Our Lady of Medjugorje Messages containing 'maging'
Total found:
100
Pahayag, June 25, 2002
“
M
ga mahal kong anak! Ngayon ako’y nanalangin para sa inyo at kasama ninyo at nawa’y tulungan kayo ng Banal na Espirtu na madagdagan ang inyong pananampalataya ng sa gayon ay lalo ninyong matanggap ang pahayag na ibinibigay ko sa inyo dito sa banal na lugar. Mga anak, unawain ninyo na ito ang panahon nang biyaya para sa bawat isa sa inyo, at sa pamamagitan ko mga anak ay lalo kayong maligtas. Ninanais ko na igabay kayo sa daan ng kabanalan. Ipamuhay ninyo ang aking pahayag at ilagay sa inyong buhay ang bawat katagang ibinibigay ko sa inyo. Nawa’y
maging
mahalaga ito para sa inyo sapagkat ito ay nagmula sa langit. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, July 25, 2002
“
M
ahal kong mga anak! Ngayon ako’y nagagalak kasama ng inyong mga patron, at tinatawagan ko kayo na
maging
bukas sa kalooban ng Diyos nang sa gayon, sa iyo at sa pamamagitan mo ay yumabong ang pananampalataya nang bawat taong makatagpo mo sa araw-araw mga anak, manalangin kayo hanggang ang pananampalataya ay
maging
kagalakan para sa iyo. Hingin ninyo sa inyong banal na tagapangalaga na tulungan kayong lumaki na nagmamahal sa Diyos salamat sa pagtugon ninyo sa akin.
”
Pahayag, September 25, 2002
“
M
ahal kong mga anak, Sa panahong ito ng walang kapayapaan ay tinatawagan ko kayong manalangin. Manalangin kayo para sa kapayapaan ng sa gayon ay madama ng mga tao sa mundong ito ang pagmamahal tungo sa kapayapaan. Makadarama lamang ang tao nang kasiyahan kung kanilang matatagpuan ang kapayapaan sa Diyos at ang pagmamahal ay kakalat sa mundo. At kayo ay tinatawagan sa natatanging paraan upang kayo ay mabuhay at
maging
saksi sa kapayapaan. Kapayapaan sa inyong mga puso at sa inyong mga pamilya, at sa pamamagitan ninyo nawa'y magsimulang kumalat ang kapayapaan sa mundo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, December 25, 2002
“
M
ahal kong mga anak, Ito ay panahon ng dakilang biyaya, ngunit ito rin ang panahon ng malaking pagsubok para duon sa nagnanais na sundin ang daan ng kapayapaan. Dahil diyan, mga anak, muli akong nanawagan na kayo ay manalangin, manalangin, manalangin, hindi sa pamamagitan ng salita kung hindi sa inyong mga puso. Ipamuhay ninyo ang aking mga pahayag sa inyo at magsipagbago kayo.
Maging
mulat kayo sa handog na ito na ipinagkaloob ng diyos, na ako ay makapiling ninyo lalo na ngayon na hawak ko sa aking mga bisig ang sanggol na si Hesus ang Hari ng kapayapaan, at dalhin ninyo ito sa inyong mga puso at ibigay ninyo sa iba hanggang sa ang kapayapaan ng diyos ay maghari sa mundo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, January 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak, Sa pahayag na ito ay muli ko kayong tinatawagan upang manalangin para sa kapayapaan. Lalo na ngayon na ang kapayapaan ay nasa pangnib, kayo ang manalangin at magin saksi sa kapayapaan. Mga anak kayo ay
maging
kapayapaan dito sawalang kapayapaang mundo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, February 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak, ako ay muling nanawagan para manalangin at magayuno alang-alang sa kapayapaan tulad nang nasabi ko na sa inyo at muli kong inuulit sa inyo mga anak na sa pananalangin at pag aayuno lamang mapipigilan ang paghahamok. Ang kapayapaan ay isang handog nag diyos. Hanapin at manalangin at iyo'y inyong makakamit. Pagusapan ninyo ang kapayapaan at dalhin sa inyong mga puso. Alagaan ito tulad sa isang bulaklak na nangangailangan ng tubig, pagmamahal at liwanag.
