Our Lady of Medjugorje Messages containing 'inyong'
Total found:
166
Pahayag, October 25, 2009
“
M
ahal kong mga Anak! Dala ko ngayon ang aking pagbabasbas. Binabasbasan ko kayo at nananawagan na mabuhay ng ganitong pamamaraan, na siyang pinangunahan ng Diyos sa pamamagitan ko para sa
inyong
kaligtasan. Manalangin, mag-ayuno at maging saksi ng
inyong
mga paniniwala ng may kasiyahan, munti kong mga anak, at nawa'y ang
inyong
mga puso ay palaging puno ng panalangin. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, November 25, 2009
“
M
ahal kong mga Anak! Sa panahong ito ng biyaya tinatawagan ko kayo na buhayin muli ang panalangin sa
inyong
mga pamilya. Ihanda ang
inyong
mg sarili sa kasiyahan ng pagdating ni Hesus. Munti kong mga anak, nawa'y maging malinis ay kasiya-siya ang
inyong
mga puso, upang ang init ng pag-ibig ay dumaloy mula sa inyo patungo sa mga pusong malalayo sa Kanyang pagmamahal. Munti kong mga anak, maging mga nakaabot na kamay ko kayo, mga kamay ng pagmamahal para sa mga naliligaw ang landas, sa mga nawalan ng tiwala't pag-asa. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, January 25, 2010
“
M
ahal Kong Mga Anak! Nawa ay maging panahon ito ng pansariling panalangin para sa inyo, upang ang mga binhi ng paniniwala ay umusong sa
inyong
mga puso; at nawa'y umusbong ito upang maging masayang saksi sa iba. Ako ay sumasainyo at nais ko na magbigay-buhay sa
inyong
lahat: sumulong kayo at magsaya sa Diyos na Siyang lumikha sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, February 25, 2010
“
M
ahal Kong Mga Anak! Sa panahong ito ng biyaya, kung kailan naggagayak ang kalikasan na maglabas ng magagandang kulay ng taon, tinatawagan ko kayo, munti king mga anak, na buksan ang nyong mga puso sa Diyos na Siyang lumikha upang baguhin Niya kayo at ihugis sa Kanyang imahen, upang ang lahat ng mabuti na natutulog sa
inyong
mga puso ay magising sa paninibagong-buhay at sa pagnanasa sa buhay na walang hanggan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, March 25, 2010
“
M
ahal Kong Mga Anak! Ngayon din ay hinahangad ko na tawagan kayong lahat na maging matibay sa panalangin at sa mga panahong sinasalakay kayo ng mga pagsusubok. Mabuhay kayo ng masaya at ng may mababang-loob at maging saksi sa lahat sa
inyong
mga bokasyong maka-Kristyano. Ako ay sumasainyo at idinudulog ko kayo sa harap ng aking Anak na si Hesus, at siya ang
inyong
magiging lakas at alalay. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, April 25, 2010
“
M
ahal Kong Mga Anak! Sa panahong ito na sa mahalagang pamamaraan ay hinahanap ninyo ang aking pamamagitan, tinatawagan ko kayo, munti kong mga anak, na manalangin, upang sa
inyong
mga panalangin ay matulungan ko kayo na magkaroon ng mga puso na bukas sa aking mga pahayag. Manalangin kayo para sa aking mga hangarin. Ako ay palaging sumasainyo at namamagitan sa harap ng aking Anak para sa bawa't isa sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, May 25, 2010
“
M
ahal Kong Mga Anak! Binigyan kayo ng Diyos ng biyaya na mabuhay at ipagtanggol ang lahat ng mabuti sa paligid ninyo, at magbigay-diwa sa iba upang lalo silang maging mabuti at banal; nguni't si Satanas man ay hindi natutulog at sa pamamagitan ng mga makagabong bagay ay inaaliw kayo at inaakay sa mga pamamaraan niya. Samakatuwid, munti kong mga anak, sa pagmamahal ng aking Dalisay na Puso, mahalin ninyo ang Diyos ng higit sa lahat at mabuhay sa loob ng Kanyang mga utos. Sa ganitong pamamaraan, magkakaroon ng kahulugan ang
inyong
buhay at mananalig ang kapayapaan sa mundong ito. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, June 2, 2010 - Pahayag ng Mahal na Birhen kay Mirjana
“
M
ahal Kong Mga Anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo na manalangin at mag-ayuno upang malinaw ang daan na kung saan papasok sa puso ninyo ang aking Anak. Tanggapin ninyo ako bilang ina at tagapaghatid-balita ng pag-ibig ng Diyos at ng Kanyang hangarin para sa
inyong
kaligtasan. Palayain ninyo ang
inyong
mga sarili ng lahat sa
inyong
mga nakaraan na nakabibigat sa inyo, na nagbibigay sa inyo ng bagay na ikasisisi, na siyang umakay sa inyo noon sa kamalian at dilim. Tanggapin ninyo ang liwanag. Isilang kayong muli sa katarungan ng aking Anak. Salamat.
