Our Lady of Medjugorje Messages containing 'kulay'
Total found:
4
Pahayag, August 25, 1999
“
M
ahal kong mga anak, Kahit ngayon ay tinatawagan ko kayo upang lumuwalhati sa Diyos, na lumalang sa mga
kulay
ng kalikasan. Siya ay nakikipag-usap sa iyo gayundin kahit sa pinakamaliit na bulaklak tungkol sa kagandahan at katindihan ng pag-ibig na siyang naglalang sa iyo. Mga anak kong munti ang pagdalangin ay magbuhat sana sa inyong mga puso katulad ng malinaw na tubig sa tagsibol. Nawa'y ang trigo sa bukid ay makipag-usap sa iyo tungkol sa habag ng Paginoon sa bawa't nilalang. Dahil dito, magpanibagong simula sa pagdalangin sa lahat ng bagay na ibinigay sa iyo. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
”
Pahayag, August 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak! Tinatawagan ko kayo ngayon upang magpasalamat sa Diyos na nasa inyong mga puso alang-alang sa mga biyayang ipinagkaloob Niya sa inyo sa pamamagitan ng mga pahiwatig at
kulay
na nasa sa kalikasan. Nais ng Diyos na kayo ay mapalapit sa Kanya at matinag kayo upang siya ay papurihan at pasalamatan. Kung kaya mga anak tinatawagan ko kayong muli upang manalangin, manalangin, manalangin at huwag ninyong kalilimutan na ako ay kapiling ninyo. Ipinamamagitan ko ang bawat isa sa inyo sa Diyos hanggang magkaroon kayo ng ganap na tuwa. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, February 25, 2010
“
M
ahal Kong Mga Anak! Sa panahong ito ng biyaya, kung kailan naggagayak ang kalikasan na maglabas ng magagandang
kulay
ng taon, tinatawagan ko kayo, munti king mga anak, na buksan ang nyong mga puso sa Diyos na Siyang lumikha upang baguhin Niya kayo at ihugis sa Kanyang imahen, upang ang lahat ng mabuti na natutulog sa inyong mga puso ay magising sa paninibagong-buhay at sa pagnanasa sa buhay na walang hanggan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, April 25, 2011
“
M
ga anak, habang ang kalikasan ay nagbibigay ng pinaka-magagarang
kulay
ng taon, tinatawagan ko kayong saksihan at tulungan ang iba na lumapit sa aking kalinis-linisang puso upang magliyab ng pagmamahal ang kanilang puso ukol sa Kaitastaasang Diyos. Ipinagdarasal ko kayo upang ang inyong buhay ay maging salamin ng kalangitan dito sa lupa. Salamat sa inyong pagtugon sa aking panawagan.
”
To compare Medjugorje messages with another language versions choose