Our Lady of Medjugorje Messages containing 'na'
Total found:
173
Pahayag, July 25, 2002
“
M
ahal kong mga anak! Ngayon ako’y nagagalak kasama ng inyong mga patron, at tinatawagan ko kayo
na
maging bukas sa kalooban ng Diyos nang sa gayon, sa iyo at sa pamamagitan mo ay yumabong ang pananampalataya nang bawat taong makatagpo mo sa araw-araw mga anak, manalangin kayo hanggang ang pananampalataya ay maging kagalakan para sa iyo. Hingin ninyo sa inyong banal
na
tagapangalaga
na
tulungan kayong lumaki
na
nagmamahal sa Diyos salamat sa pagtugon ninyo sa akin.
”
Pahayag, August 25, 2002
“
M
ahal kong mga anak, Ngayon ako ay kasama n’yo rin sa pananalangin upang pagkalooban kayo nang diyos nang matatag
na
pananampalataya. Mga anak, maliit ang inyong pananampalataya at hindi ninyo halos alam kung gaano kalaki. Dahil dito, hindi pa kayo handa upang hanapin ang handog ng pananampalataya mula sa Diyos. Ang dahilan kung bakit ako ay kasama ninyo ay para tulungan kayong maunawaan ang aking pahayag at ito ay isabuhay ninyo. Manalangin kayo, manalangin, manalangin, sapagkat sa pamamagitan lamang ng pananampalataya at pananalangin makakatagpo nang kapayapaan ang inyong kaluluwa, at ang mundo ay makakatagpo nang tuwa
na
makasama ang Diyos. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, October 25, 2002
“
M
ga anak, ngayon ay tinatawagan ko kayong muli
na
manalangin. Mga anak maniwala kayo
na
ang himala ay nagagawa sa pamamagitan ng munting pananalangin. Buksan ang inyong mga puso sa Diyos at Siya ay gagawa ng himala sa inyong buhay. Sa pagtingin sa mga naging bunga ang inyong mga puso ay mapupuno ng tuwa at utang
na
loob sa Diyos sa lahat ng bagay
na
ginawa ninyo sa inyong mga buhay pati
na
sa iba sa pamamagitan ninyo. Manalangin kayo at manampalataya mga anak. Binibigyan kayo ng biyaya at ito ay hindi ninyo nakikita. Manalangin kayo at ito ay inyong makikita. Nawa’y ang araw ninyo ay mapuno ng pananalangin at pasasalamat sa lahat ng ipinagkaloob sa inyo ng Diyos. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, November 25, 2002
“
M
ahal kong mga anak, Tinatawagan ko kayo ngayon para sa pagbabago. Buksan ang inyong mga puso sa Diyos mga anak sa pamamagitan ng pangungumpisal at ihanda ang inyong mga kaluluwa upang ang sanggol
na
si Hesus ay muling isilang sa inyong mga puso. Paunlakan ninyo siyang baguhin kayo at igabay kayo sa daan ng kapayapaan at tuwa. Mga anak, magpasiya sa pananalangin. Lalo
na
ngayon
na
panahon nang biyaya. Nawa’y ang inyong mga puso ay manabik sa pananalangin. Ako ay malapit sa inyo at ipinamamagitan ko kao sa Diyos. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking pananawagan.
