Our Lady of Medjugorje Messages containing 'ng'
Total found:
183
Pahayag, April 25, 2010
“
M
ahal Kong Mga Anak! Sa panahong ito na sa mahalagang pamamaraan ay hinahanap ninyo ang aking pamamagitan, tinatawagan ko kayo, munti kong mga anak, na manalangin, upang sa inyong mga panalangin ay matulungan ko kayo na magkaroon
ng
mga puso na bukas sa aking mga pahayag. Manalangin kayo para sa aking mga hangarin. Ako ay palaging sumasainyo at namamagitan sa harap
ng
aking Anak para sa bawa't isa sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, May 25, 2010
“
M
ahal Kong Mga Anak! Binigyan kayo
ng
Diyos
ng
biyaya na mabuhay at ipagtanggol ang lahat
ng
mabuti sa paligid ninyo, at magbigay-diwa sa iba upang lalo silang maging mabuti at banal; nguni't si Satanas man ay hindi natutulog at sa pamamagitan
ng
mga makagabong bagay ay inaaliw kayo at inaakay sa mga pamamaraan niya. Samakatuwid, munti kong mga anak, sa pagmamahal
ng
aking Dalisay na Puso, mahalin ninyo ang Diyos
ng
higit sa lahat at mabuhay sa loob
ng
Kanyang mga utos. Sa ganitong pamamaraan, magkakaroon
ng
kahulugan ang inyong buhay at mananalig ang kapayapaan sa mundong ito. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, June 2, 2010 - Pahayag
ng
Mahal na Birhen kay Mirjana
“
M
ahal Kong Mga Anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo na manalangin at mag-ayuno upang malinaw ang daan na kung saan papasok sa puso ninyo ang aking Anak. Tanggapin ninyo ako bilang ina at tagapaghatid-balita
ng
pag-ibig
ng
Diyos at
ng
Kanyang hangarin para sa inyong kaligtasan. Palayain ninyo ang inyong mga sarili
ng
lahat sa inyong mga nakaraan na nakabibigat sa inyo, na nagbibigay sa inyo
ng
bagay na ikasisisi, na siyang umakay sa inyo noon sa kamalian at dilim. Tanggapin ninyo ang liwanag. Isilang kayong muli sa katarungan
ng
aking Anak. Salamat.
”
Pahayag, June 25, 2010 - Årsdagen för uppenbarelserna
“
M
ahal Kong Mga Anak! Nang may kasiyahan, tinatawagan ko kayong lahat na buhayin ang aking mga pahayag
ng
may kagalakan; sa ganito lamang pamamaraan, munti long mga anak, kayo mapapalapit sa aking Anak. Hangad ko na akayin kayong lahat sa Kanya lamang, at sa Kanya ay matatagpuan ninyo ang tunay na kapayapaan at kagalakan sa inyong mga puso. Kayo ay binabasbasan ko at minamahal
ng
walang hangganang pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, July 25, 2010
“
M
ahal Kong Mga Anak! Muli ay tinatawagan ko kayo na sumunod sa akin
ng
may kagalakan. Hangad ko na akayin kayo sa aking Anak, ang inyong Tagapagligtas. Hindi ninyo namamalayan na kung wala Siya, wala kayong kagalakan at katahimikan, at wala rin kayong kinabukasan o buhay na walang-hanggan. Samakatuwid, munti kong mga anak, pagbutihin ninyo ang gamit sa panahon na puno
ng
masayang pananalangin at pagsuko. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, August 2, 2010 - Pahayag
ng
Mahal na Birhen kay Mirjana
“
M
ahal kong mga Anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo, upang simulang itaguyod ang Kaharian
ng
Kalangitan sa inyong mga puso; upang iwaksi ang anumang makasarili at - sa pamamagitan
ng
halimbawa
ng
aking Anak - inyong maisaisip kung ano ang maka-Diyos. Ano ba ang ibig Niya sa inyo? Huwag hayaang buksan ni Satanas ang landas
ng
makamundong kaligayahan, ang landas na liban ang aking Anak. Mga Anak, ito ay hindi wasto at panandalian lamang. Ang aking Anak ang siyang tunay. Iniaalay ko sa inyo ang walang hanggang kagalakan at kapayapaan kaisa
ng
aking Anak at
ng
Panginoon. Iniaalay ko ang kaharian
ng
Diyos.
