Our Lady of Medjugorje Messages containing 'bawa't'
Total found:
25
Pahayag, October 25, 2008
“
M
ahal kong mga Anak! Sa katangi- tanging pamamaraan, tinatawagan ko kayo na manalangin para sa aking mga hangarin upang, sa pamamagitan ng inyong mga panalangin, ay mapigilan si Satanas sa kanyang mga balak para sa mundong ito, na palayuin kayo araw-araw sa Panginoon, at ilagay ang sarili niya sa lugar ng Diyos at sirain lahat ng mabuti at tama sa kaluluwa ng
bawa't
isa sa inyo. Samakatuwid, munti kong mga anak, sandatahan ninyo ang inyong mga sarili ng mga panalangin at pag-aayuno upang mamalayan ninyo kung gaano kayong kamahal ng Diyos at nang maisakatuparan ninyo ang kalooban ng Diyos. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, February 25, 2009
“
M
ahal kong mga Anak! Sa panahong ito ng pagtalikdan, panalangin at penitensya, tinatawagan ko kayong muli: humayo kayo at ikumpisal ang inyong mga kasalanan upang buksan ng biyaya ang inyong mga puso at pahintulutan nito na kayo ay magbago. Magbagong-loob kayo, munti kong mga anak, at buksan ang inyong mga sarili sa Diyos at sa Kanyang mga balak para sa
bawa't
isa sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, August 25, 2009
“
M
ahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo muli na magbagong-loob. Mga munti kong anak, hindi pa sapat ang inyong kabanalan at hindi pa tumatanglaw ang kabanalan ninyo sa iba, samakatuwid, manalangin, manalangin, manalangin, at sikaping paguhin ang inyong mga kalooban, upang maging palatandaan kayo ng pag-ibig ng Diyos sa isa't isa. Ako ay sumasainyo at pinapatnubayan kayo tungo sa walang hanggan. na siyang inaasam ng
bawa't
puso. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, April 25, 2010
“
M
ahal Kong Mga Anak! Sa panahong ito na sa mahalagang pamamaraan ay hinahanap ninyo ang aking pamamagitan, tinatawagan ko kayo, munti kong mga anak, na manalangin, upang sa inyong mga panalangin ay matulungan ko kayo na magkaroon ng mga puso na bukas sa aking mga pahayag. Manalangin kayo para sa aking mga hangarin. Ako ay palaging sumasainyo at namamagitan sa harap ng aking Anak para sa
bawa't
isa sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Latest Pahayag, April 2, 2011 - Pahayag ng Mahal na Birhen kay Mirjana
“
M
ga anak, sa pamamagitan ng maka-inang pag-ibig ay ninanais kong buksan ang inyong mga puso at ituro ang pakiki-isa sa Ama. Upang matunton ito, kailangang maunawaan ninyo na kayung lahat ay mahalaga sa Kanya at
bawa't
isa sa inyo ay tinatawag niya. Kailangan maunawaan ninyo na ang panalanging ay isang pakikipag-usap ng isang anak sa kanyang Ama, na ang pagibig ang daan na dapat tunguhin - pagibig sa Diyos at sa
bawa't
isa. Ito ay, na ang pag-ibig ay walang hangganan, pagibig na nagmumula sa katotohanan magpasawalang hanggan. Sundan ninyo ako, mga anak, upang ang iba, sa pamamagitan ng katotohan at tunay na pag-ibig, ay sumuno sa inyo. Salamat." Muli, tinatawagan ang lahat na ipanalangin ang mga pari. Dagdag ng Mahal na Birhen: Sila'y may katangi-tanging lugar sa aking puso. Sila ay kumakatawan sa aking Anak.
”
To compare Medjugorje messages with another language versions choose
<<Previous
1
2