Our Lady of Medjugorje Messages containing 'inyong'
Total found:
166
Pahayag, January 25, 2002
“
M
ga mahal kong anak, samantalang kayo ay nagbabalik-tanaw pa sa nakaraang taon, tingnan ninyo ang kaibuturan ng
inyong
puso at magpasiya kayo na maging malapit kayo sa Diyos at sa pananalangin. Mga anak, lubha kayong malapit sa mga bagay na makalupa at malayo sa buhay na maka-Diyos. Sana ang pagtawag ko sa inyo ay makahikayat para kayo ay magpasiya ng para sa Diyos at sa pang-araw-araw na pagbabalik-loob. Hindi kayo makakapagbalik-loob kung hindi ninyo iiwanan ang mga kasalanan at magpapasiya kayo ng pagmamahal na ukol sa Diyos at sa
inyong
kapwa. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, February 25, 2002
“
M
ga mahal kong anak, Sa panahong ito ng biyaya, tinatawagan ko kayo upang maging kaibigan ni Hesus. Ipanalangin ninyo ang kapayapaan sa
inyong
puso at ang pangsariling pagbabago. Mga anak, sa ganitong paraan lamang ninyo magagawa na maging saksi ng kapayapaan at pagmamahal kay Hesus sa mundong ito. Buksan ninyo ang
inyong
mga sarili sa pananalangin upang ang pananalangin ay kailanganin ninyo. Magbabo kayo mga anak at magsikap. Kayo upang maraming kaluluwa ang kumilala kay Hesus at sa kanyang pagmamahal. Ako ay malapit sa inyo at pinagpapala ko kayong lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, March 25, 2002
“
M
ahal kong mga anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo upang maki-isa kay Hesus sa pagdalangin. Buksan ang iyong mga puso sa Kanya at ibigay sa Kanya ang lahat ng nasasaloob nito: kasayahan, kalungkutan at karamdaman. Nawa'y maging panahon ito ng grasya para sa inyo. Manalangin, mga munti kong anak, at nawa'y lahat ng
inyong
oras ay maging para kay Hesus. Ako ay kasama ninyo at ako ay sumasainyong lahat. Maraming salamat sa
inyong
pagtugon sa aking pagtawag.
”
Pahayag, April 25, 2002
“
M
ga mahal kong anak, Makipagdiwang kayo sa akin sa panahong ito ng tagsibol na ang lahat sa kalikasan ay nagsisigising, at ang
inyong
mga puso ay naghahangad ng pagbabago. Buksan ang
inyong
sarili mga anak at manalangin. Huwag ninyong kalilimutan na ako ay laging nasa inyo, at ninanais ko na igabay ko kayo sa aking Anak upang bigyan kayo ng handog na tapat na pagmamahal tungo sa Diyos at ang lahat na mula sa kanya. Buksan ang
inyong
mga sarili sa pananalangin at hanapin ang pagbabago ng
inyong
mga puso mula sa Diyos; ang lahat ay kanyang nakikita at ipagkakaloob. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, May 25, 2002
“
M
ga mahal kong anak, nanawagan ako sa inyo ngayon upang ang pananalangin ay maging pangunahin sa
inyong
buhay. Mamalangin kayo at nawa'y ang pananalangin ay maging kagalakan sa inyo. Ako'y lagging nasasainyo at mamamagitan para sa
inyong
lahat mga anak, at nawa'y lagi kayong nagagalak sa pagpapahayag ng aking mensahe. Nawa'y ang buhay ninyo sa aking piling ay maging kagalakan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, June 25, 2002
“
M
ga mahal kong anak! Ngayon ako’y nanalangin para sa inyo at kasama ninyo at nawa’y tulungan kayo ng Banal na Espirtu na madagdagan ang
inyong
pananampalataya ng sa gayon ay lalo ninyong matanggap ang pahayag na ibinibigay ko sa inyo dito sa banal na lugar. Mga anak, unawain ninyo na ito ang panahon nang biyaya para sa bawat isa sa inyo, at sa pamamagitan ko mga anak ay lalo kayong maligtas. Ninanais ko na igabay kayo sa daan ng kabanalan. Ipamuhay ninyo ang aking pahayag at ilagay sa
inyong
buhay ang bawat katagang ibinibigay ko sa inyo. Nawa’y maging mahalaga ito para sa inyo sapagkat ito ay nagmula sa langit. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, July 25, 2002
“
M
ahal kong mga anak! Ngayon ako’y nagagalak kasama ng
inyong
mga patron, at tinatawagan ko kayo na maging bukas sa kalooban ng Diyos nang sa gayon, sa iyo at sa pamamagitan mo ay yumabong ang pananampalataya nang bawat taong makatagpo mo sa araw-araw mga anak, manalangin kayo hanggang ang pananampalataya ay maging kagalakan para sa iyo. Hingin ninyo sa
inyong
banal na tagapangalaga na tulungan kayong lumaki na nagmamahal sa Diyos salamat sa pagtugon ninyo sa akin.