”
Pahayag, December 25, 2002
“
M
ahal kong mga anak, Ito ay panahon ng dakilang biyaya, ngunit ito rin ang panahon ng malaking pagsubok para duon sa nagnanais
na
sundin ang daan ng kapayapaan. Dahil diyan, mga anak, muli akong nanawagan
na
kayo ay manalangin, manalangin, manalangin, hindi sa pamamagitan ng salita kung hindi sa inyong mga puso. Ipamuhay ninyo ang aking mga pahayag sa inyo at magsipagbago kayo. Maging mulat kayo sa handog
na
ito
na
ipinagkaloob ng diyos,
na
ako ay makapiling ninyo lalo
na
ngayon
na
hawak ko sa aking mga bisig ang sanggol
na
si Hesus ang Hari ng kapayapaan, at dalhin ninyo ito sa inyong mga puso at ibigay ninyo sa iba hanggang sa ang kapayapaan ng diyos ay maghari sa mundo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, January 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak, Sa pahayag
na
ito ay muli ko kayong tinatawagan upang manalangin para sa kapayapaan. Lalo
na
ngayon
na
ang kapayapaan ay nasa pangnib, kayo ang manalangin at magin saksi sa kapayapaan. Mga anak kayo ay maging kapayapaan dito sawalang kapayapaang mundo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, February 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak, ako ay muling nanawagan para manalangin at magayuno alang-alang sa kapayapaan tulad nang nasabi ko
na
sa inyo at muli kong inuulit sa inyo mga anak
na
sa pananalangin at pag aayuno lamang mapipigilan ang paghahamok. Ang kapayapaan ay isang handog nag diyos. Hanapin at manalangin at iyo'y inyong makakamit. Pagusapan ninyo ang kapayapaan at dalhin sa inyong mga puso. Alagaan ito tulad sa isang bulaklak
na
nangangailangan ng tubig, pagmamahal at liwanag. Maging tagapagdala kayo ng kapayapaan sa iba. Ako ay nasa inyo at mamagitan para sa inyong lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, March 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak! Ngayon ako ay muling nanawagan sa inyo pang manalangin para sa kapayapaan, manalanginsa kaibuturan ng inyong mg puso mga anak, at huwag mawawalan ng pag-asa sapagkat mahal ng Diyos ang kanyang mga nilikha. Nais ng Diyos
na
kayo ay isa-isang maligtas sa pamamgitan ng aking pagdating dito. Tinatawagan ko kayo sa daan ng kabanalan. Manalangin kayo. Sa pananalangin kayo ay bukas sa kalooban ng Diyos; sa ganitong paraan at sa lahat ng ginagawa ninyo ay malalaman ninyo ang plano ng Diyos para sa inyo sa pamamagitan ninyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, April 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak, kayo ay muli kong tinatawagan upang buksan ang inyong mga sarili sa pananalangin. Sa panahon ng nagdaang Quaresma napapagkuro-kuro ninyo kung gaano kayo kaliit at kung gaano kaliit ang inyong pananampalataya. Mga anak magpasiya kayo ngayon para sa Diyos,
na
sa inyo at sa pamamagitan ninyo sana ay mapagbago ninyo ang puso ng mga tao, at gayon din ang inyong mga puso. Maging maligaya kayong tagapagdala ng balita ng pagka-buhay ng Diyos dito sa walang katahimikang mundo
na
nagnanais sa Diyos at sa lahat ng naauukol mula sa Diyos. Ako ay kasamasama ninyo mga anak, at mahal ko kayo ng isang natatanging pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, May 25, 2003
“
M
ga mahal kong anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayong muli para manalangin. Pagbaguhin ninyo ang inyong mga pangsariling pananalangin, at sa kakaibang paraan ay manalangin kayo sa Banal
na
Espiritu
na
tulungan kayong manalangin ng bukal sa inyong mga puso. Ipinamamagitan ko kayo mga anak, at tinatawagan ko kayo para magsipagbago. Kung kayo ay magbabago, lahat ng mga nakapaligid sa inyo ay magagsisipagbago rin at ang pananalagin ay magiging tuwa para sa kanila. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, June 25, 2003
“
M
ahal kong mg anak! Muli ko kayong tinatawagan ng may kagalakan upang isa-buhay ang aking mensahe. Ako ay nasasainyo at ako ay nagpapasalamat sa pagsasabuhay ninyo ng aking mga sinasabi sa inyo. Tinatawagan ko kayong muli upang ipanibago ko ang aking mensahe sa inyo ng mayhigit
na
sigasig at tuwa. Nawa’y ang pananalangin ay maging pang araw-araw ninyong gawain. Salamat sa pagtugon nonyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, July 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak! Ngayon ay nananawagan ako sa inyo
na
kayo ay manalangin. Mga anak, manalangin kayo hanggang ang pananalangin ay maging tuwa para sa iyo. Sa pamamagitan lamang nito ninyo matatagpuan ang kapayapaan sa inyong mga puso at ang inyong kaluluwa ay masisiyahan. Madarama ninyo ang pangangailangan
na
maging saksi para sa iba ang pagmamahal
na
