anak! Sa panahon ito ng grasya, ako
ay
tumatawag sa inyo upang magbalik loob sa pagdarasal. Mga munti kong anak, manalangin at ihanda ang inyong puso sa pagdating ng Hari ng Kapayapaan, na sa pamamagitan ng kanyang bendisyon, Siya
ay
magbibigay ng kapayapaan sa buong mundo. Ang walang katahimikan
ay
nagsisimulang mamahay sa puso at pagkapoot ang siyang namamayani sa mundo. Dahil dito kayong nabubuhay sa mensahe
ay
siyang maging ilaw at paabutin ang inyong kamay sa mundong itong walang pananalig upang ang lahat
ay
makilala ang Panginoon ng Pagmamahal. Huwag kalimutan, mga munti kong anak, ako
ay
sumasainyo at kayo
ay
aking binabasbasan. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa akong pagtawag.
”
Pahayag, December 25, 2001
“
M
ahal kong mga anak, Nananawagan ako sa inyo ngayon at hinihikayat na manalangin para sa kapayapaan. Lalong-lalo na ngayong kalong ko sa aking mga bisig ang bagong silang na si Jesus para sa inyo, upang makipag-isa sa kanya sa pamamagitan ng panalangin at maging isang tanda dito sa walang kapayapaang mundo. Hikayatin ang bawat isa mga munti kong anak na manalagin at magmahalan. Naway ang inyong panananampalataya
ay
lalong makahikayat na manampalataya at magmahalan. Binabasbasan ko kayo at tinatawagan na maging malapit sa aking puso at sa puso ng nino Jesus. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, January 25, 2002
“
M
ga mahal kong anak, samantalang kayo
ay
nagbabalik-tanaw pa sa nakaraang taon, tingnan ninyo ang kaibuturan ng inyong puso at magpasiya kayo na maging malapit kayo sa Diyos at sa pananalangin. Mga anak, lubha kayong malapit sa mga bagay na makalupa at malayo sa buhay na maka-Diyos. Sana ang pagtawag ko sa inyo
ay
makahikayat para kayo
ay
magpasiya ng para sa Diyos at sa pang-araw-araw na pagbabalik-loob. Hindi kayo makakapagbalik-loob kung hindi ninyo iiwanan ang mga kasalanan at magpapasiya kayo ng pagmamahal na ukol sa Diyos at sa inyong kapwa. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, February 25, 2002
“
M
ga mahal kong anak, Sa panahong ito ng biyaya, tinatawagan ko kayo upang maging kaibigan ni Hesus. Ipanalangin ninyo ang kapayapaan sa inyong puso at ang pangsariling pagbabago. Mga anak, sa ganitong paraan lamang ninyo magagawa na maging saksi ng kapayapaan at pagmamahal kay Hesus sa mundong ito. Buksan ninyo ang inyong mga sarili sa pananalangin upang ang pananalangin
ay
kailanganin ninyo. Magbabo kayo mga anak at magsikap. Kayo upang maraming kaluluwa ang kumilala kay Hesus at sa kanyang pagmamahal. Ako
ay
malapit sa inyo at pinagpapala ko kayong lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, March 25, 2002
“
M
ahal kong mga anak! Ngayon
ay
tinatawagan ko kayo upang maki-isa kay Hesus sa pagdalangin. Buksan ang iyong mga puso sa Kanya at ibigay sa Kanya ang lahat ng nasasaloob nito: kasayahan, kalungkutan at karamdaman. Nawa'y maging panahon ito ng grasya para sa inyo. Manalangin, mga munti kong anak, at nawa'y lahat ng inyong oras
ay
maging para kay Hesus. Ako
ay
kasama ninyo at ako
ay
sumasainyong lahat. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
”
Pahayag, April 25, 2002
“
M
ga mahal kong anak, Makipagdiwang kayo sa akin sa panahong ito ng tagsibol na ang lahat sa kalikasan
ay
nagsisigising, at ang inyong mga puso
ay
naghahangad ng pagbabago. Buksan ang inyong sarili mga anak at manalangin. Huwag ninyong kalilimutan na ako
ay
laging nasa inyo, at ninanais ko na igabay ko kayo sa aking Anak upang bigyan kayo ng handog na tapat na pagmamahal tungo sa Diyos at ang lahat na mula sa kanya. Buksan ang inyong mga sarili sa pananalangin at hanapin ang pagbabago ng inyong mga puso mula sa Diyos; ang lahat
ay
kanyang nakikita at ipagkakaloob. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, May 25, 2002
“
M
ga mahal kong anak, nanawagan ako sa inyo ngayon upang ang pananalangin
ay
maging pangunahin sa inyong buhay. Mamalangin kayo at nawa'y ang pananalangin
ay
maging kagalakan sa inyo. Ako'y lagging nasasainyo at mamamagitan para sa inyong lahat mga anak, at nawa'y lagi kayong nagagalak sa pagpapahayag ng aking mensahe. Nawa'y ang buhay ninyo sa aking piling
