Our Lady of Medjugorje Messages containing 'mga'
Total found:
187
Pahayag, August 25, 2006
“
M
ahal kong
mga
Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo upang manalangin, manalangin, manalangin. Sa pamamagitan lamang ng panalangin kayo mapapalapit sa akin at sa aking Anak at makikita ninyo kung gaanong kaiksi ang buhay. Sa inyong
mga
puso ay isisilang ang hangarin ng kaluwalhatian. Ang kagalakan ay magsisimulang maghari sa inyong
mga
puso at ang panalangin ay aagos na parang ilog. Sa inyong
mga
pananalita ay panay lamang
mga
pasalamat sa Diyos para sa Kanyang paglalang sa inyo at ang pagnanasa ninyo sa kabanalan ay magiging katotohanan para sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, September 25, 2006
“
M
ahal kong
mga
Anak! Ngayon din ako ay sumasainyo at tinatawagan ko kayong lahat na lubusin ang pagbabagong-loob. Piliin ang Diyos, munti kong
mga
anak, at makikita ninyo sa Diyos ang kapayapaang hinahanap ng inyong
mga
puso. Tularan ang buhay ng
mga
taong banal at nawa'y maging
mga
halimbawa sila sa inyo; at ako naman ay magbibigay-diwa sa inyo habang pinahihintulutan ako ng Makapangyarihang Diyos na sumainyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, October 25, 2006
“
M
ahal kong
mga
Anak! Ngayon ay pinahihintulutan ako ng Panginoon na ipaalam muli sa inyo na kayo ay nabubuhay sa panahon ng biyaya. Hindi ninyo namamalayan, munti kong
mga
anak, na binibigyan kayo ng Diyos ng malaking pagkakataon na magbagong-loob at mamuhay ng mapayapa at sa loob ng pagmamahalan. Kayo ay bulag at nakakapit sa
mga
bagay na makalupa at iniisip lamang ang buhay na makamundo. Isinugo ako ng Diyos upang akayin kayo sa buhay na walang-hanggan. Ako, munti kong
mga
anak, ay hindi napapagod, nguni't nakikita ko na ang inyong
mga
puso ay mabigat at pagod sa lahat ng biyaya at handog. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, November 25, 2006
“
M
ahal kong
mga
Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo upang manalangin, manalangin, manalangin Munti kong
mga
anak, kapag kayo ay nangagdarasal, nalalapit kayo sa Diyos at ibinibigay Niya sa inyo ang pag-aasam ng walang hangganan. Ito ang panahon na kinakailangan ninyong higit na pag-usapan ang tungkol sa Diyos at gumawa ng higit pa para sa Diyos. Samakatuwid, munti kong
mga
anak, huwag ninyo Siyang labanan at sa halip ay hayaan ninyo Siyang akayin kayo, baguhin kayo, at patuluyin sa inyong buhay. Huwag ninyong limutin na kayo ay
mga
manlalakbay na tumutungo sa buhay na walang hanggan. Kaya nga, munti kong
mga
anak, hayaan ang Diyos na matnubay sa inyo tulad ng patnubay ng isang pastol sa kanyang kawan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, December 25, 2006 - Ang taunang pagpapakita kay Jakov
“
M
ahal kong
mga
Anak! Ngayon din ay dala-dala ko sa inyo pangko sa aking bisig ang bagong-silang na si Jesus. Siya na Hari ng Kalangitan at kalupaan, Siya ang inyong kapayapaan. Munti kong
mga
anak, wala nang makapagbibigay sa inyo ng kapayapaan kundi Siya na Hari ng Kapayapaan. Samakatuwid, purihin Siya sa inyong
mga
puso, piliin Siya at katutuwaan Niya kayo. Babasbasan Niya kayo ng biyaya ng kapayapaan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, December 25, 2006 - Vuosittainen ilmestys Jakoville
Sa huling araw-araw na pagpapakita kay Jakov Colo noong ika-12 ng Setyembre, 1998, sinabi sa kanya ng Ating Ina na magmula noon siya ay pagpapakitaan minsan isang taon, tuwing ika-25 ng Disyembre, sa araw ng Kapaskuhan. Gayun din ngayong taong ito. Ang pangitain ay nagsimula ng 3:32 ng hapon at tumagal ng 6 na minuto.
“
N
gayon ay dakilang araw ng kasiyahan at kapayapaan. Magdiwang kayong kasama ko. Munti kong
mga
anak, sa katangi-tanging paraan, tinatawagan ko ang kabanalan sa inyong
mga
pamilya. Hinahangad ko, munti kong
mga
anak, na bawa't pamilya ay maging banal at ang kasiyahan at kapayapaan ng Diyos, na ibinibigay sa inyo ng Diyos sa di-pangkaraniwang paraan, ay siya sanang maghari at manirahan sa inyong
mga
pamilya. Munti kong
mga
anak, buksan ang inyong
mga
puso ngayong araw na ito ng biyaya, piliin ang Diyos at ipagpa-una siya sa lahat ng bagay sa inyong
mga
pamilya. Ako ang inyong Ina. Mahal ko kayo at ibinibigay sa inyo ang Maka-inang Biyaya.