Maging
tagapagdala kayo ng kapayapaan sa iba. Ako ay nasa inyo at mamagitan para sa inyong lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, April 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak, kayo ay muli kong tinatawagan upang buksan ang inyong mga sarili sa pananalangin. Sa panahon ng nagdaang Quaresma napapagkuro-kuro ninyo kung gaano kayo kaliit at kung gaano kaliit ang inyong pananampalataya. Mga anak magpasiya kayo ngayon para sa Diyos, na sa inyo at sa pamamagitan ninyo sana ay mapagbago ninyo ang puso ng mga tao, at gayon din ang inyong mga puso.
Maging
maligaya kayong tagapagdala ng balita ng pagka-buhay ng Diyos dito sa walang katahimikang mundo na nagnanais sa Diyos at sa lahat ng naauukol mula sa Diyos. Ako ay kasamasama ninyo mga anak, at mahal ko kayo ng isang natatanging pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, June 25, 2003
“
M
ahal kong mg anak! Muli ko kayong tinatawagan ng may kagalakan upang isa-buhay ang aking mensahe. Ako ay nasasainyo at ako ay nagpapasalamat sa pagsasabuhay ninyo ng aking mga sinasabi sa inyo. Tinatawagan ko kayong muli upang ipanibago ko ang aking mensahe sa inyo ng mayhigit na sigasig at tuwa. Nawa’y ang pananalangin ay
maging
pang araw-araw ninyong gawain. Salamat sa pagtugon nonyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, July 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak! Ngayon ay nananawagan ako sa inyo na kayo ay manalangin. Mga anak, manalangin kayo hanggang ang pananalangin ay
maging
tuwa para sa iyo. Sa pamamagitan lamang nito ninyo matatagpuan ang kapayapaan sa inyong mga puso at ang inyong kaluluwa ay masisiyahan. Madarama ninyo ang pangangailangan na
maging
saksi para sa iba ang pagmamahal na inyong nadarama sa inyong mga puso at buhay. Ako ay nasasa-inyo at namamagitan sa Diyos para sa inyong lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, September 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo na
maging
malapit sa aking puso. Tanging sa ganitong paraan lamang ninyo mauunawaan ang handog ng aking pakikipagpiling sa inyo. Ninanais ko mga anak na igabay kayo tungo sa puso ng aking anak na si Hesus; ngunit tinatanggihan ninyo at hindi ninyo nais na buksan ang inyong mga puso sa pananalangin. Muli mga anak, tinatawagan ko kayo na huwag
maging
bingi sa aking panawagan ng kaligtasan para sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, November 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak, Tinatawagan ko kayo upang ang panahong ito ay
maging
panghalina sa inyo upang manalangin. Sa panahong ito mga anak, manalangin kayo na si Hesus ay isilang sa inyong mga puso. Higit sa lahat duon sa ayaw kumilala sa kanya.
Maging
mapagmahal,
maging
tuwa at kapayapaan kayo dito sa walang katahimikang mundo. Ako'y laging nasa inyo at namamagitan sa Diyos para sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, February 25, 2004
“
M
ahal kong mga anak! Ngayon at higit magpakailanman ay tinatawagan ko kayo upang buksan ninyo ang inyong mga puso sa aking ipinahayag sa inyo. Mga anak,
maging
tagapagdala kayo ng mga kaluluwa upang mapalapit sa Diyos. Huwag yaong maglalayo sa kanila. Ako ay nasa sa inyo at minamahal ko kayo ng may tanging pagmamahal. Ito ay panahon ng pagtitika at pagbabago at mula sa kaibuturan ng aking puso ay tinatawagan ko kayong
maging
akin ng buo ninyong puso at dito lamang ninyo makikita na ang Diyos ay dakila sapagkat ipagkakaloob niya sa inyo ang masaganang biyaya at kapayapaan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, March 25, 2004
“
M
ahal kong mga Anak! Ngayon din, tinatawagan ko kayo na buksan ang inyong mga sarili sa pananalangin. Lalo na ngayon sa panahon ng biyaya. Buksan ninyo ang inyong mga puso mga anak at ipahayag ninyo ang inyong pagmamahal sa napapako. Sa ganitong paraan lamang ninyo matatagpuan ang kapayapaan, at ang pananalangin ay magsisimulang umapaw mula sa inyong mga puso patungo sa mundo.