ay
maging kagalakan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, June 25, 2002
“
M
ga mahal kong anak! Ngayon ako’y nanalangin para sa inyo at kasama ninyo at nawa’y tulungan kayo ng Banal na Espirtu na madagdagan ang inyong pananampalataya ng sa gayon
ay
lalo ninyong matanggap ang pahayag na ibinibigay ko sa inyo dito sa banal na lugar. Mga anak, unawain ninyo na ito ang panahon nang biyaya para sa bawat isa sa inyo, at sa pamamagitan ko mga anak
ay
lalo kayong maligtas. Ninanais ko na igabay kayo sa daan ng kabanalan. Ipamuhay ninyo ang aking pahayag at ilagay sa inyong buhay ang bawat katagang ibinibigay ko sa inyo. Nawa’y maging mahalaga ito para sa inyo sapagkat ito
ay
nagmula sa langit. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, July 25, 2002
“
M
ahal kong mga anak! Ngayon ako’y nagagalak kasama ng inyong mga patron, at tinatawagan ko kayo na maging bukas sa kalooban ng Diyos nang sa gayon, sa iyo at sa pamamagitan mo
ay
yumabong ang pananampalataya nang bawat taong makatagpo mo sa araw-araw mga anak, manalangin kayo hanggang ang pananampalataya
ay
maging kagalakan para sa iyo. Hingin ninyo sa inyong banal na tagapangalaga na tulungan kayong lumaki na nagmamahal sa Diyos salamat sa pagtugon ninyo sa akin.
”
Pahayag, August 25, 2002
“
M
ahal kong mga anak, Ngayon ako
ay
kasama n’yo rin sa pananalangin upang pagkalooban kayo nang diyos nang matatag na pananampalataya. Mga anak, maliit ang inyong pananampalataya at hindi ninyo halos alam kung gaano kalaki. Dahil dito, hindi pa kayo handa upang hanapin ang handog ng pananampalataya mula sa Diyos. Ang dahilan kung bakit ako
ay
kasama ninyo
ay
para tulungan kayong maunawaan ang aking pahayag at ito
ay
isabuhay ninyo. Manalangin kayo, manalangin, manalangin, sapagkat sa pamamagitan lamang ng pananampalataya at pananalangin makakatagpo nang kapayapaan ang inyong kaluluwa, at ang mundo
ay
makakatagpo nang tuwa na makasama ang Diyos. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, September 25, 2002
“
M
ahal kong mga anak, Sa panahong ito ng walang kapayapaan
ay
tinatawagan ko kayong manalangin. Manalangin kayo para sa kapayapaan ng sa gayon
ay
madama ng mga tao sa mundong ito ang pagmamahal tungo sa kapayapaan. Makadarama lamang ang tao nang kasiyahan kung kanilang matatagpuan ang kapayapaan sa Diyos at ang pagmamahal
ay
kakalat sa mundo. At kayo
ay
tinatawagan sa natatanging paraan upang kayo
ay
mabuhay at maging saksi sa kapayapaan. Kapayapaan sa inyong mga puso at sa inyong mga pamilya, at sa pamamagitan ninyo nawa'y magsimulang kumalat ang kapayapaan sa mundo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, October 25, 2002
“
M
ga anak, ngayon
ay
tinatawagan ko kayong muli na manalangin. Mga anak maniwala kayo na ang himala
ay
nagagawa sa pamamagitan ng munting pananalangin. Buksan ang inyong mga puso sa Diyos at Siya
ay
gagawa ng himala sa inyong buhay. Sa pagtingin sa mga naging bunga ang inyong mga puso
ay
mapupuno ng tuwa at utang na loob sa Diyos sa lahat ng bagay na ginawa ninyo sa inyong mga buhay pati na sa iba sa pamamagitan ninyo. Manalangin kayo at manampalataya mga anak. Binibigyan kayo ng biyaya at ito
ay
hindi ninyo nakikita. Manalangin kayo at ito
ay
inyong makikita. Nawa’y ang araw ninyo
ay
mapuno ng pananalangin at pasasalamat sa lahat ng ipinagkaloob sa inyo ng Diyos. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, November 25, 2002
“
M
ahal kong mga anak, Tinatawagan ko kayo ngayon para sa pagbabago. Buksan ang inyong mga puso sa Diyos mga anak sa pamamagitan ng pangungumpisal at ihanda ang inyong mga kaluluwa upang ang sanggol na si Hesus
ay
muling isilang sa inyong mga puso. Paunlakan ninyo siyang baguhin kayo at igabay kayo sa daan ng kapayapaan at tuwa. Mga anak, magpasiya sa pananalangin. Lalo na ngayon na panahon nang biyaya. Nawa’y ang inyong mga puso
ay
manabik sa pananalangin. Ako
ay
malapit sa inyo at ipinamamagitan ko kao sa Diyos. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking pananawagan.
