Our Lady of Medjugorje Messages containing 'na'
Total found:
173
Pahayag, May 25, 2009
“
M
ahal kong mga anak! Sa panahong ito, tinatawagan ko kayong lahat
na
manalangin sa pagdating ng Espiritu Santo sa lahat ng nilalang
na
binyagan, upang baguhin kayong lahat ng Espiritu Santo at ituro kayo sa daan kung saan masasaksihan ninyo ang inyong pananampalataya - kayo at ang lahat ng malayo sa Diyos at sa Kanyang Pagmamahal. Ako ay sumasainyo at namamagitan para sa inyo sa harap ng Kaitaas-taasan. Salamat sa inyong pagtugon sa aking panawagan.
”
Pahayag, June 25, 2009 - Årsdagen för uppenbarelserna
“
M
ahal kong mga Anak! Makipagdiwang kayo sa akin, manibagong loob ng may kasiyahan at magbigay pasalamat sa Diyos sa handog niyang humarap ako sa inyo. Manalangin, sa inyong mg puso,
na
ang Diyos ang siyang maging sentro ng inyong buhay at sa pamamagitan ng inyong buhay, masaksihan, munti kong mga anak, upang lahat ng nilalang ay maramdaman ang pagmamahal ng Diyos. Nawa'y kayo ang mga maging nakaabot kong mga kamay para sa lahat ng nilalang, upang mapalapit ang lahat sa pagmamahal ng Diyos. Binabasbasan ko kayo ng maka-inang pagpapala. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, August 25, 2009
“
M
ahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo muli
na
magbagong-loob. Mga munti kong anak, hindi pa sapat ang inyong kabanalan at hindi pa tumatanglaw ang kabanalan ninyo sa iba, samakatuwid, manalangin, manalangin, manalangin, at sikaping paguhin ang inyong mga kalooban, upang maging palatandaan kayo ng pag-ibig ng Diyos sa isa't isa. Ako ay sumasainyo at pinapatnubayan kayo tungo sa walang hanggan.
na
siyang inaasam ng bawa't puso. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, September 25, 2009
“
M
ahal kong mga Anak! Pagsumikapan ninyo nang may kasiyahan ang pagbabagong loob. Ialay ang lahat ng inyong mga tuwa at kalungkutan sa aking Imakuladang Puso upang maakay ko kayo sa aking pinakamamahal
na
Anak, at matagpuan ninyo ang kasiyahan sa Kanyang Puso. Ako ay sumasainyo upang turuan kayo at akayin patungo sa buhay
na
walang hanggan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, October 25, 2009
“
M
ahal kong mga Anak! Dala ko ngayon ang aking pagbabasbas. Binabasbasan ko kayo at nananawagan
na
mabuhay ng ganitong pamamaraan,
na
siyang pinangunahan ng Diyos sa pamamagitan ko para sa inyong kaligtasan. Manalangin, mag-ayuno at maging saksi ng inyong mga paniniwala ng may kasiyahan, munti kong mga anak, at nawa'y ang inyong mga puso ay palaging puno ng panalangin. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, November 25, 2009
“
M
ahal kong mga Anak! Sa panahong ito ng biyaya tinatawagan ko kayo
na
buhayin muli ang panalangin sa inyong mga pamilya. Ihanda ang inyong mg sarili sa kasiyahan ng pagdating ni Hesus. Munti kong mga anak, nawa'y maging malinis ay kasiya-siya ang inyong mga puso, upang ang init ng pag-ibig ay dumaloy mula sa inyo patungo sa mga pusong malalayo sa Kanyang pagmamahal. Munti kong mga anak, maging mga nakaabot
na
kamay ko kayo, mga kamay ng pagmamahal para sa mga naliligaw ang landas, sa mga nawalan ng tiwala't pag-asa. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, December 25, 2009
“
M
ahal kong mga Anak! Sa masayang araw
na
ito, dinadala ko kayong lahat sa harap ng aking Anak, ang Hari ng Kapayapaan,
