Our Lady of Medjugorje Messages containing 'pangangailangan'
Total found:
2
Pahayag, July 25, 2003
“
M
ahal kong mga anak! Ngayon ay nananawagan ako sa inyo na kayo ay manalangin. Mga anak, manalangin kayo hanggang ang pananalangin ay maging tuwa para sa iyo. Sa pamamagitan lamang nito ninyo matatagpuan ang kapayapaan sa inyong mga puso at ang inyong kaluluwa ay masisiyahan. Madarama ninyo ang
pangangailangan
na maging saksi para sa iba ang pagmamahal na inyong nadarama sa inyong mga puso at buhay. Ako ay nasasa-inyo at namamagitan sa Diyos para sa inyong lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
”
Pahayag, November 25, 2010
“
M
ahal kong mga anak, nasisilayan ko kayo at aking namamalas ang kamatayang walang pag-asa, pagkabalisa at kagutuman. Walang dalangin at tiwala sa Panginoon kung kaya ako ay pinahihintulutan ng Kataastaasang Diyos na kayo ay dalhan ng pag-asa at kagalakan. Buksan ang inyong kalooban. Buksan ang inyong mga puso sa habag ng Panginoon at pupunan niya ang lahat ng inyong
pangangailangan
. Pupunuin niya ang inyong mga puso ng kapayapaan sapagkat siya ang kapayapaan at inyong pag-asa. Salamat sa inyong pagtugon sa aking panawagan.
”
To compare Medjugorje messages with another language versions choose