inyong nadarama sa inyong mga puso at buhay. Ako ay nasasa-inyo at namamagitan sa Diyos para sa inyong lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, August 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak! Tinatawagan ko kayo ngayon upang magpasalamat sa Diyos
na
nasa inyong mga puso alang-alang sa mga biyayang ipinagkaloob Niya sa inyo sa pamamagitan ng mga pahiwatig at kulay
na
nasa sa kalikasan. Nais ng Diyos
na
kayo ay mapalapit sa Kanya at matinag kayo upang siya ay papurihan at pasalamatan. Kung kaya mga anak tinatawagan ko kayong muli upang manalangin, manalangin, manalangin at huwag ninyong kalilimutan
na
ako ay kapiling ninyo. Ipinamamagitan ko ang bawat isa sa inyo sa Diyos hanggang magkaroon kayo ng ganap
na
tuwa. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, September 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo
na
maging malapit sa aking puso. Tanging sa ganitong paraan lamang ninyo mauunawaan ang handog ng aking pakikipagpiling sa inyo. Ninanais ko mga anak
na
igabay kayo tungo sa puso ng aking anak
na
si Hesus; ngunit tinatanggihan ninyo at hindi ninyo nais
na
buksan ang inyong mga puso sa pananalangin. Muli mga anak, tinatawagan ko kayo
na
huwag maging bingi sa aking panawagan ng kaligtasan para sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, October 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak! Tinatawagan ko kayo ng panibago upang ihandog ang inyong mga sarili sa aking puso at sa sa mahal
na
puso ng aking Anak
na
si Hesus. Ninanais ko mga anak
na
igabay kayong lahat sa daan ng pagbabago at kabanalan. Tanging sa ganitong paraan lamang at sa pamamagitan ninyo maigagabay ang maraming kaluluwa tungo sa kaligtasan. Huwag ninyong antalahin mga anak , sa halip sabihin ninyo ng buong puso "Nais kong tulungan si Hesus at si Maria upang higit
na
maunawaan ng aking mga kapatid ang pagtahak sa daan ng kabanalan. Sa ganitong paraan lamang ninyo madarama ang kasiyahan ng pagiging kaibigan ni Hesus. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, November 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak, Tinatawagan ko kayo upang ang panahong ito ay maging panghalina sa inyo upang manalangin. Sa panahong ito mga anak, manalangin kayo
na
si Hesus ay isilang sa inyong mga puso. Higit sa lahat duon sa ayaw kumilala sa kanya. Maging mapagmahal, maging tuwa at kapayapaan kayo dito sa walang katahimikang mundo. Ako'y laging nasa inyo at namamagitan sa Diyos para sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, December 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak! Ngayon ay binabasbasan ko kayong lahat ng aking Anak
na
si Hesus
na
kalong ko sa aking mga bisig, ang Hari ng kapayapaan, para sa inyo
na
nawa'y ipagkaloob niya sa inyo ang kanyang kapayapaan. Ako ay lagi ninyong kapiling at mahal ko akyong lahat mga mahal kong anak. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, January 25, 2004
“
M
ahal kong mga anak! Ngayon ay tinatawagan ko rin kayo para manalangin. Manalangin kayo mga anak sa isang natatanging pananalangin alang-alang sa mga hindi pa nakakaalam sa pagmamahal ng Diyos. Manalangin kayo
na
mabuksan ang kanilang puso at mapalapit sa aking Mahal
na
puso at sa Mahal
na
puso ng aking anak
na
si Hesus upang sila ay ating mapagbago bilang mga tao ng kapayapaan at pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, February 25, 2004
“
M
ahal kong mga anak! Ngayon at higit magpakailanman ay tinatawagan ko kayo upang buksan ninyo ang inyong mga puso sa aking ipinahayag sa inyo. Mga anak, maging tagapagdala kayo ng mga kaluluwa upang mapalapit sa Diyos. Huwag yaong maglalayo sa kanila. Ako ay nasa sa inyo at minamahal ko kayo ng may tanging pagmamahal. Ito ay panahon ng pagtitika at pagbabago at mula sa kaibuturan ng aking puso ay tinatawagan ko kayong maging akin ng buo ninyong puso at dito lamang ninyo makikita
na
ang Diyos ay dakila sapagkat ipagkakaloob niya sa inyo ang masaganang biyaya at kapayapaan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, March 25, 2004
“
M
ahal kong mga Anak! Ngayon din, tinatawagan ko kayo
na
buksan ang inyong mga sarili sa pananalangin. Lalo
na
ngayon sa panahon ng biyaya. Buksan ninyo ang inyong mga puso mga anak at ipahayag ninyo ang inyong pagmamahal sa napapako. Sa ganitong paraan lamang ninyo matatagpuan ang kapayapaan, at ang pananalangin ay magsisimulang umapaw mula sa inyong mga puso patungo sa mundo. Maging halimbawa kayo mga anak at maging pang-akit kayo sa kabutihan. Ako ay malapit sa inyo at mahal ko kayong lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
To compare Medjugorje messages with another language versions choose
<<Previous
1
2
3
4
5
6
7
8
9
Next>>