na
bigyan Niya kayo ng Kanyang kapayapaan at biyaya. Munti kong mga anak, sa pagmamahal ay bahaginan ninyo ang iba ng kapayapaan at biyayang ito. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, January 25, 2010
“
M
ahal Kong Mga Anak! Nawa ay maging panahon ito ng pansariling panalangin para sa inyo, upang ang mga binhi ng paniniwala ay umusong sa inyong mga puso; at nawa'y umusbong ito upang maging masayang saksi sa iba. Ako ay sumasainyo at nais ko
na
magbigay-buhay sa inyong lahat: sumulong kayo at magsaya sa Diyos
na
Siyang lumikha sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, February 25, 2010
“
M
ahal Kong Mga Anak! Sa panahong ito ng biyaya, kung kailan naggagayak ang kalikasan
na
maglabas ng magagandang kulay ng taon, tinatawagan ko kayo, munti king mga anak,
na
buksan ang nyong mga puso sa Diyos
na
Siyang lumikha upang baguhin Niya kayo at ihugis sa Kanyang imahen, upang ang lahat ng mabuti
na
natutulog sa inyong mga puso ay magising sa paninibagong-buhay at sa pagnanasa sa buhay
na
walang hanggan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, March 25, 2010
“
M
ahal Kong Mga Anak! Ngayon din ay hinahangad ko
na
tawagan kayong lahat
na
maging matibay sa panalangin at sa mga panahong sinasalakay kayo ng mga pagsusubok. Mabuhay kayo ng masaya at ng may mababang-loob at maging saksi sa lahat sa inyong mga bokasyong maka-Kristyano. Ako ay sumasainyo at idinudulog ko kayo sa harap ng aking Anak
na
si Hesus, at siya ang inyong magiging lakas at alalay. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, April 25, 2010
“
M
ahal Kong Mga Anak! Sa panahong ito
na
sa mahalagang pamamaraan ay hinahanap ninyo ang aking pamamagitan, tinatawagan ko kayo, munti kong mga anak,
na
manalangin, upang sa inyong mga panalangin ay matulungan ko kayo
na
magkaroon ng mga puso
na
bukas sa aking mga pahayag. Manalangin kayo para sa aking mga hangarin. Ako ay palaging sumasainyo at namamagitan sa harap ng aking Anak para sa bawa't isa sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, May 25, 2010
“
M
ahal Kong Mga Anak! Binigyan kayo ng Diyos ng biyaya
na
mabuhay at ipagtanggol ang lahat ng mabuti sa paligid ninyo, at magbigay-diwa sa iba upang lalo silang maging mabuti at banal; nguni't si Satanas man ay hindi natutulog at sa pamamagitan ng mga makagabong bagay ay inaaliw kayo at inaakay sa mga pamamaraan niya. Samakatuwid, munti kong mga anak, sa pagmamahal ng aking Dalisay
na
Puso, mahalin ninyo ang Diyos ng higit sa lahat at mabuhay sa loob ng Kanyang mga utos. Sa ganitong pamamaraan, magkakaroon ng kahulugan ang inyong buhay at mananalig ang kapayapaan sa mundong ito. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, June 2, 2010 - Pahayag ng Mahal
na
Birhen kay Mirjana
“
M
ahal Kong Mga Anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo
na
manalangin at mag-ayuno upang malinaw ang daan
na
kung saan papasok sa puso ninyo ang aking Anak. Tanggapin ninyo ako bilang ina at tagapaghatid-balita ng pag-ibig ng Diyos at ng Kanyang hangarin para sa inyong kaligtasan. Palayain ninyo ang inyong mga sarili ng lahat sa inyong mga nakaraan
na
nakabibigat sa inyo,
na
nagbibigay sa inyo ng bagay
na
ikasisisi,
na
siyang umakay sa inyo noon sa kamalian at dilim. Tanggapin ninyo ang liwanag. Isilang kayong muli sa katarungan ng aking Anak. Salamat.