”
Pahayag, June 25, 2010 - Årsdagen för uppenbarelserna
“
M
ahal Kong Mga Anak! Nang may kasiyahan, tinatawagan ko kayong lahat na buhayin ang aking mga pahayag ng may kagalakan; sa ganito lamang pamamaraan, munti long mga anak, kayo mapapalapit sa aking Anak. Hangad ko na akayin kayong lahat sa Kanya lamang, at sa Kanya ay matatagpuan ninyo ang tunay na kapayapaan at kagalakan sa
inyong
mga puso. Kayo ay binabasbasan ko at minamahal ng walang hangganang pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, July 25, 2010
“
M
ahal Kong Mga Anak! Muli ay tinatawagan ko kayo na sumunod sa akin ng may kagalakan. Hangad ko na akayin kayo sa aking Anak, ang
inyong
Tagapagligtas. Hindi ninyo namamalayan na kung wala Siya, wala kayong kagalakan at katahimikan, at wala rin kayong kinabukasan o buhay na walang-hanggan. Samakatuwid, munti kong mga anak, pagbutihin ninyo ang gamit sa panahon na puno ng masayang pananalangin at pagsuko. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, August 2, 2010 - Pahayag ng Mahal na Birhen kay Mirjana
“
M
ahal kong mga Anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo, upang simulang itaguyod ang Kaharian ng Kalangitan sa
inyong
mga puso; upang iwaksi ang anumang makasarili at - sa pamamagitan ng halimbawa ng aking Anak -
inyong
maisaisip kung ano ang maka-Diyos. Ano ba ang ibig Niya sa inyo? Huwag hayaang buksan ni Satanas ang landas ng makamundong kaligayahan, ang landas na liban ang aking Anak. Mga Anak, ito ay hindi wasto at panandalian lamang. Ang aking Anak ang siyang tunay. Iniaalay ko sa inyo ang walang hanggang kagalakan at kapayapaan kaisa ng aking Anak at ng Panginoon. Iniaalay ko ang kaharian ng Diyos.
”
Pahayag, September 25, 2010
“
M
ahal kong mga anak! Ngayon ako ay sumasainyo at binabasabasan ko kayo ng maka-Inang biyaya ng Kapayapaan. Hinihimok ko kayong mabuhay na puno ng pananalig sapagkat kayo ay marupok pa at di mapagkumbaba. Hinihimok ko kayo, munting mga anak, bawasan ang pagsasalita bagkos ay pagsumikapang maigi na magbago upang ang
inyong
saksi ay magbunga. Nawa'y ang
inyong
buhay ay maging walang humpay na panalangin. Salamat sa pagtugon sa aking panawagan.
”
Pahayag, October 2, 2010 - Pahayag ng Mahal na Birhen kay Mirjana
“
M
ahal kong mga anak, ngayon ay tinatawagan ko kayo sa mapagkumbabang debosyon, mga anak. Ang
inyong
puso ay karapatdapat sa tama. Nawa'y ang
inyong
mga paghihirap ang magsilbing paraan upang malabanan ang mga kamalian ng kasalukuyan panahon. Nawa'y ang pagtitiyaga at walang hanggang pag-ibig -- pag-ibig na marunong maghintay -- ang siyang magbubunsod sa inyo upang malaman ang mga babala ng Panginoon - upang ang
inyong
buhay, sa pamamagitan ng mapagkumbabang pagmamahal, ay maging salamin sa mga taong naghahanap ng katotohanan sa karimlan ng kasinungalingan. Mga anak ko, aking mga alagad, tulungan ninyo akong buksan ang landas tungo sa aking Anak. Muli, tinatawagan ko kayong ipagdasal ang
inyong
mga pari. Kasama nila, ako ay magwawagi. Salamat
”
Pahayag, October 25, 2010
“
M
ahal kong mga anak! Nawa'y ang panahong ito'y maging oras ng panalangin sa inyo. Hinahangad ng aking panawagan, mga anak ko, na kayo ay magpasyang sundan ang landasin ng pagbabalik-loob. Samakatuwid, manalangin at hingin ang pamamagitan ng lahat ng mga banal. Nawa'y ang mga santo ay maging halimbawa, dahilan at kaligayahan tungo sa walang hanggang buhay. Salamat sa
inyong
pagtugon sa aking panawagan.
”
Pahayag, November 2, 2010 - Pahayag ng Mahal na Birhen kay Mirjana
“
M
ahal kong mga anak. Dala ang maka-inang katiyagaan at pag-ibig, inihahandog ko sa inyo ang ilaw ng buhay upang puksain ang karimlang hatid ng kamatayan. Huwag akong talikdan aking mga anak! Tumigil at suriin ang
inyong
mga sarili at alamin kung gaano kayo nagkasala. Malasin ang
inyong
mga kasalanan at humingi ng kapatawaran. Aking mga anak, ayaw ninyong tanggapin na kayo ay marupok at malilit pa ngunit sa pamamagitan ng pagsunod sa kalooban ng Diyos kayo ay maaring lumakas at maging kahanga-hanga. Iaalay ninyo sa akin ang
inyong
mga pusong pinalinis upang matanglawan ko ito ng ilaw ng buhay: ang aking Anak.
