Our Lady of Medjugorje Messages containing 'balak'
Total found:
3
Pahayag, November 25, 2004
“
M
ahal kong mga Anak! Sa panahong ito lahat kayo ay tinatawagan ko na magdasal para sa aking mga
balak
. Lalo na, munti kong mga anak, ipagdasal iyong mga hindi na nakakakilala sa pag-ibig ng Diyos at ang mga hindi sumasangguni sa Diyos na Tagapagligtas. Kayo, munti kong mga anak, ay maging hayag na kamay ko at sa pamamagitan ng iyong halimbawa ay mahila silang mapalapit sa aking puso at sa puso ng aking Anak. Gagantimpalaan kayo ng Diyos ng mga grasya at mga pagpapala. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, October 25, 2008
“
M
ahal kong mga Anak! Sa katangi- tanging pamamaraan, tinatawagan ko kayo na manalangin para sa aking mga hangarin upang, sa pamamagitan ng inyong mga panalangin, ay mapigilan si Satanas sa kanyang mga
balak
para sa mundong ito, na palayuin kayo araw-araw sa Panginoon, at ilagay ang sarili niya sa lugar ng Diyos at sirain lahat ng mabuti at tama sa kaluluwa ng bawa't isa sa inyo. Samakatuwid, munti kong mga anak, sandatahan ninyo ang inyong mga sarili ng mga panalangin at pag-aayuno upang mamalayan ninyo kung gaano kayong kamahal ng Diyos at nang maisakatuparan ninyo ang kalooban ng Diyos. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, February 25, 2009
“
M
ahal kong mga Anak! Sa panahong ito ng pagtalikdan, panalangin at penitensya, tinatawagan ko kayong muli: humayo kayo at ikumpisal ang inyong mga kasalanan upang buksan ng biyaya ang inyong mga puso at pahintulutan nito na kayo ay magbago. Magbagong-loob kayo, munti kong mga anak, at buksan ang inyong mga sarili sa Diyos at sa Kanyang mga
balak
para sa bawa't isa sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
To compare Medjugorje messages with another language versions choose