Our Lady of Medjugorje Messages containing 'sa'
Total found:
187
Pahayag, August 25, 2006
“
M
ahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo upang manalangin, manalangin, manalangin.
Sa
pamamagitan lamang ng panalangin kayo mapapalapit
sa
akin at
sa
aking Anak at makikita ninyo kung gaanong kaiksi ang buhay.
Sa
inyong mga puso ay isisilang ang hangarin ng kaluwalhatian. Ang kagalakan ay magsisimulang maghari
sa
inyong mga puso at ang panalangin ay aagos na parang ilog.
Sa
inyong mga pananalita ay panay lamang mga pasalamat
sa
Diyos para
sa
Kanyang paglalang
sa
inyo at ang pagnanasa ninyo
sa
kabanalan ay magiging katotohanan para
sa
inyo. Salamat
sa
pagtugon ninyo
sa
aking panawagan.
”
Pahayag, September 25, 2006
“
M
ahal kong mga Anak! Ngayon din ako ay sumasainyo at tinatawagan ko kayong lahat na lubusin ang pagbabagong-loob. Piliin ang Diyos, munti kong mga anak, at makikita ninyo
sa
Diyos ang kapayapaang hinahanap ng inyong mga puso. Tularan ang buhay ng mga taong banal at nawa'y maging mga halimbawa sila
sa
inyo; at ako naman ay magbibigay-diwa
sa
inyo habang pinahihintulutan ako ng Makapangyarihang Diyos na sumainyo. Salamat
sa
pagtugon ninyo
sa
aking panawagan.
”
Pahayag, October 25, 2006
“
M
ahal kong mga Anak! Ngayon ay pinahihintulutan ako ng Panginoon na ipaalam muli
sa
inyo na kayo ay nabubuhay
sa
panahon ng biyaya. Hindi ninyo namamalayan, munti kong mga anak, na binibigyan kayo ng Diyos ng malaking pagkakataon na magbagong-loob at mamuhay ng mapayapa at
sa
loob ng pagmamahalan. Kayo ay bulag at nakakapit
sa
mga bagay na makalupa at iniisip lamang ang buhay na makamundo. Isinugo ako ng Diyos upang akayin kayo
sa
buhay na walang-hanggan. Ako, munti kong mga anak, ay hindi napapagod, nguni't nakikita ko na ang inyong mga puso ay mabigat at pagod
sa
lahat ng biyaya at handog. Salamat
sa
pagtugon ninyo
sa
aking panawagan.
”
Pahayag, November 25, 2006
“
M
ahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo upang manalangin, manalangin, manalangin Munti kong mga anak, kapag kayo ay nangagdarasal, nalalapit kayo
sa
Diyos at ibinibigay Niya
sa
inyo ang pag-aasam ng walang hangganan. Ito ang panahon na kinakailangan ninyong higit na pag-usapan ang tungkol
sa
Diyos at gumawa ng higit pa para
sa
Diyos. Samakatuwid, munti kong mga anak, huwag ninyo Siyang labanan at
sa
halip ay hayaan ninyo Siyang akayin kayo, baguhin kayo, at patuluyin
sa
inyong buhay. Huwag ninyong limutin na kayo ay mga manlalakbay na tumutungo
sa
buhay na walang hanggan. Kaya nga, munti kong mga anak, hayaan ang Diyos na matnubay
sa
inyo tulad ng patnubay ng isang pastol
sa
kanyang kawan. Salamat
sa
pagtugon ninyo
sa
aking panawagan.
”
Pahayag, December 25, 2006 - Ang taunang pagpapakita kay Jakov
“
M
ahal kong mga Anak! Ngayon din ay dala-dala ko
sa
inyo pangko
sa
aking bisig ang bagong-silang na si Jesus. Siya na Hari ng Kalangitan at kalupaan, Siya ang inyong kapayapaan. Munti kong mga anak, wala nang makapagbibigay
sa
inyo ng kapayapaan kundi Siya na Hari ng Kapayapaan. Samakatuwid, purihin Siya
sa
inyong mga puso, piliin Siya at katutuwaan Niya kayo. Babasbasan Niya kayo ng biyaya ng kapayapaan. Salamat
sa
pagtugon ninyo
sa
aking panawagan.
”
Pahayag, December 25, 2006 - Vuosittainen ilmestys Jakoville
Sa
huling araw-araw na pagpapakita kay Jakov Colo noong ika-12 ng Setyembre, 1998, sinabi
sa
kanya ng Ating Ina na magmula noon siya ay pagpapakitaan minsan isang taon, tuwing ika-25 ng Disyembre,
sa
araw ng Kapaskuhan. Gayun din ngayong taong ito. Ang pangitain ay nagsimula ng 3:32 ng hapon at tumagal ng 6 na minuto.
“
N
gayon ay dakilang araw ng kasiyahan at kapayapaan. Magdiwang kayong kasama ko. Munti kong mga anak,
sa
katangi-tanging paraan, tinatawagan ko ang kabanalan
sa
inyong mga pamilya. Hinahangad ko, munti kong mga anak, na bawa't pamilya ay maging banal at ang kasiyahan at kapayapaan ng Diyos, na ibinibigay
sa
inyo ng Diyos
sa
di-pangkaraniwang paraan, ay siya sanang maghari at manirahan
sa
inyong mga pamilya. Munti kong mga anak, buksan ang inyong mga puso ngayong araw na ito ng biyaya, piliin ang Diyos at ipagpa-una siya
sa
lahat ng bagay
sa
inyong mga pamilya. Ako ang inyong Ina. Mahal ko kayo at ibinibigay
sa
inyo ang Maka-inang Biyaya.
