Our Lady of Medjugorje Messages containing 'kung'
Total found:
45
Pahayag, September 25, 2002
“
M
ahal kong mga anak, Sa panahong ito ng walang kapayapaan ay tinatawagan ko kayong manalangin. Manalangin kayo para sa kapayapaan ng sa gayon ay madama ng mga tao sa mundong ito ang pagmamahal tungo sa kapayapaan. Makadarama lamang ang tao nang kasiyahan
kung
kanilang matatagpuan ang kapayapaan sa Diyos at ang pagmamahal ay kakalat sa mundo. At kayo ay tinatawagan sa natatanging paraan upang kayo ay mabuhay at maging saksi sa kapayapaan. Kapayapaan sa inyong mga puso at sa inyong mga pamilya, at sa pamamagitan ninyo nawa'y magsimulang kumalat ang kapayapaan sa mundo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, December 25, 2002
“
M
ahal kong mga anak, Ito ay panahon ng dakilang biyaya, ngunit ito rin ang panahon ng malaking pagsubok para duon sa nagnanais na sundin ang daan ng kapayapaan. Dahil diyan, mga anak, muli akong nanawagan na kayo ay manalangin, manalangin, manalangin, hindi sa pamamagitan ng salita
kung
hindi sa inyong mga puso. Ipamuhay ninyo ang aking mga pahayag sa inyo at magsipagbago kayo. Maging mulat kayo sa handog na ito na ipinagkaloob ng diyos, na ako ay makapiling ninyo lalo na ngayon na hawak ko sa aking mga bisig ang sanggol na si Hesus ang Hari ng kapayapaan, at dalhin ninyo ito sa inyong mga puso at ibigay ninyo sa iba hanggang sa ang kapayapaan ng diyos ay maghari sa mundo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, April 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak, kayo ay muli kong tinatawagan upang buksan ang inyong mga sarili sa pananalangin. Sa panahon ng nagdaang Quaresma napapagkuro-kuro ninyo
kung
gaano kayo kaliit at
kung
gaano kaliit ang inyong pananampalataya. Mga anak magpasiya kayo ngayon para sa Diyos, na sa inyo at sa pamamagitan ninyo sana ay mapagbago ninyo ang puso ng mga tao, at gayon din ang inyong mga puso. Maging maligaya kayong tagapagdala ng balita ng pagka-buhay ng Diyos dito sa walang katahimikang mundo na nagnanais sa Diyos at sa lahat ng naauukol mula sa Diyos. Ako ay kasamasama ninyo mga anak, at mahal ko kayo ng isang natatanging pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, May 25, 2003
“
M
ga mahal kong anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayong muli para manalangin. Pagbaguhin ninyo ang inyong mga pangsariling pananalangin, at sa kakaibang paraan ay manalangin kayo sa Banal na Espiritu na tulungan kayong manalangin ng bukal sa inyong mga puso. Ipinamamagitan ko kayo mga anak, at tinatawagan ko kayo para magsipagbago.
Kung
kayo ay magbabago, lahat ng mga nakapaligid sa inyo ay magagsisipagbago rin at ang pananalagin ay magiging tuwa para sa kanila. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, August 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak! Tinatawagan ko kayo ngayon upang magpasalamat sa Diyos na nasa inyong mga puso alang-alang sa mga biyayang ipinagkaloob Niya sa inyo sa pamamagitan ng mga pahiwatig at kulay na nasa sa kalikasan. Nais ng Diyos na kayo ay mapalapit sa Kanya at matinag kayo upang siya ay papurihan at pasalamatan.
