Our Lady of Medjugorje Messages containing 'mula'
Total found:
15
Pahayag, September 25, 1996
“
M
ahal kong mga anak, Inaanyayahan ko kayo ngayon upang ihandog ang inyong pasanin at paghihirap para sa aking kahilingan. Mga anak kong munti, ako ang inyong ina at ninanais kong tulungan kayo sa paghahanap ng gracia
mula
sa Diyos. Mga anak kong munti ihandog ninyo sa Diyos ang paghihirap at iaalay upang maging magandang bulaklak ng kasiyahan. Kaya mga anak kong munti manalangin kayo upang maunawaan na ang paghihirap ay nagiging kasiyahan at ang krus ang siyang daan tungo sa kaligayahan. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
”
Pahayag, May 25, 1997
“
M
ahal kong mga anak! Inaanyayahan ko kayo upang sambahin ang Diyos at sa ngalan ng Diyos ay maging sagrado sa ating puso at sa ating buhay. Mga anak kong munti, kung kayo ay sumasampalataya sa Diyos, Siya ay sumasainyo at nagbibigay ng kapayapaan at kaligayahan
mula
sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Kaya mga anak kong munti, manalangin tayong lahat at isapuso ang pananampalataya sa ngalan ng Diyos at sa kalangitan
mula
sa kaibuturan ng ating puso. Siya ay napakalapit sa atin at ginagabayan tayo ng Diyos. Salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
”
Pahayag, October 25, 2001
“
M
ahal kong mga anak! Kaya ngayon ay tinatawagan ko kayo upang magdasal
mula
sa inyong puso at mahalin ang inyong kapwa. Mga anak kong munti, kayo ang napili upang magpatunay sa katahimikan at kaligayahan. Kung walang katahimikan, magadasal at ng inyong makamtan. Dahil sa inyo at sa inyong pagdarasal, mga anak kong munti, ang katahimikan ang kailangan para sa mundo. Kaya mga anak kong munti, magdasal, magdasal, magdasal, dahil ang pagdarasal ay nakagagawa ng milagro para sa puso ng tao at sa buong mundo. Ako ay sumasainyo at ako ay nagpapasalamat sa Diyos at sa bawat isa na inyo na siyang tumangap ng mataimtim na pagdarasal na seryoso. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
”
Pahayag, April 25, 2002
“
M
ga mahal kong anak, Makipagdiwang kayo sa akin sa panahong ito ng tagsibol na ang lahat sa kalikasan ay nagsisigising, at ang inyong mga puso ay naghahangad ng pagbabago. Buksan ang inyong sarili mga anak at manalangin. Huwag ninyong kalilimutan na ako ay laging nasa inyo, at ninanais ko na igabay ko kayo sa aking Anak upang bigyan kayo ng handog na tapat na pagmamahal tungo sa Diyos at ang lahat na
mula
sa kanya. Buksan ang inyong mga sarili sa pananalangin at hanapin ang pagbabago ng inyong mga puso
mula
sa Diyos; ang lahat ay kanyang nakikita at ipagkakaloob. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, August 25, 2002
“
M
ahal kong mga anak, Ngayon ako ay kasama n’yo rin sa pananalangin upang pagkalooban kayo nang diyos nang matatag na pananampalataya. Mga anak, maliit ang inyong pananampalataya at hindi ninyo halos alam kung gaano kalaki. Dahil dito, hindi pa kayo handa upang hanapin ang handog ng pananampalataya
mula
sa Diyos. Ang dahilan kung bakit ako ay kasama ninyo ay para tulungan kayong maunawaan ang aking pahayag at ito ay isabuhay ninyo. Manalangin kayo, manalangin, manalangin, sapagkat sa pamamagitan lamang ng pananampalataya at pananalangin makakatagpo nang kapayapaan ang inyong kaluluwa, at ang mundo ay makakatagpo nang tuwa na makasama ang Diyos. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, April 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak, kayo ay muli kong tinatawagan upang buksan ang inyong mga sarili sa pananalangin. Sa panahon ng nagdaang Quaresma napapagkuro-kuro ninyo kung gaano kayo kaliit at kung gaano kaliit ang inyong pananampalataya. Mga anak magpasiya kayo ngayon para sa Diyos, na sa inyo at sa pamamagitan ninyo sana ay mapagbago ninyo ang puso ng mga tao, at gayon din ang inyong mga puso. Maging maligaya kayong tagapagdala ng balita ng pagka-buhay ng Diyos dito sa walang katahimikang mundo na nagnanais sa Diyos at sa lahat ng naauukol
mula
sa Diyos. Ako ay kasamasama ninyo mga anak, at mahal ko kayo ng isang natatanging pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, February 25, 2004
“
M
ahal kong mga anak! Ngayon at higit magpakailanman ay tinatawagan ko kayo upang buksan ninyo ang inyong mga puso sa aking ipinahayag sa inyo. Mga anak, maging tagapagdala kayo ng mga kaluluwa upang mapalapit sa Diyos. Huwag yaong maglalayo sa kanila. Ako ay nasa sa inyo at minamahal ko kayo ng may tanging pagmamahal. Ito ay panahon ng pagtitika at pagbabago at
mula
sa kaibuturan ng aking puso ay tinatawagan ko kayong maging akin ng buo ninyong puso at dito lamang ninyo makikita na ang Diyos ay dakila sapagkat ipagkakaloob niya sa inyo ang masaganang biyaya at kapayapaan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, March 25, 2004
“
M
