Our Lady of Medjugorje Messages containing 'lamang'
Total found:
44
Pahayag, April 25, 2009
“
M
ahal kong mga Anak! Nananawagan ako ngayon na manalangin kayo para sa kapayapaan at upang masaksihan ito sa inyong mga pamilya na ang kapayapaan ay siyang maging pinakamahalagang kayamanan sa magulong mundong ito. Ako ang inyong Reyna ng Kapayapaan at ang inyong Ina. Nais kong pamatnubayan kayo sa landas ng kapayapaan, na sa Diyos
lamang
nagmumula. Samakatuwid, manalangin, manalangin, manalangin. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, June 25, 2010 - Årsdagen för uppenbarelserna
“
M
ahal Kong Mga Anak! Nang may kasiyahan, tinatawagan ko kayong lahat na buhayin ang aking mga pahayag ng may kagalakan; sa ganito
lamang
pamamaraan, munti long mga anak, kayo mapapalapit sa aking Anak. Hangad ko na akayin kayong lahat sa Kanya
lamang
, at sa Kanya ay matatagpuan ninyo ang tunay na kapayapaan at kagalakan sa inyong mga puso. Kayo ay binabasbasan ko at minamahal ng walang hangganang pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, August 2, 2010 - Pahayag ng Mahal na Birhen kay Mirjana
“
M
ahal kong mga Anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo, upang simulang itaguyod ang Kaharian ng Kalangitan sa inyong mga puso; upang iwaksi ang anumang makasarili at - sa pamamagitan ng halimbawa ng aking Anak - inyong maisaisip kung ano ang maka-Diyos. Ano ba ang ibig Niya sa inyo? Huwag hayaang buksan ni Satanas ang landas ng makamundong kaligayahan, ang landas na liban ang aking Anak. Mga Anak, ito ay hindi wasto at panandalian
lamang
. Ang aking Anak ang siyang tunay. Iniaalay ko sa inyo ang walang hanggang kagalakan at kapayapaan kaisa ng aking Anak at ng Panginoon. Iniaalay ko ang kaharian ng Diyos.
”
Latest Pahayag, May 25, 2011
“
M
ga anak! Ngayon, dasal ko na inyong hanapin ang biyaya ng pagbabalik-loob. Kayo ay kumakatok sa pintuan ng aking puso nguni't walang pag-asa at panalangin, lubog sa kasalanan at walang pangungumpisal sa Panginoon. Talikdan ninyo ang kasalanan at pagpasyahan ang landas ng kabanalan, mga munting mga anak. Sa ganitong paraan ko
lamang
kayo matutulungan. Sa ganitong paraan ko
lamang
maririnig ang inyong mga panalangin at maipamamagitan kayo sa Kaitastaasan! Salamat sa inyong pagtugon sa aking panawagan.
”
To compare Medjugorje messages with another language versions choose
<<Previous
1
2
3