Kung
kaya mga anak tinatawagan ko kayong muli upang manalangin, manalangin, manalangin at huwag ninyong kalilimutan na ako ay kapiling ninyo. Ipinamamagitan ko ang bawat isa sa inyo sa Diyos hanggang magkaroon kayo ng ganap na tuwa. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, September 25, 2004
“
M
ahal kong mga Anak! Gayon din ngayon tinatawagan ko kayong umibig
kung
saan may poot, at pagkain
kung
saan may gutom. Buksan ang inyong mga puso, munti kong mga anak, ilahad ang mga kamay at maging mapagbigay nang sa gayon, sa pamamagitan ninyo, bawa't nilikha ay magpasalamat sa Diyos na lumikha. Magdasal, munti kong mga anak at buksan ang puso sa pagmamahal ng Diyos, na hindi magagawa kapag kayo ay hindi nananalangin. Sa makatuwid manalangin, manalangin, manalangin.Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, January 25, 2005
“
M
ahal kong mga Anak! Sa panahon ngayon ng biyaya, tinatawagan ko kayong muli na manalangin sa pagkakaisa ng mga Kristiyano upang sila ay mag-isang puso. Ang pagkakaisa ay sadyang sasainyo habang kayo ay nagdarasal at nagpapatawad. Huwag ninyong kalilimutan: ang pag-ibig ay nasasakop lamang
kung
kayo ay magdarasal at ang inyong puso ay bubuksan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, April 25, 2006
“
M
ahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo na magtiwala sa akin at sa aking Anak. Pinagtagumpayan Niya ang Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay at sa pamamagitan ko ay tinatawagan Niya kayo upang maging bahagi ng Kanyang kasiyahan. Hindi ninyo nakikita ang Diyos, munti kong mga anak, nguni't
kung
kayo'y mangagdarasal ay mararamdaman ninyo na Siya'y nalalapit lamang. Ako ay sumasainyo at namamagitan sa harap ng Diyos para sa inyong lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, August 25, 2006
“
M
ahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo upang manalangin, manalangin, manalangin. Sa pamamagitan lamang ng panalangin kayo mapapalapit sa akin at sa aking Anak at makikita ninyo
kung
gaanong kaiksi ang buhay. Sa inyong mga puso ay isisilang ang hangarin ng kaluwalhatian. Ang kagalakan ay magsisimulang maghari sa inyong mga puso at ang panalangin ay aagos na parang ilog. Sa inyong mga pananalita ay panay lamang mga pasalamat sa Diyos para sa Kanyang paglalang sa inyo at ang pagnanasa ninyo sa kabanalan ay magiging katotohanan para sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, March 25, 2007
“
M
ahal kong mga Anak! Nais kong pasalamatan kayo mula sa aking puso sa lahat ng inyong mga tinalikuran ngayong Mahal na Araw. Nais kong pukawin ang inyong mga kalooban na ipagpatuloy ang pag-aayuno ng may bukas na puso. Sa pamamagitan ng pag-aayuno at pagtatakwil, munti kong mga anak, mas lalakas ang inyong paniniwala. Sa Diyos ay matatagpuan ninyo ang tunay na kapayapaan sa pamamagitan ng pagdarasal araw-araw. Ako ay sumasainyo at hindi ako napapagod. Ninanais kong isama kayo lahat sa akin sa Kalangitan,
kung
kaya piliin araw-araw ang kabanalan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, October 25, 2007
“
M
ahal kong mga Anak! Pinadala ako ng Diyos sa piling ninyo upang mapatnubayan ko kayo patungo sa landas ng kaligtasan. Marami sa inyo ang nagbukas ng kanilang mga puso at tumanggap ng aking mga balita, nguni't marami ding mga nangawala sa landas na ito at hindi nakakakilala sa Diyos ng pag-ibig sa kabuuan ng kanilang puso. Samakatuwid, tinatawagan ko kayo upang maging pag- ibig at ilaw
kung
saan may kadiliman at kasalanan. Ako ay sumasainyo at nagbabasbas sa lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, August 25, 2008
“
M
ahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo sa pansariling pagbabagong-loob. Kayo na syang mga magbabagong-loob, sa pamamagitan ng inyong buhay, ay makakasaksi, magmamahal, magpapatawad, at magdadala ng kasiyahan ng Siya na Nabuhay Muli sa daigdig na ito,
kung
saan ang aking Anak ay namatay at
kung
saan ang mga katauhan ay mga hindi nakadarama na Siya ay hanapin at tuklasin sa kanilang mga buhay. Sinasamba ninyo Siya, at nawa'y ang inyong mga pag-asa ay siyang mga maging pag-asa para sa mga pusong hindi nakakakilala kay Hesus. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, September 25, 2008
“
M
ahal kong mga Anak! Nawa'y ang panibago ninyong buhay ay iukol sa katahimikan. Maging masiyahing tagapagdala ng kapayapaan at huwag ninyong limutin na nabubuhay kayo sa panahon ng biyaya, na