”
Pahayag, December 25, 2002
“
M
ahal kong mga anak, Ito
ay
panahon ng dakilang biyaya, ngunit ito rin ang panahon ng malaking pagsubok para duon sa nagnanais na sundin ang daan ng kapayapaan. Dahil diyan, mga anak, muli akong nanawagan na kayo
ay
manalangin, manalangin, manalangin, hindi sa pamamagitan ng salita kung hindi sa inyong mga puso. Ipamuhay ninyo ang aking mga pahayag sa inyo at magsipagbago kayo. Maging mulat kayo sa handog na ito na ipinagkaloob ng diyos, na ako
ay
makapiling ninyo lalo na ngayon na hawak ko sa aking mga bisig ang sanggol na si Hesus ang Hari ng kapayapaan, at dalhin ninyo ito sa inyong mga puso at ibigay ninyo sa iba hanggang sa ang kapayapaan ng diyos
ay
maghari sa mundo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, January 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak, Sa pahayag na ito
ay
muli ko kayong tinatawagan upang manalangin para sa kapayapaan. Lalo na ngayon na ang kapayapaan
ay
nasa pangnib, kayo ang manalangin at magin saksi sa kapayapaan. Mga anak kayo
ay
maging kapayapaan dito sawalang kapayapaang mundo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, February 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak, ako
ay
muling nanawagan para manalangin at magayuno alang-alang sa kapayapaan tulad nang nasabi ko na sa inyo at muli kong inuulit sa inyo mga anak na sa pananalangin at pag aayuno lamang mapipigilan ang paghahamok. Ang kapayapaan
ay
isang handog nag diyos. Hanapin at manalangin at iyo'y inyong makakamit. Pagusapan ninyo ang kapayapaan at dalhin sa inyong mga puso. Alagaan ito tulad sa isang bulaklak na nangangailangan ng tubig, pagmamahal at liwanag. Maging tagapagdala kayo ng kapayapaan sa iba. Ako
ay
nasa inyo at mamagitan para sa inyong lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, March 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak! Ngayon ako
ay
muling nanawagan sa inyo pang manalangin para sa kapayapaan, manalanginsa kaibuturan ng inyong mg puso mga anak, at huwag mawawalan ng pag-asa sapagkat mahal ng Diyos ang kanyang mga nilikha. Nais ng Diyos na kayo
ay
isa-isang maligtas sa pamamgitan ng aking pagdating dito. Tinatawagan ko kayo sa daan ng kabanalan. Manalangin kayo. Sa pananalangin kayo
ay
bukas sa kalooban ng Diyos; sa ganitong paraan at sa lahat ng ginagawa ninyo
ay
malalaman ninyo ang plano ng Diyos para sa inyo sa pamamagitan ninyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, April 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak, kayo
ay
muli kong tinatawagan upang buksan ang inyong mga sarili sa pananalangin. Sa panahon ng nagdaang Quaresma napapagkuro-kuro ninyo kung gaano kayo kaliit at kung gaano kaliit ang inyong pananampalataya. Mga anak magpasiya kayo ngayon para sa Diyos, na sa inyo at sa pamamagitan ninyo sana
ay
mapagbago ninyo ang puso ng mga tao, at gayon din ang inyong mga puso. Maging maligaya kayong tagapagdala ng balita ng pagka-buhay ng Diyos dito sa walang katahimikang mundo na nagnanais sa Diyos at sa lahat ng naauukol mula sa Diyos. Ako
ay
kasamasama ninyo mga anak, at mahal ko kayo ng isang natatanging pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, May 25, 2003
“
M
ga mahal kong anak! Ngayon
ay
tinatawagan ko kayong muli para manalangin. Pagbaguhin ninyo ang inyong mga pangsariling pananalangin, at sa kakaibang paraan
ay
manalangin kayo sa Banal na Espiritu na tulungan kayong manalangin ng bukal sa inyong mga puso. Ipinamamagitan ko kayo mga anak, at tinatawagan ko kayo para magsipagbago. Kung kayo
ay
magbabago, lahat ng mga nakapaligid sa inyo
ay
magagsisipagbago rin at ang pananalagin
ay
magiging tuwa para sa kanila. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
To compare Medjugorje messages with another language versions choose
<<Previous
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
Next>>