”
Pahayag, November 25, 2010
“
M
ahal kong mga anak, nasisilayan ko kayo at aking namamalas ang kamatayang walang pag-asa, pagkabalisa at kagutuman. Walang dalangin at tiwala sa Panginoon kung kaya ako ay pinahihintulutan ng Kataastaasang Diyos na kayo ay dalhan ng pag-asa at kagalakan. Buksan ang
inyong
kalooban. Buksan ang
inyong
mga puso sa habag ng Panginoon at pupunan niya ang lahat ng
inyong
pangangailangan. Pupunuin niya ang
inyong
mga puso ng kapayapaan sapagkat siya ang kapayapaan at
inyong
pag-asa. Salamat sa
inyong
pagtugon sa aking panawagan.
”
Pahayag, December 2, 2010 - Pahayag ng Mahal na Birhen kay Mirjana
“
M
ahal kong mga anak; ngayong akoy'y dumadalangin kaisa ninyo upang likumin ang kalakasan na buksan ang
inyong
mga puso upang
inyong
mabatid and sukdulang tindi ng pagmamahal ng naghihirap ng Panginoon. Sa pamamagitan nito, at ng kanyang Pagmamahal, Kagandahang-loob at Kapakumbabaan, ako ay kasa-kasama ninyo. Inaanyayahan ko kayo sa isang di-pangkaraniwang panahon ng paghahanda na maging oras ng panalangin, pagpapakasakit at pagbabalik-loob. Aking mga anak, kailangan ninyo ang Panginoon. Hindi kayo maaring umungos liban sa aking Anak. Kapagka naunawaan at natanggap ninyo ito,anumang ipinangako sa inyo ay matutupad. Sa pamamitan ng Espiritong Banal, ang kaharian ng Kalangitan ay mapapasainyong puso. Inaakay ko kayo sa landas na ito. Salamat.
”
Pahayag, December 25, 2010
“
M
ahal kong mga anak! Ngayon, ninanais ko at ng aking Anak na punuin kayo ng masaganang kagalakan at kapayapaan upang ang bawat isa sa inyo ay maging tagapaghatid at saksi sa kapayapaan at kagalakan sa mga pook na
inyong
tinitirhan. Munting mga anak, kayo ay maging biyaya at kapayapaan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawaga.
”
Pahayag, January 2, 2011 - Pahayag ng Mahal na Birhen kay Mirjana
“
M
ahal kong mga anak, tinawagan ko kayo na makiisa kay Hesus, na aking Anak. Ang aking maka-inang puso ay nananalanging upang
inyong
maunawaan na kayo ay kabilang sa pamilya ng Panginoon. Sa pamamagitan ng kalayaang pang-ispiritwal, na bigay ng Mabathalang Panginoon, kayo ay tinatawagang mabatid and katotohanan, ang mabuti at ang di wasto. Nawa'y ang panalangin at pag-aayuno ay magbukas ng
inyong
mga puso. Sa pagsaliksik sa Ama, ang iyong buhay ay maayon sa pagtugon sa kagustuhan ng Panginoon at matanto ninyo ang angkan ng Diyos alinsunod sa kagustuhan ng aking Anak. Hindi ko kayo iiwan sa landasing ito. Salamat.
”
Naramdaman ni Mirjana na maaring niyang sabihin sa ating Mahal na Ina: "Kaming lahat at dumudulog sa inyo dala ang aming mga krus at pagdurusa. Kami ay nagsusumamong tulunga kami. Inabot ng Mahal na Birhen ang kanyang mga kamay sa atin at winika:
"Buksan ninyon ang
inyong
puso. Ibigay ninyo sa akin ang
inyong
pagdurusa. Ang Ina ay tutulong."
Pahayag, February 25, 2011
“
M
ga anak! Ang kalikasan ay gumigising at sa mga puno masisilayan ang mga usbong na siyang maghahatid ng pinakamagagandang bulaklak. Ninanais ko rin, mga munting anak, pagsumikapan ninyo ang pagbabago at kayo sana ang siyang maging saksi upang sa pamamagitan ng
inyong
halimbawa ito ay magsilbing palatandaan at pampa-ganyak sa pagbabalik loob ng iba. Ako ay kasa-kasama ninyo at sa harap ng aking anak na si Hesus ako ay namamagitan para sa
inyong
pagbabago. Salamat sa pagtalima ninyo sa aking panawagan.
”
To compare Medjugorje messages with another language versions choose
<<Previous
1
2
3
4
5
6
7
8
9
Next>>