ahal kong mga Anak! Ngayon din, tinatawagan ko kayo na buksan ang inyong mga sarili sa pananalangin. Lalo na ngayon sa panahon ng biyaya. Buksan ninyo ang inyong mga puso mga anak at ipahayag ninyo ang inyong pagmamahal sa napapako. Sa ganitong paraan lamang ninyo matatagpuan ang kapayapaan, at ang pananalangin ay magsisimulang umapaw
mula
sa inyong mga puso patungo sa mundo. Maging halimbawa kayo mga anak at maging pang-akit kayo sa kabutihan. Ako ay malapit sa inyo at mahal ko kayong lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, October 25, 2005
“
M
unti kong mga anak, manalig, manalangin at magmahalan, at ang Diyos ay malalapit sa inyo. Pagkakalooban Niya kayo ng mga biyayang inyong hinahanap
mula
sa Kanya. Ako ay kaloob Niya sa inyo sapagka't araw-araw, pinahihintulutan ako ng Diyos na sumainyo at na mahalin ko ang bawa't isa sa inyo ng walang hangganang pagmamahal. Samakatuwid, munti kong mga anak, sa panalangin at pagpapakumbaba ng loob, buksan ang inyong mga puso at maging saksi kayo ng aking pagdadalo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, January 25, 2007
“
M
ahal Kong Mga Anak! Ilagay ang Banal na Kasulatan sa dakong madaling makita ng inyong pamilya at basahin ito. Sa ganitong pamamaraan, matututunan ninyo sa inyong mga puso ang mga panalangin at masasaisip ninyo palagi ang Diyos. Huwag ninyong kalilimutan na dumadaan lamang tayo na parang mga bulaklak sa bukid, na nakikita
mula
sa malayo nguni't naglalaho sa paglipas ng maiksing saglit. Munti kong mga anak, mag-iwan ng tanda ng kabutihan at pagmamahalan sa bawa't inyong pagdaan at babasbasan kayo ng Diyos ng labis-labis Niyang biyaya. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, March 25, 2007
“
M
ahal kong mga Anak! Nais kong pasalamatan kayo
mula
sa aking puso sa lahat ng inyong mga tinalikuran ngayong Mahal na Araw. Nais kong pukawin ang inyong mga kalooban na ipagpatuloy ang pag-aayuno ng may bukas na puso. Sa pamamagitan ng pag-aayuno at pagtatakwil, munti kong mga anak, mas lalakas ang inyong paniniwala. Sa Diyos ay matatagpuan ninyo ang tunay na kapayapaan sa pamamagitan ng pagdarasal araw-araw. Ako ay sumasainyo at hindi ako napapagod. Ninanais kong isama kayo lahat sa akin sa Kalangitan, kung kaya piliin araw-araw ang kabanalan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, June 25, 2007 - Årsdagen för uppenbarelserna
“
M
ahal Kong Mga Anak! Gayon din sa araw na ito, ng may malaking kagalakan sa aking puso, tinatawagan ko kayo na magbagong-loob. Munti kong mga anak, huwag ninyong kalilimutan na kayo ay mahalaga sa dakilang planong ito, na pinangungunahan ng Diyos sa pamamagitan ng Medjugorje. Ninanasa ng Diyos na baguhin ang kalooban ng mundo at tawagin ito sa kaligtasan at sa daan patungo sa Kanya, Siya na simula at wakas ng lahat ng nilalang. Sa katangi-tanging paraan, munti kong mga anak,
mula
sa kaibuturan ng aking puso, tinatawagan ko kayo na buksan ang inyong kalooban sa dakilang grasya na ibinibigay sa inyo sa pamamagitan ng pagharap ko dito. Nais kong pasalamatan kayong lahat sa mga sakripisyo at panalangin. Ako ay sumasainyo at binabasabasan ko kayong lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, March 25, 2009
“
M
ahal kong mga Anak! Sa panahong ito ng tagsibol, kung kailan ang lahat ay gumigising
mula
sa pagkakatulog noong taglamig, gigisingin rin ninyo ang inyong mga kaluluwa ng may kasamang panalangin upang maging handa ang mga ito na tanggapin ang ilaw ni Hesus na Siyang nabuhay muli. Munti kong mga anak, nawa'y ilapit Niya kayo sa Kanyang Puso upang maging bukas kayo sa buhay na walang hanggan. Ipinapanalangin ko kayo at namamagitan sa harap ng Kaitaas-taasan para sa inyong buong pusong pagbabago. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, November 25, 2009
“
M
ahal kong mga Anak! Sa panahong ito ng biyaya tinatawagan ko kayo na buhayin muli ang panalangin sa inyong mga pamilya. Ihanda ang inyong mg sarili sa kasiyahan ng pagdating ni Hesus. Munti kong mga anak, nawa'y maging malinis ay kasiya-siya ang inyong mga puso, upang ang init ng pag-ibig ay dumaloy
mula
sa inyo patungo sa mga pusong malalayo sa Kanyang pagmamahal. Munti kong mga anak, maging mga nakaabot na kamay ko kayo, mga kamay ng pagmamahal para sa mga naliligaw ang landas, sa mga nawalan ng tiwala't pag-asa. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, March 25, 2011
“
M
ahal kong mga anak, ngayon, sa isang di-pangkaraniwang paraan, ay tinatawagan ko kayong magbalik-loob.
Mula
ngayon, nawa'y ang panibagong buhay ay magsimula sa inyong puso. Mga anak, ninais kong makita ang inyong 'Oo,' at nawa ay ang bawat sandali ng inyong buhay ay mapuno ng galak sa pagtalima sa kagustuhan ng Panginoon. Sa isang espesyal na paraan, binabasbasan ko kayo ng aking maka-Inang bendisyon ng kapayapaan, pagmamahal at pagkakaisa
mula
sa aking puso at sa puso ng aking anak na si Hesus. Maraming salamat sa inyong pagtugon.
”
To compare Medjugorje messages with another language versions choose