”
Pahayag, August 25, 2002
“
M
ahal kong mga anak, Ngayon ako ay kasama n’yo rin sa pananalangin upang pagkalooban kayo nang diyos nang matatag na pananampalataya. Mga anak, maliit ang
inyong
pananampalataya at hindi ninyo halos alam kung gaano kalaki. Dahil dito, hindi pa kayo handa upang hanapin ang handog ng pananampalataya mula sa Diyos. Ang dahilan kung bakit ako ay kasama ninyo ay para tulungan kayong maunawaan ang aking pahayag at ito ay isabuhay ninyo. Manalangin kayo, manalangin, manalangin, sapagkat sa pamamagitan lamang ng pananampalataya at pananalangin makakatagpo nang kapayapaan ang
inyong
kaluluwa, at ang mundo ay makakatagpo nang tuwa na makasama ang Diyos. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, September 25, 2002
“
M
ahal kong mga anak, Sa panahong ito ng walang kapayapaan ay tinatawagan ko kayong manalangin. Manalangin kayo para sa kapayapaan ng sa gayon ay madama ng mga tao sa mundong ito ang pagmamahal tungo sa kapayapaan. Makadarama lamang ang tao nang kasiyahan kung kanilang matatagpuan ang kapayapaan sa Diyos at ang pagmamahal ay kakalat sa mundo. At kayo ay tinatawagan sa natatanging paraan upang kayo ay mabuhay at maging saksi sa kapayapaan. Kapayapaan sa
inyong
mga puso at sa
inyong
mga pamilya, at sa pamamagitan ninyo nawa'y magsimulang kumalat ang kapayapaan sa mundo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, October 25, 2002
“
M
ga anak, ngayon ay tinatawagan ko kayong muli na manalangin. Mga anak maniwala kayo na ang himala ay nagagawa sa pamamagitan ng munting pananalangin. Buksan ang
inyong
mga puso sa Diyos at Siya ay gagawa ng himala sa
inyong
buhay. Sa pagtingin sa mga naging bunga ang
inyong
mga puso ay mapupuno ng tuwa at utang na loob sa Diyos sa lahat ng bagay na ginawa ninyo sa
inyong
mga buhay pati na sa iba sa pamamagitan ninyo. Manalangin kayo at manampalataya mga anak. Binibigyan kayo ng biyaya at ito ay hindi ninyo nakikita. Manalangin kayo at ito ay
inyong
makikita. Nawa’y ang araw ninyo ay mapuno ng pananalangin at pasasalamat sa lahat ng ipinagkaloob sa inyo ng Diyos. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, November 25, 2002
“
M
ahal kong mga anak, Tinatawagan ko kayo ngayon para sa pagbabago. Buksan ang
inyong
mga puso sa Diyos mga anak sa pamamagitan ng pangungumpisal at ihanda ang
inyong
mga kaluluwa upang ang sanggol na si Hesus ay muling isilang sa
inyong
mga puso. Paunlakan ninyo siyang baguhin kayo at igabay kayo sa daan ng kapayapaan at tuwa. Mga anak, magpasiya sa pananalangin. Lalo na ngayon na panahon nang biyaya. Nawa’y ang
inyong
mga puso ay manabik sa pananalangin. Ako ay malapit sa inyo at ipinamamagitan ko kao sa Diyos. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking pananawagan.
”
Pahayag, December 25, 2002
“
M
ahal kong mga anak, Ito ay panahon ng dakilang biyaya, ngunit ito rin ang panahon ng malaking pagsubok para duon sa nagnanais na sundin ang daan ng kapayapaan. Dahil diyan, mga anak, muli akong nanawagan na kayo ay manalangin, manalangin, manalangin, hindi sa pamamagitan ng salita kung hindi sa
inyong
mga puso. Ipamuhay ninyo ang aking mga pahayag sa inyo at magsipagbago kayo. Maging mulat kayo sa handog na ito na ipinagkaloob ng diyos, na ako ay makapiling ninyo lalo na ngayon na hawak ko sa aking mga bisig ang sanggol na si Hesus ang Hari ng kapayapaan, at dalhin ninyo ito sa
inyong
mga puso at ibigay ninyo sa iba hanggang sa ang kapayapaan ng diyos ay maghari sa mundo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, February 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak, ako ay muling nanawagan para manalangin at magayuno alang-alang sa kapayapaan tulad nang nasabi ko na sa inyo at muli kong inuulit sa inyo mga anak na sa pananalangin at pag aayuno lamang mapipigilan ang paghahamok. Ang kapayapaan ay isang handog nag diyos. Hanapin at manalangin at iyo'y
inyong
makakamit. Pagusapan ninyo ang kapayapaan at dalhin sa
inyong
mga puso. Alagaan ito tulad sa isang bulaklak na nangangailangan ng tubig, pagmamahal at liwanag. Maging tagapagdala kayo ng kapayapaan sa iba. Ako ay nasa inyo at mamagitan para sa
inyong
lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, March 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak! Ngayon ako ay muling nanawagan sa inyo pang manalangin para sa kapayapaan, manalanginsa kaibuturan ng