”
Pahayag, August 25, 2010
“
M
ahal kong mga Anak! Ngayon, puno
ng
matinding kagalakan, ibig kong tawagan kayong muli: manalangin, manalangin, manalangin. Nawa'y ang panahong ito ay maging panahon
ng
sariling pagdarasal. Sa umaga, humanap kayo
ng
pook na kung saan kayo ay mataimtim na manalangin. Mahal ko kayo at kayo ay aking binabasbasan. Salamat sa pagtugon sa aking panawagan.
”
Pahayag, September 2, 2010 - Pahayag
ng
Mahal na Birhen kay Mirjana
“
M
ahal kong mga anak. Ako ay nasa tabi niyo dahil nais kong tulungan kayo upang malampasan ang mga pagsubok, na nagsisilbing balakid upang kayo ay maging dalisay. Mga anak, isa na dito ang hindi pagpapatawad at ang di paghingi
ng
kapatawaran. Ang bawat kasalanan ay sumasaling sa Pagmamahal at naglalayo sa inyo dito - at ang Pag-ibig ay ang aking Anak. Samakatuwid, mga anak, kung mamarapatin ninyo ay sabay nating tahakin ang kapayapaang hatid
ng
Pag-ibig
ng
Diyos, dapat ninyong matutunang magpatawad at humingi
ng
kapatawaran. Salamat.
”
Pahayag, September 25, 2010
“
M
ahal kong mga anak! Ngayon ako ay sumasainyo at binabasabasan ko kayo
ng
maka-Inang biyaya
ng
Kapayapaan. Hinihimok ko kayong mabuhay na puno
ng
pananalig sapagkat kayo ay marupok pa at di mapagkumbaba. Hinihimok ko kayo, munting mga anak, bawasan ang pagsasalita bagkos ay pagsumikapang maigi na magbago upang ang inyong saksi ay magbunga. Nawa'y ang inyong buhay ay maging walang humpay na panalangin. Salamat sa pagtugon sa aking panawagan.
”
Pahayag, October 2, 2010 - Pahayag
ng
Mahal na Birhen kay Mirjana
“
M
ahal kong mga anak, ngayon ay tinatawagan ko kayo sa mapagkumbabang debosyon, mga anak. Ang inyong puso ay karapatdapat sa tama. Nawa'y ang inyong mga paghihirap ang magsilbing paraan upang malabanan ang mga kamalian
ng
kasalukuyan panahon. Nawa'y ang pagtitiyaga at walang hanggang pag-ibig -- pag-ibig na marunong maghintay -- ang siyang magbubunsod sa inyo upang malaman ang mga babala
ng
Panginoon - upang ang inyong buhay, sa pamamagitan
ng
mapagkumbabang pagmamahal, ay maging salamin sa mga taong naghahanap
ng
katotohanan sa karimlan
ng
kasinungalingan. Mga anak ko, aking mga alagad, tulungan ninyo akong buksan ang landas tungo sa aking Anak. Muli, tinatawagan ko kayong ipagdasal ang inyong mga pari. Kasama nila, ako ay magwawagi. Salamat
”
Pahayag, October 25, 2010
“
M
ahal kong mga anak! Nawa'y ang panahong ito'y maging oras
ng
panalangin sa inyo. Hinahangad
ng
aking panawagan, mga anak ko, na kayo ay magpasyang sundan ang landasin
ng
pagbabalik-loob. Samakatuwid, manalangin at hingin ang pamamagitan
ng
lahat
ng
mga banal. Nawa'y ang mga santo ay maging halimbawa, dahilan at kaligayahan tungo sa walang hanggang buhay. Salamat sa inyong pagtugon sa aking panawagan.
”
Pahayag, November 2, 2010 - Pahayag
ng
Mahal na Birhen kay Mirjana
“
M
ahal kong mga anak. Dala ang maka-inang katiyagaan at pag-ibig, inihahandog ko sa inyo ang ilaw
ng
buhay upang puksain ang karimlang hatid
ng
kamatayan. Huwag akong talikdan aking mga anak! Tumigil at suriin ang inyong mga sarili at alamin kung gaano kayo nagkasala. Malasin ang inyong mga kasalanan at humingi
ng
kapatawaran. Aking mga anak, ayaw ninyong tanggapin na kayo ay marupok at malilit pa ngunit sa pamamagitan
ng
pagsunod sa kalooban
ng
Diyos kayo ay maaring lumakas at maging kahanga-hanga. Iaalay ninyo sa akin ang inyong mga pusong pinalinis upang matanglawan ko ito
ng
ilaw
ng
buhay: ang aking Anak.