kung
saan ay ibinibigay sa inyo ng Diyos mga kahanga-hangang kabutihan sa pamamagitan ng aking pagdalo. Huwag ninyong ipinid ang inyong mga sarili, sa halip ay gamitin ng mabuti ang panahong ito at hanapin ang handog na kapayapaan at pag-ibig para sa inyong mga buhay upang kayo ay maging mga saksi sa iba. Binabasbasan ko kayo ng maka-inang pagpapala. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, October 25, 2008
“
M
ahal kong mga Anak! Sa katangi- tanging pamamaraan, tinatawagan ko kayo na manalangin para sa aking mga hangarin upang, sa pamamagitan ng inyong mga panalangin, ay mapigilan si Satanas sa kanyang mga balak para sa mundong ito, na palayuin kayo araw-araw sa Panginoon, at ilagay ang sarili niya sa lugar ng Diyos at sirain lahat ng mabuti at tama sa kaluluwa ng bawa't isa sa inyo. Samakatuwid, munti kong mga anak, sandatahan ninyo ang inyong mga sarili ng mga panalangin at pag-aayuno upang mamalayan ninyo
kung
gaano kayong kamahal ng Diyos at nang maisakatuparan ninyo ang kalooban ng Diyos. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, December 25, 2008
“
M
ahal kong mga Anak! Kayo ay mga nagsisitakbo, nagsisipagtrabaho, nagtitipon - nguni't walang biyaya. Hindi kayo nananalangin! Ngayon ay tinatawagan ko kayo na tumigil sa harapan ng sabsaban at magnilay-nilay kay Hesus, na siyang ibinibigay ko sa inyo ngayon, upang mabasbasan kayo at tulungang maunawaan na,
kung
Siya'y wala, kayo'y walang kinabukasan. Samakatuwid, munti kong mga anak, isuko ang inyong mga buhay sa kamay ni Hesus, na kayo ay Kanyang mapatnubayan at maipagtanggol sa lahat ng kasamaan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, March 25, 2009
“
M
ahal kong mga Anak! Sa panahong ito ng tagsibol,
kung
kailan ang lahat ay gumigising mula sa pagkakatulog noong taglamig, gigisingin rin ninyo ang inyong mga kaluluwa ng may kasamang panalangin upang maging handa ang mga ito na tanggapin ang ilaw ni Hesus na Siyang nabuhay muli. Munti kong mga anak, nawa'y ilapit Niya kayo sa Kanyang Puso upang maging bukas kayo sa buhay na walang hanggan. Ipinapanalangin ko kayo at namamagitan sa harap ng Kaitaas-taasan para sa inyong buong pusong pagbabago. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, May 25, 2009
“
M
ahal kong mga anak! Sa panahong ito, tinatawagan ko kayong lahat na manalangin sa pagdating ng Espiritu Santo sa lahat ng nilalang na binyagan, upang baguhin kayong lahat ng Espiritu Santo at ituro kayo sa daan
kung
saan masasaksihan ninyo ang inyong pananampalataya - kayo at ang lahat ng malayo sa Diyos at sa Kanyang Pagmamahal. Ako ay sumasainyo at namamagitan para sa inyo sa harap ng Kaitaas-taasan. Salamat sa inyong pagtugon sa aking panawagan.
”
Pahayag, February 25, 2010
“
M
ahal Kong Mga Anak! Sa panahong ito ng biyaya,
kung
kailan naggagayak ang kalikasan na maglabas ng magagandang kulay ng taon, tinatawagan ko kayo, munti king mga anak, na buksan ang nyong mga puso sa Diyos na Siyang lumikha upang baguhin Niya kayo at ihugis sa Kanyang imahen, upang ang lahat ng mabuti na natutulog sa inyong mga puso ay magising sa paninibagong-buhay at sa pagnanasa sa buhay na walang hanggan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, June 2, 2010 - Pahayag ng Mahal na Birhen kay Mirjana
“
M
ahal Kong Mga Anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo na manalangin at mag-ayuno upang malinaw ang daan na
kung
saan papasok sa puso ninyo ang aking Anak. Tanggapin ninyo ako bilang ina at tagapaghatid-balita ng pag-ibig ng Diyos at ng Kanyang hangarin para sa inyong kaligtasan. Palayain ninyo ang inyong mga sarili ng lahat sa inyong mga nakaraan na nakabibigat sa inyo, na nagbibigay sa inyo ng bagay na ikasisisi, na siyang umakay sa inyo noon sa kamalian at dilim. Tanggapin ninyo ang liwanag. Isilang kayong muli sa katarungan ng aking Anak. Salamat.
”
Pahayag, July 25, 2010
“
M
ahal Kong Mga Anak! Muli ay tinatawagan ko kayo na sumunod sa akin ng may kagalakan. Hangad ko na akayin kayo sa aking Anak, ang inyong Tagapagligtas. Hindi ninyo namamalayan na
kung
wala Siya, wala kayong kagalakan at katahimikan, at wala rin kayong kinabukasan o buhay na walang-hanggan. Samakatuwid, munti kong mga anak, pagbutihin ninyo ang gamit sa panahon na puno ng masayang pananalangin at pagsuko. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
To compare Medjugorje messages with another language versions choose
<<Previous
1
2
3
Next>>