Our Lady of Medjugorje Messages containing 'mga'
Total found:
187
Pahayag, March 25, 2008
“
M
ahal kong
mga
Anak! Tinatawagan ko kayong pagpursigihan ang pansariling pagbabagong-loob. Malayo pa ninyong matagpuan ang Diyos sa inyong
mga
puso. Samakatuwid, gugulin ang inyong
mga
oras sa panalangin at pagsamba kay Hesus sa Dambana ng Kabanal-banalang Sakramento, na kayo ay kanyang baguhin at upang ilagay Niya sa inyong
mga
puso ang nabubuhay na paniwala at ang pagnanasa sa buhay na walang hanggan. Ang lahat ay lumilipas, munti kong
mga
anak, tanging ang Diyos lamang ang hindi lumilipas. Ako ay sumasainyo at pinasisigla ko kayo ng aking pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan."
”
Pahayag, May 25, 2008
“
M
ahal kong
mga
Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayong lahat na mabuhay sa pagmamahal ng Diyos tulad ng bulaklak na nakadarama ng mainit na sinag ng araw sa panahon ng tagsibol. Sa pamamagitan nito, kayo rin, munti kong
mga
anak, ay mabubuhay sa pagmamahal ng Diyos at madadala ito sa
mga
malalayo sa Diyos. Hanapin ang kalooban ng Diyos at maging mabuti sa
mga
taong itinadhana ng Diyos na inyong makatagpo, at maging
mga
ilaw at kasiyahan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, June 25, 2008 - Årsdagen för uppenbarelserna
“
M
ahal kong
mga
Anak! Ngayon din, nang may malaking kagalakan sa aking puso, tinatawagan ko kayong sumunod sa akin at makinig sa aking
mga
pasabi. Maging
mga
masasayang tagahatid ng kapayapaan at pag-ibigl sa mundong ito na walang katahimikan. Ako ay sumasainyo and binabasbasan ko kayong lahat sa kasama ng aking Anak na si Hesus, Hari ng Kapayapaan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, July 25, 2008
“
M
ahal kong
mga
Anak! Sa panahong ito na nakakaisip kayong mamahinga, tinatawagan ko kayo na magbagong loob. Manalangin at kumilos upang ang inyong
mga
puso ay manabik sa Diyos na Lumikha na siyang tunay na katahimikan ng inyong kaluluawa't katawan. Nawa'y ipakita Niya sa inyo ang kanyang mukha at bigyan Niya kayo ng Kanyang kapayapaan. Ako ay sumasainyo at namamagitan palagi sa Diyos para sa bawa't isa sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, August 25, 2008
“
M
ahal kong
mga
Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo sa pansariling pagbabagong-loob. Kayo na syang
mga
magbabagong-loob, sa pamamagitan ng inyong buhay, ay makakasaksi, magmamahal, magpapatawad, at magdadala ng kasiyahan ng Siya na Nabuhay Muli sa daigdig na ito, kung saan ang aking Anak ay namatay at kung saan ang
mga
katauhan ay
mga
hindi nakadarama na Siya ay hanapin at tuklasin sa kanilang
mga
buhay. Sinasamba ninyo Siya, at nawa'y ang inyong
mga
pag-asa ay siyang
mga
maging pag-asa para sa
mga
pusong hindi nakakakilala kay Hesus. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, September 25, 2008
“
M
ahal kong
mga
Anak! Nawa'y ang panibago ninyong buhay ay iukol sa katahimikan. Maging masiyahing tagapagdala ng kapayapaan at huwag ninyong limutin na nabubuhay kayo sa panahon ng biyaya, na kung saan ay ibinibigay sa inyo ng Diyos
mga
kahanga-hangang kabutihan sa pamamagitan ng aking pagdalo. Huwag ninyong ipinid ang inyong
mga
sarili, sa halip ay gamitin ng mabuti ang panahong ito at hanapin ang handog na kapayapaan at pag-ibig para sa inyong
mga
buhay upang kayo ay maging
mga
saksi sa iba. Binabasbasan ko kayo ng maka-inang pagpapala. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, October 25, 2008
“
M
ahal kong
mga
Anak! Sa katangi- tanging pamamaraan, tinatawagan ko kayo na manalangin para sa aking
mga
hangarin upang, sa pamamagitan ng inyong
mga
panalangin, ay mapigilan si Satanas sa kanyang
mga
balak para sa mundong ito, na palayuin kayo araw-araw sa Panginoon, at ilagay ang sarili niya sa lugar ng Diyos at sirain lahat ng mabuti at tama sa kaluluwa ng bawa't isa sa inyo. Samakatuwid, munti kong
mga
anak, sandatahan ninyo ang inyong
mga
sarili ng
mga
