Our Lady of Medjugorje Messages containing 'ngalan'
Total found:
4
Pahayag, May 25, 1997
“
M
ahal kong mga anak! Inaanyayahan ko kayo upang sambahin ang Diyos at sa
ngalan
ng Diyos ay maging sagrado sa ating puso at sa ating buhay. Mga anak kong munti, kung kayo ay sumasampalataya sa Diyos, Siya ay sumasainyo at nagbibigay ng kapayapaan at kaligayahan mula sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Kaya mga anak kong munti, manalangin tayong lahat at isapuso ang pananampalataya sa
ngalan
ng Diyos at sa kalangitan mula sa kaibuturan ng ating puso. Siya ay napakalapit sa atin at ginagabayan tayo ng Diyos. Salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
”
Pahayag, March 25, 2005
“
M
ahal kong mga Anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo sa
ngalan
ng pag-ibig. Munti kong mga anak, sa pag-ibig ng Diyos kayo ay magmahalan. Sa bawa't sandali ng kasiyahan at kalungkutan, mamayani nawa ang pag-ibig at sa ganitong paraan, magsisimulang maghari ang pag-ibig sa inyong mga puso. Mapapasainyo ang nabuhay muling si Hesus at kayo ang Kanyang mga magiging saksi. Makikisaya ako sa inyo at ipagtatanggol kayo ng aking mantel bilang isang Ina. Lalong-lalo na, munti kong mga anak, palagi kong susubaybayan ang araw-araw ninyong mga pagbabagong-loob sa pag-ibig. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, September 25, 2005
“
M
ahal kong mga Anak! Tinatawagan ko kayo sa
ngalan
ng pagmamahalan, magbagong-loob kayo, kahit malayo ako sa inyong mga puso. Huwag ninyong kalimutan na ako ang inyong Ina at nararamdaman ko ang kirot sa bawa't isa sa inyo na malayo sa aking puso; nguni't hindi ko kayo iiwanang nag-iisa. Naniniwala akong lilisanin ninyo ang landas ng kasalanan at pipiliin ang kabanalan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Latest Pahayag, March 18, 2011 - Taunang Pagpapakita kay Mirjana
Ang mapangitaing si Mirjana Dragicevic-Soldo ay pinagpapakitaan araw-araw simula Hunyo 24, 1981 hanggang Disyembre 25, 1982. Sa huling pagpapakita, ipinaalam sa kanya ng Mahal na Birhen ang ika-sampung lihim. Bukod dito sinabi pa na siya ay pagpapakitaan isang beses bawat taon tuwing ika-18 ng Marso. Ganito ang naganap sa palipas ng mga taon. Libu-libong mga deboto ang nagtitipun-tipon sa pagdarasal ng Rosaryo sa pook ng 'Kurus na Asul.' Ang pagpapakita ay tumagal ng 13:46 hanggang 13:50 minuto.
“
M
ga anak, ako ay sumasainyo sa
ngalan
ng pinakamasidhing pagmamahal, sa
ngalan
ng Mahal na Panginoon, na lumalapit sa inyo sa pamamagitan ng aking Anak at nagpapamalas ng tunay na pag-ibig. Ninanais kong akayin kayo sa landas ng Panginoon. Ninanais kong ituro sa inyo ang tunay na pag-ibig upang mamalas ito ng iba sa buhay ninyo, upang makita ninyo ito sa buhay ng ibang tao, upang kayong lahat ay magturingan bilang magkakapatid at upang maramdaman ng ibang nilalang ang is mahabaging kapatid sa ninyo. Mga anak, huwag kayong matakot na buksan ang inyong puso sa akin. Sa pamamagitan ng maka-inang pag-ibig, ipakikita ko sa inyo ang mga bagay-bagay na inaasahan ko sa inyo, mga inaasahan ko sa aking mga alagad. Samahan ninyo ako. Salamat.
”
To compare Medjugorje messages with another language versions choose