Maging
halimbawa kayo mga anak at
maging
pang-akit kayo sa kabutihan. Ako ay malapit sa inyo at mahal ko kayong lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, July 25, 2004
“
M
ahal kong mga anak"! Tinatawagan ko kayong muling
maging
bukas sa aking panawagan . Ninanais kong lahat kayo, munti kong mga anak, ay hilahing lalong mapalapit sa aking anak na si Hesus, kaya kayo ay manalangin at mag-ayuno. Tinatawagan ko kayong lalong manalangin para sa aking mga adhikain upang kayo ay aking maidulog sa aking anak na sa Hesus ng kayo ang kanyang mapagbago at mabuksan ang inyong puso sa pagmamahal. Kapag ang puso ay may pagmamahal, kapayapaan ang sasakop sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, September 25, 2004
“
M
ahal kong mga Anak! Gayon din ngayon tinatawagan ko kayong umibig kung saan may poot, at pagkain kung saan may gutom. Buksan ang inyong mga puso, munti kong mga anak, ilahad ang mga kamay at
maging
mapagbigay nang sa gayon, sa pamamagitan ninyo, bawa't nilikha ay magpasalamat sa Diyos na lumikha. Magdasal, munti kong mga anak at buksan ang puso sa pagmamahal ng Diyos, na hindi magagawa kapag kayo ay hindi nananalangin. Sa makatuwid manalangin, manalangin, manalangin.Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, October 25, 2004
“
M
ahal kong mga anak! Ito ang panahon ng biyaya para sa mga mag-aanak, kaya kayo ay aking tinatawagang magbago sa pagdarasal. Nawa si Hesus ay sumapuso sa inyong mag-aanak. Sa pagdarasal ay natututo tayong ibigin ang lahat na sagrado. Gayahin ang buhay ng mga santo na nagbibigay sigla at nagiging tagapagturo sa mga landas tungo sa kabanalan. Nawa'y and bawa't mag-anak ay
maging
saksi ng pag-ibig dito sa mundong walang pagdarasal at kapayapaan. Salamat sa pagtugon sa aking panawagan.
”
Pahayag, November 25, 2004
“
M
ahal kong mga Anak! Sa panahong ito lahat kayo ay tinatawagan ko na magdasal para sa aking mga balak. Lalo na, munti kong mga anak, ipagdasal iyong mga hindi na nakakakilala sa pag-ibig ng Diyos at ang mga hindi sumasangguni sa Diyos na Tagapagligtas. Kayo, munti kong mga anak, ay
maging
hayag na kamay ko at sa pamamagitan ng iyong halimbawa ay mahila silang mapalapit sa aking puso at sa puso ng aking Anak. Gagantimpalaan kayo ng Diyos ng mga grasya at mga pagpapala. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, December 25, 2004
“
M
ahal kong mga Anak! Gayon din sa ngayon, ikinagagalak kong dalhin ko sa inyo ang aking Anak na si Hesus sa aking mga bisig. Binabasbasan niya kayo at tinatawagan sa kapayapaan. Magdasal munti kong mga anak at
maging
matatag na mga saksi ng mabuting balita sa lahat ng pagkakataon. Sa ganitong paraan lamang na kayo ipagpapala ng Diyos at sa inyong pananampatalaya ay ibibigay ang lahat ng inyong mga hinihiling. Ako ay laging sasainyo sa kapahintulutan ng Maykapal. Pinamamagitanan ko ng may malaking pagmamahal ang bawa't isa sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, February 25, 2005
“
M
ahal kong mga Anak! Tinatawagan ko kayo ngayon na
maging
aking mga galamay para sa mundong ito na inilalagay ang Diyos sa hulihan. Kayo, munti kong mga anak, ipagpauna sa lahat ang Diyos sa inyong buhay. Ipagpapala kayo ng Diyos at bibigyang lakas sa pagpapatutoo sa Kanya, ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan. Ako ay namamagitan at laging sumasainyo. Munti kong mga anak, huwag ninyong kalilimutan na ang pag-ibig ko sa inyo ay isang mayuming pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, May 25, 2005
“
M
ahal kong mga Anak! Muli ay tinatawagan ko kayo na isabuhay ng may pagpapakumbaba ang aking mga mensahe.
Maging
saksi ngayon lalo na sa nalalapit na anibersaryo ng aking mga pagpapakita. Munti kong mga anak,
maging
tanda doon sa mga malalayo sa Diyos at sa Kanyang pagmamahal. Ako ay laging nasa inyo at binabasbasan kayo ng Maka-Inang pagpapala. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
To compare Medjugorje messages with another language versions choose
<<Previous
1
2
3
4
5
Next>>