panalangin at pag-aayuno upang mamalayan ninyo kung gaano kayong kamahal ng Diyos at nang maisakatuparan ninyo ang kalooban ng Diyos. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, November 25, 2008
“
M
ahal kong
mga
Anak! Ngayon din ay nananawagan ako, sa panahong ito ng biyaya, na ipanalangin na ipanganak ang sanggol na Hesus sa inyong
mga
puso. Nawa'y Siya, na mismong katahimikan, ay magbigay ng katahimikan sa buong mundo sa pamamagitan ninyo. Samakatuwid, munti kong
mga
anak, manalangin ng walang patid sa magulong mundong ito na walang katahimikan, upang kayo'y maging
mga
saksi ng kapayapaan para sa lahat. Nawa'y dumaloy ang pag-asa sa inyong
mga
puso na maging ilog ng biyaya. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, December 25, 2008
“
M
ahal kong
mga
Anak! Kayo ay
mga
nagsisitakbo, nagsisipagtrabaho, nagtitipon - nguni't walang biyaya. Hindi kayo nananalangin! Ngayon ay tinatawagan ko kayo na tumigil sa harapan ng sabsaban at magnilay-nilay kay Hesus, na siyang ibinibigay ko sa inyo ngayon, upang mabasbasan kayo at tulungang maunawaan na, kung Siya'y wala, kayo'y walang kinabukasan. Samakatuwid, munti kong
mga
anak, isuko ang inyong
mga
buhay sa kamay ni Hesus, na kayo ay Kanyang mapatnubayan at maipagtanggol sa lahat ng kasamaan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, January 25, 2009
“
M
ahal kong
mga
Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo na manalangin. Nawa'y ang panalangin ay maging tulad ng binhi na ilalagay ninyo sa aking puso, na para sa inyo ay siya ko namang ibibigay sa aking Anak na si Hesus, para sa kaligtasan ng inyong
mga
kaluluwa, upang mapaibig kayo sa buhay na walang hanggan na siya ninyong kinabukasan, at upang lahat ng makamundong bagay ay maging tulong para sa inyo na mapalapit sa Diyos na Tagalikha. Ako ay matagal nang sumasainyo sapagka't kayo ay nasa maling landas. Sa pamamagitan lamang ng aking tulong, munti kong
mga
anak, mabubuksan ang inyong
mga
mata. Marami sa inyo, na sa pag-ayon sa aking
mga
mensahe, ay nakauunawa na sila ay nasa daan patungong kabanalan magpasawalang hanggan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, February 25, 2009
“
M
ahal kong
mga
Anak! Sa panahong ito ng pagtalikdan, panalangin at penitensya, tinatawagan ko kayong muli: humayo kayo at ikumpisal ang inyong
mga
kasalanan upang buksan ng biyaya ang inyong
mga
puso at pahintulutan nito na kayo ay magbago. Magbagong-loob kayo, munti kong
mga
anak, at buksan ang inyong
mga
sarili sa Diyos at sa Kanyang
mga
balak para sa bawa't isa sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, March 25, 2009
“
M
ahal kong
mga
Anak! Sa panahong ito ng tagsibol, kung kailan ang lahat ay gumigising mula sa pagkakatulog noong taglamig, gigisingin rin ninyo ang inyong
mga
kaluluwa ng may kasamang panalangin upang maging handa ang
mga
ito na tanggapin ang ilaw ni Hesus na Siyang nabuhay muli. Munti kong
mga
anak, nawa'y ilapit Niya kayo sa Kanyang Puso upang maging bukas kayo sa buhay na walang hanggan. Ipinapanalangin ko kayo at namamagitan sa harap ng Kaitaas-taasan para sa inyong buong pusong pagbabago. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, April 25, 2009
“
M
ahal kong
mga
Anak! Nananawagan ako ngayon na manalangin kayo para sa kapayapaan at upang masaksihan ito sa inyong
mga
pamilya na ang kapayapaan ay siyang maging pinakamahalagang kayamanan sa magulong mundong ito. Ako ang inyong Reyna ng Kapayapaan at ang inyong Ina. Nais kong pamatnubayan kayo sa landas ng kapayapaan, na sa Diyos lamang nagmumula. Samakatuwid, manalangin, manalangin, manalangin. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, May 25, 2009
“
M
ahal kong
mga
anak! Sa panahong ito, tinatawagan ko kayong lahat na manalangin sa pagdating ng Espiritu Santo sa lahat ng nilalang na binyagan, upang baguhin kayong lahat ng Espiritu Santo at ituro kayo sa daan kung saan masasaksihan ninyo ang inyong pananampalataya - kayo at ang lahat ng malayo sa Diyos at sa Kanyang Pagmamahal. Ako ay sumasainyo at namamagitan para sa inyo sa harap ng Kaitaas-taasan. Salamat sa inyong pagtugon sa aking panawagan.