”
Pahayag, November 25, 2010
“
M
ahal kong mga anak, nasisilayan ko kayo at aking namamalas ang kamatayang walang pag-asa, pagkabalisa at kagutuman. Walang dalangin at tiwala sa Panginoon kung kaya ako ay pinahihintulutan
ng
Kataastaasang Diyos na kayo ay dalhan
ng
pag-asa at kagalakan. Buksan ang inyong kalooban. Buksan ang inyong mga puso sa habag
ng
Panginoon at pupunan niya ang lahat
ng
inyong pangangailangan. Pupunuin niya ang inyong mga puso
ng
kapayapaan sapagkat siya ang kapayapaan at inyong pag-asa. Salamat sa inyong pagtugon sa aking panawagan.
”
Pahayag, December 2, 2010 - Pahayag
ng
Mahal na Birhen kay Mirjana
“
M
ahal kong mga anak; ngayong akoy'y dumadalangin kaisa ninyo upang likumin ang kalakasan na buksan ang inyong mga puso upang inyong mabatid and sukdulang tindi
ng
pagmamahal
ng
naghihirap
ng
Panginoon. Sa pamamagitan nito, at
ng
kanyang Pagmamahal, Kagandahang-loob at Kapakumbabaan, ako ay kasa-kasama ninyo. Inaanyayahan ko kayo sa isang di-pangkaraniwang panahon
ng
paghahanda na maging oras
ng
panalangin, pagpapakasakit at pagbabalik-loob. Aking mga anak, kailangan ninyo ang Panginoon. Hindi kayo maaring umungos liban sa aking Anak. Kapagka naunawaan at natanggap ninyo ito,anumang ipinangako sa inyo ay matutupad. Sa pamamitan
ng
Espiritong Banal, ang kaharian
ng
Kalangitan ay mapapasainyong puso. Inaakay ko kayo sa landas na ito. Salamat.
”
Pahayag, December 25, 2010
“
M
ahal kong mga anak! Ngayon, ninanais ko at
ng
aking Anak na punuin kayo
ng
masaganang kagalakan at kapayapaan upang ang bawat isa sa inyo ay maging tagapaghatid at saksi sa kapayapaan at kagalakan sa mga pook na inyong tinitirhan. Munting mga anak, kayo ay maging biyaya at kapayapaan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawaga.
”
Pahayag, January 2, 2011 - Pahayag
ng
Mahal na Birhen kay Mirjana
“
M
ahal kong mga anak, tinawagan ko kayo na makiisa kay Hesus, na aking Anak. Ang aking maka-inang puso ay nananalanging upang inyong maunawaan na kayo ay kabilang sa pamilya
ng
Panginoon. Sa pamamagitan
ng
kalayaang pang-ispiritwal, na bigay
ng
Mabathalang Panginoon, kayo ay tinatawagang mabatid and katotohanan, ang mabuti at ang di wasto. Nawa'y ang panalangin at pag-aayuno ay magbukas
ng
inyong mga puso. Sa pagsaliksik sa Ama, ang iyong buhay ay maayon sa pagtugon sa kagustuhan
ng
Panginoon at matanto ninyo ang angkan
ng
Diyos alinsunod sa kagustuhan
ng
aking Anak. Hindi ko kayo iiwan sa landasing ito. Salamat.
”
Naramdaman ni Mirjana na maaring niyang sabihin sa ating Mahal na Ina: "Kaming lahat at dumudulog sa inyo dala ang aming mga krus at pagdurusa. Kami ay nagsusumamong tulunga kami. Inabot
ng
Mahal na Birhen ang kanyang mga kamay sa atin at winika:
"Buksan ninyon ang inyong puso. Ibigay ninyo sa akin ang inyong pagdurusa. Ang Ina ay tutulong."
