Our Lady of Medjugorje Messages containing 'pagpapatawad'
Total found:
2
Pahayag, April 25, 2004
“
M
ahal kong mga Anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo upang inyong isabuhay ang aking mga mensahe sa inyo ng may lubos na kababaang loob at pagmamahal upang kayo ay mapuno ng biyaya at kalakasan na magmumula sa Diyos Espiritu Santo. Sa ganitong paraan lamang kayo magiging saksi sa tunay na kapayapaan at
pagpapatawad
. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, September 2, 2010 - Pahayag ng Mahal na Birhen kay Mirjana
“
M
ahal kong mga anak. Ako ay nasa tabi niyo dahil nais kong tulungan kayo upang malampasan ang mga pagsubok, na nagsisilbing balakid upang kayo ay maging dalisay. Mga anak, isa na dito ang hindi
pagpapatawad
at ang di paghingi ng kapatawaran. Ang bawat kasalanan ay sumasaling sa Pagmamahal at naglalayo sa inyo dito - at ang Pag-ibig ay ang aking Anak. Samakatuwid, mga anak, kung mamarapatin ninyo ay sabay nating tahakin ang kapayapaang hatid ng Pag-ibig ng Diyos, dapat ninyong matutunang magpatawad at humingi ng kapatawaran. Salamat.
”
To compare Medjugorje messages with another language versions choose