”
Pahayag, June 25, 2009 - Årsdagen för uppenbarelserna
“
M
ahal kong
mga
Anak! Makipagdiwang kayo sa akin, manibagong loob ng may kasiyahan at magbigay pasalamat sa Diyos sa handog niyang humarap ako sa inyo. Manalangin, sa inyong mg puso, na ang Diyos ang siyang maging sentro ng inyong buhay at sa pamamagitan ng inyong buhay, masaksihan, munti kong
mga
anak, upang lahat ng nilalang ay maramdaman ang pagmamahal ng Diyos. Nawa'y kayo ang
mga
maging nakaabot kong
mga
kamay para sa lahat ng nilalang, upang mapalapit ang lahat sa pagmamahal ng Diyos. Binabasbasan ko kayo ng maka-inang pagpapala. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, July 25, 2009
“
M
ahal kong
mga
Anak! Nawa'y ang panahong ito ay maging panahon ng pananalangin para sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, August 25, 2009
“
M
ahal kong
mga
Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo muli na magbagong-loob.
Mga
munti kong anak, hindi pa sapat ang inyong kabanalan at hindi pa tumatanglaw ang kabanalan ninyo sa iba, samakatuwid, manalangin, manalangin, manalangin, at sikaping paguhin ang inyong
mga
kalooban, upang maging palatandaan kayo ng pag-ibig ng Diyos sa isa't isa. Ako ay sumasainyo at pinapatnubayan kayo tungo sa walang hanggan. na siyang inaasam ng bawa't puso. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, September 25, 2009
“
M
ahal kong
mga
Anak! Pagsumikapan ninyo nang may kasiyahan ang pagbabagong loob. Ialay ang lahat ng inyong
mga
tuwa at kalungkutan sa aking Imakuladang Puso upang maakay ko kayo sa aking pinakamamahal na Anak, at matagpuan ninyo ang kasiyahan sa Kanyang Puso. Ako ay sumasainyo upang turuan kayo at akayin patungo sa buhay na walang hanggan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, October 25, 2009
“
M
ahal kong
mga
Anak! Dala ko ngayon ang aking pagbabasbas. Binabasbasan ko kayo at nananawagan na mabuhay ng ganitong pamamaraan, na siyang pinangunahan ng Diyos sa pamamagitan ko para sa inyong kaligtasan. Manalangin, mag-ayuno at maging saksi ng inyong
mga
paniniwala ng may kasiyahan, munti kong
mga
anak, at nawa'y ang inyong
mga
puso ay palaging puno ng panalangin. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, November 25, 2009
“
M
ahal kong
mga
Anak! Sa panahong ito ng biyaya tinatawagan ko kayo na buhayin muli ang panalangin sa inyong
mga
pamilya. Ihanda ang inyong mg sarili sa kasiyahan ng pagdating ni Hesus. Munti kong
mga
anak, nawa'y maging malinis ay kasiya-siya ang inyong
mga
puso, upang ang init ng pag-ibig ay dumaloy mula sa inyo patungo sa
mga
pusong malalayo sa Kanyang pagmamahal. Munti kong
mga
anak, maging
mga
nakaabot na kamay ko kayo,
mga
kamay ng pagmamahal para sa
mga
naliligaw ang landas, sa
mga
nawalan ng tiwala't pag-asa. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
To compare Medjugorje messages with another language versions choose
<<Previous
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
Next>>