Pahayag, February 25, 2011
“
M
ga anak! Ang kalikasan ay gumigising at sa mga puno masisilayan ang mga usbong na siyang maghahatid
ng
pinakamagagandang bulaklak. Ninanais ko rin, mga munting anak, pagsumikapan ninyo ang pagbabago at kayo sana ang siyang maging saksi upang sa pamamagitan
ng
inyong halimbawa ito ay magsilbing palatandaan at pampa-ganyak sa pagbabalik loob
ng
iba. Ako ay kasa-kasama ninyo at sa harap
ng
aking anak na si Hesus ako ay namamagitan para sa inyong pagbabago. Salamat sa pagtalima ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, March 2, 2011 - Pahayag
ng
Mahal na Birhen kay Mirjana
“
M
ahal na mga Anak. Ang aking pusong makaina ay lubusang naghihirap habang ako ay nakatunghay sa aking mga anak na patuloy na inilalagay ang kanilang sarili sa pagiging tao at hindi ang para sa Diyos; sa aking mga anak, sa kabila
ng
lahat
ng
nakapalibot at lahat
ng
palantandaan na ipinadadala sa kanila, iniisip pa rin na sila ay makakalakad
ng
walang Diyos. Hindi maaari! Sila ay maglalakad sa walang hanggang kapahamakan
ng
kaluluwa. Kaya nga pinagsasama-sama ko kayo, na handang buksan ang inyong puso sa akin, kayo na handang maging apostol
ng
aking pagmamahal, na tulungan ako; para mabuhay
ng
may pag-ibig sa Diyos, maging ehemplo ka sa mga taong hindi nakakaalam nito. Nawa ang pag-aayuno at panalangin ay magbigay sa iyo
ng
lakas at pinagpapala ko kayo sa pangalan
ng
Ama, at
ng
Anak at
ng
Espiritu Santo. Salamat sa iyo.
”
Latest Pahayag, March 18, 2011 - Taunang Pagpapakita kay Mirjana
Ang mapangitaing si Mirjana Dragicevic-Soldo ay pinagpapakitaan araw-araw simula Hunyo 24, 1981 hanggang Disyembre 25, 1982. Sa huling pagpapakita, ipinaalam sa kanya
ng
Mahal na Birhen ang ika-sampung lihim. Bukod dito sinabi pa na siya ay pagpapakitaan isang beses bawat taon tuwing ika-18
ng
Marso. Ganito ang naganap sa palipas
ng
mga taon. Libu-libong mga deboto ang nagtitipun-tipon sa pagdarasal
ng
Rosaryo sa pook
ng
'Kurus na Asul.' Ang pagpapakita ay tumagal
ng
13:46 hanggang 13:50 minuto.
“
M
ga anak, ako ay sumasainyo sa ngalan
ng
pinakamasidhing pagmamahal, sa ngalan
ng
Mahal na Panginoon, na lumalapit sa inyo sa pamamagitan
ng
aking Anak at nagpapamalas
ng
tunay na pag-ibig. Ninanais kong akayin kayo sa landas
ng
Panginoon. Ninanais kong ituro sa inyo ang tunay na pag-ibig upang mamalas ito
ng
iba sa buhay ninyo, upang makita ninyo ito sa buhay
ng
ibang tao, upang kayong lahat ay magturingan bilang magkakapatid at upang maramdaman
ng
ibang nilalang ang is mahabaging kapatid sa ninyo. Mga anak, huwag kayong matakot na buksan ang inyong puso sa akin. Sa pamamagitan
ng
maka-inang pag-ibig, ipakikita ko sa inyo ang mga bagay-bagay na inaasahan ko sa inyo, mga inaasahan ko sa aking mga alagad. Samahan ninyo ako. Salamat.
”
Pahayag, March 25, 2011
“
M
ahal kong mga anak, ngayon, sa isang di-pangkaraniwang paraan, ay tinatawagan ko kayong magbalik-loob. Mula ngayon, nawa'y ang panibagong buhay ay magsimula sa inyong puso. Mga anak, ninais kong makita ang inyong 'Oo,' at nawa ay ang bawat sandali
ng
inyong buhay ay mapuno
ng
galak sa pagtalima sa kagustuhan
ng
Panginoon. Sa isang espesyal na paraan, binabasbasan ko kayo
ng
aking maka-Inang bendisyon
ng
kapayapaan, pagmamahal at pagkakaisa mula sa aking puso at sa puso
ng
aking anak na si Hesus. Maraming salamat sa inyong pagtugon.
”
To compare Medjugorje messages with another language versions choose
<<Previous
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
Next>>