”
Pahayag, June 25, 2010 - Årsdagen för uppenbarelserna
“
M
ahal Kong Mga Anak! Nang may kasiyahan, tinatawagan ko kayong lahat
na
buhayin ang aking mga pahayag ng may kagalakan; sa ganito lamang pamamaraan, munti long mga anak, kayo mapapalapit sa aking Anak. Hangad ko
na
akayin kayong lahat sa Kanya lamang, at sa Kanya ay matatagpuan ninyo ang tunay
na
kapayapaan at kagalakan sa inyong mga puso. Kayo ay binabasbasan ko at minamahal ng walang hangganang pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, July 25, 2010
“
M
ahal Kong Mga Anak! Muli ay tinatawagan ko kayo
na
sumunod sa akin ng may kagalakan. Hangad ko
na
akayin kayo sa aking Anak, ang inyong Tagapagligtas. Hindi ninyo namamalayan
na
kung wala Siya, wala kayong kagalakan at katahimikan, at wala rin kayong kinabukasan o buhay
na
walang-hanggan. Samakatuwid, munti kong mga anak, pagbutihin ninyo ang gamit sa panahon
na
puno ng masayang pananalangin at pagsuko. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, August 2, 2010 - Pahayag ng Mahal
na
Birhen kay Mirjana
“
M
ahal kong mga Anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo, upang simulang itaguyod ang Kaharian ng Kalangitan sa inyong mga puso; upang iwaksi ang anumang makasarili at - sa pamamagitan ng halimbawa ng aking Anak - inyong maisaisip kung ano ang maka-Diyos. Ano ba ang ibig Niya sa inyo? Huwag hayaang buksan ni Satanas ang landas ng makamundong kaligayahan, ang landas
na
liban ang aking Anak. Mga Anak, ito ay hindi wasto at panandalian lamang. Ang aking Anak ang siyang tunay. Iniaalay ko sa inyo ang walang hanggang kagalakan at kapayapaan kaisa ng aking Anak at ng Panginoon. Iniaalay ko ang kaharian ng Diyos.
”
Pahayag, August 25, 2010
“
M
ahal kong mga Anak! Ngayon, puno ng matinding kagalakan, ibig kong tawagan kayong muli: manalangin, manalangin, manalangin. Nawa'y ang panahong ito ay maging panahon ng sariling pagdarasal. Sa umaga, humanap kayo ng pook
na
kung saan kayo ay mataimtim
na
manalangin. Mahal ko kayo at kayo ay aking binabasbasan. Salamat sa pagtugon sa aking panawagan.
”
Pahayag, September 2, 2010 - Pahayag ng Mahal
na
Birhen kay Mirjana
“
M
ahal kong mga anak. Ako ay nasa tabi niyo dahil nais kong tulungan kayo upang malampasan ang mga pagsubok,
na
nagsisilbing balakid upang kayo ay maging dalisay. Mga anak, isa
na
dito ang hindi pagpapatawad at ang di paghingi ng kapatawaran. Ang bawat kasalanan ay sumasaling sa Pagmamahal at naglalayo sa inyo dito - at ang Pag-ibig ay ang aking Anak. Samakatuwid, mga anak, kung mamarapatin ninyo ay sabay nating tahakin ang kapayapaang hatid ng Pag-ibig ng Diyos, dapat ninyong matutunang magpatawad at humingi ng kapatawaran. Salamat.
”
Pahayag, September 25, 2010
“
M
ahal kong mga anak! Ngayon ako ay sumasainyo at binabasabasan ko kayo ng maka-Inang biyaya ng Kapayapaan. Hinihimok ko kayong mabuhay
na
puno ng pananalig sapagkat kayo ay marupok pa at di mapagkumbaba. Hinihimok ko kayo, munting mga anak, bawasan ang pagsasalita bagkos ay pagsumikapang maigi
na
magbago upang ang inyong saksi ay magbunga. Nawa'y ang inyong buhay ay maging walang humpay
na
panalangin. Salamat sa pagtugon sa aking panawagan.
”
Pahayag, October 2, 2010 - Pahayag ng Mahal
na
Birhen kay Mirjana
“
M
ahal kong mga anak, ngayon ay tinatawagan ko kayo sa mapagkumbabang debosyon, mga anak. Ang inyong puso ay karapatdapat sa tama. Nawa'y ang inyong mga paghihirap ang magsilbing paraan upang malabanan ang mga kamalian ng kasalukuyan panahon. Nawa'y ang pagtitiyaga at walang hanggang pag-ibig -- pag-ibig
na
marunong maghintay -- ang siyang magbubunsod sa inyo upang malaman ang mga babala ng Panginoon - upang ang inyong buhay, sa pamamagitan ng mapagkumbabang pagmamahal, ay maging salamin sa mga taong naghahanap ng katotohanan sa karimlan ng kasinungalingan. Mga anak ko, aking mga alagad, tulungan ninyo akong buksan ang landas tungo sa aking Anak. Muli, tinatawagan ko kayong ipagdasal ang inyong mga pari. Kasama nila, ako ay magwawagi. Salamat
”
To compare Medjugorje messages with another language versions choose
<<Previous
1
2
3
4
5
6
7
8
9
Next>>