Our Lady of Medjugorje Messages containing 'buhayin'
Total found:
5
Pahayag, February 25, 1999
“
M
ahal kong mga anak! Kahit ngayon ako ay sumasainyo sa mabuting paraan ng pagmumunimuni at
buhayin
si Jesus sa ating puso. Mga anak kong munti buksan ang inyong puso at ipagkaloob ang lahat sa atin at pati ang sa kanila: kaligayahan at kalungkutan ng bawat isa, kahit na ang pinakamaliit na hapdi ay maialay kay Jesus; sa pamamagitan ng walang katumbas na pagmamahal, magniningas at magbabago ang inyong kalungkutan at magiging kaligayahan sa pagkabuhay na muli ni Jesus. Kaya, ngayon ay tinatawagan ko kayo sa mahalagang paraan, mga anak kong munti, para buksan ang inyong puso sa pananalangin, upang sa pamamagitan ng pananalangin ay maging kaibigan ka ni Jesus. Salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
”
Pahayag, April 25, 2005
“
M
ahal kong mga Anak! Gayon din sa araw na ito ay tinatawagan ko kayo na muling
buhayin
ang pagdarasal sa inyong mga pamilya. Sa pagdarasal at pagbabasa ng Banal na Aklat, nayong ang Espiritu Santo na nagpapabago ay sumainyong mga pamilya. Sa ganitong paraan, kayo ang mga magiging tagapagturo ng pananampalataya sa inyong mga pamilya. Sa inyong pagdarasal at pagmamahalan, ang daigdig ay tatahak sa mas mabuting paraan at ang pag-ibig ay magsisimulang maghari sa mundo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, August 25, 2005
“
M
ahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo upang
buhayin
ang aking mga pahayag. Pinagkalooban kayo ngayon ng Diyos nang panahon ng biyaya. Samakatuwid, munti kong mga anak, gamitin sa tama ang bawa't sandali at manalangin, manalangin, manalangin. Kayo ay aking binabasbasan at ako ay namamagitan sa harap ng Kaitaas-taasan para sa bawa't isa sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, November 25, 2009
“
M
ahal kong mga Anak! Sa panahong ito ng biyaya tinatawagan ko kayo na
buhayin
muli ang panalangin sa inyong mga pamilya. Ihanda ang inyong mg sarili sa kasiyahan ng pagdating ni Hesus. Munti kong mga anak, nawa'y maging malinis ay kasiya-siya ang inyong mga puso, upang ang init ng pag-ibig ay dumaloy mula sa inyo patungo sa mga pusong malalayo sa Kanyang pagmamahal. Munti kong mga anak, maging mga nakaabot na kamay ko kayo, mga kamay ng pagmamahal para sa mga naliligaw ang landas, sa mga nawalan ng tiwala't pag-asa. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, June 25, 2010 - Årsdagen för uppenbarelserna
“
M
ahal Kong Mga Anak! Nang may kasiyahan, tinatawagan ko kayong lahat na
buhayin
ang aking mga pahayag ng may kagalakan; sa ganito lamang pamamaraan, munti long mga anak, kayo mapapalapit sa aking Anak. Hangad ko na akayin kayong lahat sa Kanya lamang, at sa Kanya ay matatagpuan ninyo ang tunay na kapayapaan at kagalakan sa inyong mga puso. Kayo ay binabasbasan ko at minamahal ng walang hangganang pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
To compare Medjugorje messages with another language versions choose