inyong
mg puso mga anak, at huwag mawawalan ng pag-asa sapagkat mahal ng Diyos ang kanyang mga nilikha. Nais ng Diyos na kayo ay isa-isang maligtas sa pamamgitan ng aking pagdating dito. Tinatawagan ko kayo sa daan ng kabanalan. Manalangin kayo. Sa pananalangin kayo ay bukas sa kalooban ng Diyos; sa ganitong paraan at sa lahat ng ginagawa ninyo ay malalaman ninyo ang plano ng Diyos para sa inyo sa pamamagitan ninyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, April 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak, kayo ay muli kong tinatawagan upang buksan ang
inyong
mga sarili sa pananalangin. Sa panahon ng nagdaang Quaresma napapagkuro-kuro ninyo kung gaano kayo kaliit at kung gaano kaliit ang
inyong
pananampalataya. Mga anak magpasiya kayo ngayon para sa Diyos, na sa inyo at sa pamamagitan ninyo sana ay mapagbago ninyo ang puso ng mga tao, at gayon din ang
inyong
mga puso. Maging maligaya kayong tagapagdala ng balita ng pagka-buhay ng Diyos dito sa walang katahimikang mundo na nagnanais sa Diyos at sa lahat ng naauukol mula sa Diyos. Ako ay kasamasama ninyo mga anak, at mahal ko kayo ng isang natatanging pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, May 25, 2003
“
M
ga mahal kong anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayong muli para manalangin. Pagbaguhin ninyo ang
inyong
mga pangsariling pananalangin, at sa kakaibang paraan ay manalangin kayo sa Banal na Espiritu na tulungan kayong manalangin ng bukal sa
inyong
mga puso. Ipinamamagitan ko kayo mga anak, at tinatawagan ko kayo para magsipagbago. Kung kayo ay magbabago, lahat ng mga nakapaligid sa inyo ay magagsisipagbago rin at ang pananalagin ay magiging tuwa para sa kanila. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, July 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak! Ngayon ay nananawagan ako sa inyo na kayo ay manalangin. Mga anak, manalangin kayo hanggang ang pananalangin ay maging tuwa para sa iyo. Sa pamamagitan lamang nito ninyo matatagpuan ang kapayapaan sa
inyong
mga puso at ang
inyong
kaluluwa ay masisiyahan. Madarama ninyo ang pangangailangan na maging saksi para sa iba ang pagmamahal na
inyong
nadarama sa
inyong
mga puso at buhay. Ako ay nasasa-inyo at namamagitan sa Diyos para sa
inyong
lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, August 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak! Tinatawagan ko kayo ngayon upang magpasalamat sa Diyos na nasa
inyong
mga puso alang-alang sa mga biyayang ipinagkaloob Niya sa inyo sa pamamagitan ng mga pahiwatig at kulay na nasa sa kalikasan. Nais ng Diyos na kayo ay mapalapit sa Kanya at matinag kayo upang siya ay papurihan at pasalamatan. Kung kaya mga anak tinatawagan ko kayong muli upang manalangin, manalangin, manalangin at huwag ninyong kalilimutan na ako ay kapiling ninyo. Ipinamamagitan ko ang bawat isa sa inyo sa Diyos hanggang magkaroon kayo ng ganap na tuwa. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, September 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo na maging malapit sa aking puso. Tanging sa ganitong paraan lamang ninyo mauunawaan ang handog ng aking pakikipagpiling sa inyo. Ninanais ko mga anak na igabay kayo tungo sa puso ng aking anak na si Hesus; ngunit tinatanggihan ninyo at hindi ninyo nais na buksan ang
inyong
mga puso sa pananalangin. Muli mga anak, tinatawagan ko kayo na huwag maging bingi sa aking panawagan ng kaligtasan para sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, October 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak! Tinatawagan ko kayo ng panibago upang ihandog ang
inyong
mga sarili sa aking puso at sa sa mahal na puso ng aking Anak na si Hesus. Ninanais ko mga anak na igabay kayong lahat sa daan ng pagbabago at kabanalan. Tanging sa ganitong paraan lamang at sa pamamagitan ninyo maigagabay ang maraming kaluluwa tungo sa kaligtasan. Huwag ninyong antalahin mga anak , sa halip sabihin ninyo ng buong puso "Nais kong tulungan si Hesus at si Maria upang higit na maunawaan ng aking mga kapatid ang pagtahak sa daan ng kabanalan. Sa ganitong paraan lamang ninyo madarama ang kasiyahan ng pagiging kaibigan ni Hesus. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
To compare Medjugorje messages with another language versions choose
<<Previous
1
2
3
4
5
6
7
8
9
Next>>