”
Pahayag, January 25, 2007
“
M
ahal Kong
Mga
Anak! Ilagay ang Banal na Kasulatan sa dakong madaling makita ng inyong pamilya at basahin ito. Sa ganitong pamamaraan, matututunan ninyo sa inyong
mga
puso ang
mga
panalangin at masasaisip ninyo palagi ang Diyos. Huwag ninyong kalilimutan na dumadaan lamang tayo na parang
mga
bulaklak sa bukid, na nakikita mula sa malayo nguni't naglalaho sa paglipas ng maiksing saglit. Munti kong
mga
anak, mag-iwan ng tanda ng kabutihan at pagmamahalan sa bawa't inyong pagdaan at babasbasan kayo ng Diyos ng labis-labis Niyang biyaya. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, February 25, 2007
“
M
ahal Kong
Mga
Anak! Buksan ang inyong
mga
puso sa habag ng Diyos ngayong panahon ng Mahal na Araw. Hinahangad ng ating Ama sa Kalangitan na iligtas tayong lahat sa mapang-aliping kasalanan. Samakatuwid, munti kong
mga
anak, gamitin ng tama ang panahong ito at sa pamamagitan ng pakikipagkita sa Diyos sa pangungumpisal, iwanan ang kasalanan at pagpasyahan ang kabanalan. Gawin ito ng dahil sa pagmamahal kay Hesus na tumubos sa inyong lahat sa pamamagitan ng Kanyang Dugo, upang kayo ay maging masaya at mapayapa. Huwag ninyong kalilimutan, munti kong
mga
anak: ang inyong kalayaan ay siya ninyong kahinaan, samakatuwid ay sundin ang aking
mga
pahayag ng may kahalagahan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, March 25, 2007
“
M
ahal kong
mga
Anak! Nais kong pasalamatan kayo mula sa aking puso sa lahat ng inyong
mga
tinalikuran ngayong Mahal na Araw. Nais kong pukawin ang inyong
mga
kalooban na ipagpatuloy ang pag-aayuno ng may bukas na puso. Sa pamamagitan ng pag-aayuno at pagtatakwil, munti kong
mga
anak, mas lalakas ang inyong paniniwala. Sa Diyos ay matatagpuan ninyo ang tunay na kapayapaan sa pamamagitan ng pagdarasal araw-araw. Ako ay sumasainyo at hindi ako napapagod. Ninanais kong isama kayo lahat sa akin sa Kalangitan, kung kaya piliin araw-araw ang kabanalan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, April 25, 2007
“
M
ahal kong
mga
Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo na magbagong-loob. Buksan ang inyong
mga
puso. Ito ay panahon ng biyaya habang ako ay sumasainyo, gamitin ito sa tama. Sabihin ninyo: 'Ito ang panahon para sa aking kaluluwa.' Ako ay sumasainyo at minamahal ko kayo ng walang hangganang pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, May 25, 2007
“
M
ahal kong
mga
Anak! Samahan ninyo akong manalangin sa Espiritu Santo upang akayin Niya tayo sa pagsasaliksik natin sa kalooban ng Diyos patungo sa ating kabanalan. At kayo na siyang malayo sa panalangin, magbagong-loob, at sa katahimikan ng inyong
mga
puso, hanapin ang kaligtasan ng inyong
mga
kaluluwa at hubugin ito ng panalangin. Isa-isa ko kayong ipinagpapala ng maka-ina kong biyaya. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, June 25, 2007 - Årsdagen för uppenbarelserna
“
M
ahal Kong
Mga
Anak! Gayon din sa araw na ito, ng may malaking kagalakan sa aking puso, tinatawagan ko kayo na magbagong-loob. Munti kong
mga
anak, huwag ninyong kalilimutan na kayo ay mahalaga sa dakilang planong ito, na pinangungunahan ng Diyos sa pamamagitan ng Medjugorje. Ninanasa ng Diyos na baguhin ang kalooban ng mundo at tawagin ito sa kaligtasan at sa daan patungo sa Kanya, Siya na simula at wakas ng lahat ng nilalang. Sa katangi-tanging paraan, munti kong
mga
anak, mula sa kaibuturan ng aking puso, tinatawagan ko kayo na buksan ang inyong kalooban sa dakilang grasya na ibinibigay sa inyo sa pamamagitan ng pagharap ko dito. Nais kong pasalamatan kayong lahat sa
mga
sakripisyo at panalangin. Ako ay sumasainyo at binabasabasan ko kayong lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, July 25, 2007
“
M
ahal kong
mga
Anak! Ngayon, sa araw ng Patron ng inyong Parokya, tinatawagan ko kayo upang tularan ang buhay ng
mga
Banal. Nawa'y maging
mga
halimabawa sila para sa inyo at
mga
tagapagpalakas ng loob tungo sa buhay ng kabanalan. Ang
mga
dalangin nawa ay maging tulad ng hangin na inyong hinihinga at hindi isang pasanin. Munti kong
mga
anak, ipagtatapat sa inyo ng Diyos ang Kanyang pagmamahal at mararanasan ninyo ang kasiyahan na kayo ay minamahal. Babasbasan kayo ng Diyos at bibigyan Niya kayo ng masaganang biyaya. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, August 25, 2007
“
M
ahal kong
mga
Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo na magbagong-loob. Nawa'y ang inyong buhay, munti kong
mga
anak, ay maging anino ng kabutihan ng Diyos at hindi ng kapootan at kataksilan. Manalangin, munti kong
mga
anak, na ang panalangin ay maging buhay para sa inyo. Sa pamamagitan nito, matutuklasan ninyo sa buhay ninyo ang kapayapaan at kagalakan na ibinibigay ng Diyos sa may
mga
bukas na puso sa Kanyang pagmamahal. At kayo na malalayo sa awa ng Diyos, magsipagbagong-loob kayo upang hindi maging bingi sa panalangin ninyo ang Diyos at upang hindi pa maging huli ang lahat. Samakatuwid, sa panahong ito ng biyaya, magbagong-loob kayo at ipanguna ang Diyos sa inyong buhay. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, September 25, 2007
“
M
ahal kong
mga
Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayong lahat upang pagliyabin ang inyong
mga
puso ng may masigasig na pagmamahal sa Ipinako, at huwag ninyong kalilimutan na, dahil sa pagmamahal sa inyo, ibinigay Niya ang Kanyang buhay upang kayo ay mailigtas. Munti kong
mga
anak, kayo ay magnilay-nilay at manalangin na ang inyong
mga
puso ay magbukas sa pagmamahal ng Diyos. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, October 25, 2007
“
M
ahal kong
mga
Anak! Pinadala ako ng Diyos sa piling ninyo upang mapatnubayan ko kayo patungo sa landas ng kaligtasan. Marami sa inyo ang nagbukas ng kanilang
mga
puso at tumanggap ng aking
mga
balita, nguni't marami ding
mga
nangawala sa landas na ito at hindi nakakakilala sa Diyos ng pag-ibig sa kabuuan ng kanilang puso. Samakatuwid, tinatawagan ko kayo upang maging pag- ibig at ilaw kung saan may kadiliman at kasalanan. Ako ay sumasainyo at nagbabasbas sa lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, November 25, 2007
“
M
ahal kong
mga
Anak! Ngayong ipinagdiriwang ninyo si Kristong Hari ng lahat ng nilalang, ninanais ko para sa Kanya na maging Hari din Siya ng inyong
mga
buhay. Sa pamamagitan ng pagbibigay, munti kong
mga
anak, ay mauunawaan ninyo ang sakripisyong inialay ni Hesus sa Krus para sa bawa't isa sa inyo. Munti kong
mga
anak, maglaan kayo ng panahon para sa Diyos upang mapagbago Niya kayo at upang punuin Niya kayo ng grasya, nang kayo naman ay maging biyaya rin para sa iba. Para sa inyo, munti kong
mga
anak, ako ang kaloob na biyaya at pagmamahal, na nagmumula sa Diyos para sa mundong ito na walang katahimikan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, December 25, 2007
“
M
ahal kong
mga
Anak! Nang may malaking kagalakan, inihahandog ko sa inyo ang Hari ng Kapayapaan upang kayo ay mabasbasab ng kanyang
mga
biyaya. Purihin Siya at bigyang-oras ang ang Maylikha na isinasamo ng inyong
mga
puso. Huwag ninyong kalilimutan na dumaraan lamang kayo sa mundong ito at habang ang lahat ng bagay ay makapagbibigay sa inyo ng
mga
munting ligaya, sa pamamagitan ng aking Anak ay mapapasainyo naman ang buhay na walang hanggan. Kaya ako ay sumasainyo, upang akayin kayo sa landas patungo sa isinasamo ng inyong
mga
puso. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, January 25, 2008
“
M
ahal Kong
Mga
Anak! Sa panahon ng Mahal na Araw, nalalapit kayo sa oras ng biyaya. Ang
mga
puso ninyo ay tulad ng
mga
lupang inararo na handang tumanggap ng binhing sisibol sa anumang kabutihan. Kayo, munti kong
mga
anak, ay malayang mamili ng kabutihan o ng kasamaan. Samakatuwid, tinatawagan ko kayo upang manalangin at mag-ayuno. Magtanim ng kaligayahan at ang bunga ng kaligayahan ay tutubo sa inyong
mga
puso para sa inyong ikabubuti, at makikita ito ng iba at tatanggapin ito sa pamamagitan ng inyong buhay. Itatwa ang kasalanan at piliin ang buhay na walang hanggan. Ako ay sumasainyo at namamagitan para sa inyo sa harap ng aking Anak. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, February 25, 2008
“
M
ahal kong
mga
Anak! Sa panahong ito ng grasya, tinatawagan ko muli kayo na manalangin at talikdan ang kasalanan. Nawa'y ang inyong araw ay masamahan ninyo ng masigasig na panalangin para sa
mga
hindi nakakakilala sa pagmamahal ng Panginoon. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
To compare Medjugorje messages with another language versions choose
<<Previous
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
Next>>