”
Pahayag, January 25, 2007
“
M
ahal Kong Mga Anak! Ilagay ang Banal na Kasulatan
sa
dakong madaling makita ng inyong pamilya at basahin ito.
Sa
ganitong pamamaraan, matututunan ninyo
sa
inyong mga puso ang mga panalangin at masasaisip ninyo palagi ang Diyos. Huwag ninyong kalilimutan na dumadaan lamang tayo na parang mga bulaklak
sa
bukid, na nakikita mula
sa
malayo nguni't naglalaho
sa
paglipas ng maiksing saglit. Munti kong mga anak, mag-iwan ng tanda ng kabutihan at pagmamahalan
sa
bawa't inyong pagdaan at babasbasan kayo ng Diyos ng labis-labis Niyang biyaya. Salamat
sa
pagtugon ninyo
sa
aking panawagan.
”
Pahayag, February 25, 2007
“
M
ahal Kong Mga Anak! Buksan ang inyong mga puso
sa
habag ng Diyos ngayong panahon ng Mahal na Araw. Hinahangad ng ating Ama
sa
Kalangitan na iligtas tayong lahat
sa
mapang-aliping kasalanan. Samakatuwid, munti kong mga anak, gamitin ng tama ang panahong ito at
sa
pamamagitan ng pakikipagkita
sa
Diyos
sa
pangungumpisal, iwanan ang kasalanan at pagpasyahan ang kabanalan. Gawin ito ng dahil
sa
pagmamahal kay Hesus na tumubos
sa
inyong lahat
sa
pamamagitan ng Kanyang Dugo, upang kayo ay maging masaya at mapayapa. Huwag ninyong kalilimutan, munti kong mga anak: ang inyong kalayaan ay siya ninyong kahinaan, samakatuwid ay sundin ang aking mga pahayag ng may kahalagahan. Salamat
sa
pagtugon ninyo
sa
aking panawagan.
”
Pahayag, March 25, 2007
“
M
ahal kong mga Anak! Nais kong pasalamatan kayo mula
sa
aking puso
sa
lahat ng inyong mga tinalikuran ngayong Mahal na Araw. Nais kong pukawin ang inyong mga kalooban na ipagpatuloy ang pag-aayuno ng may bukas na puso.
Sa
pamamagitan ng pag-aayuno at pagtatakwil, munti kong mga anak, mas lalakas ang inyong paniniwala.
Sa
Diyos ay matatagpuan ninyo ang tunay na kapayapaan
sa
pamamagitan ng pagdarasal araw-araw. Ako ay sumasainyo at hindi ako napapagod. Ninanais kong isama kayo lahat
sa
akin
sa
Kalangitan, kung kaya piliin araw-araw ang kabanalan. Salamat
sa
pagtugon ninyo
sa
aking panawagan.
”
Pahayag, April 25, 2007
“
M
ahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo na magbagong-loob. Buksan ang inyong mga puso. Ito ay panahon ng biyaya habang ako ay sumasainyo, gamitin ito
sa
tama. Sabihin ninyo: 'Ito ang panahon para
sa
aking kaluluwa.' Ako ay sumasainyo at minamahal ko kayo ng walang hangganang pagmamahal. Salamat
sa
pagtugon ninyo
sa
aking panawagan.
”
Pahayag, May 25, 2007
“
M
ahal kong mga Anak! Samahan ninyo akong manalangin
sa
Espiritu Santo upang akayin Niya tayo
sa
pagsasaliksik natin
sa
kalooban ng Diyos patungo
sa
ating kabanalan. At kayo na siyang malayo
sa
panalangin, magbagong-loob, at
sa
katahimikan ng inyong mga puso, hanapin ang kaligtasan ng inyong mga kaluluwa at hubugin ito ng panalangin. Isa-isa ko kayong ipinagpapala ng maka-ina kong biyaya. Salamat
sa
pagtugon ninyo
sa
aking panawagan.
”
Pahayag, June 25, 2007 - Årsdagen för uppenbarelserna
“
M
ahal Kong Mga Anak! Gayon din
sa
araw na ito, ng may malaking kagalakan
sa
aking puso, tinatawagan ko kayo na magbagong-loob. Munti kong mga anak, huwag ninyong kalilimutan na kayo ay mahalaga
sa
dakilang planong ito, na pinangungunahan ng Diyos
sa
pamamagitan ng Medjugorje. Ninanasa ng Diyos na baguhin ang kalooban ng mundo at tawagin ito
sa
kaligtasan at
sa
daan patungo
sa
Kanya, Siya na simula at wakas ng lahat ng nilalang.
Sa
katangi-tanging paraan, munti kong mga anak, mula
sa
kaibuturan ng aking puso, tinatawagan ko kayo na buksan ang inyong kalooban
sa
dakilang grasya na ibinibigay
sa
inyo
sa
pamamagitan ng pagharap ko dito. Nais kong pasalamatan kayong lahat
sa
mga sakripisyo at panalangin. Ako ay sumasainyo at binabasabasan ko kayong lahat. Salamat
sa
pagtugon ninyo
sa
aking panawagan.
”
Pahayag, July 25, 2007
“
M
ahal kong mga Anak! Ngayon,
sa
araw ng Patron ng inyong Parokya, tinatawagan ko kayo upang tularan ang buhay ng mga Banal. Nawa'y maging mga halimabawa sila para
sa
inyo at mga tagapagpalakas ng loob tungo
sa
buhay ng kabanalan. Ang mga dalangin nawa ay maging tulad ng hangin na inyong hinihinga at hindi isang pasanin. Munti kong mga anak, ipagtatapat
sa
inyo ng Diyos ang Kanyang pagmamahal at mararanasan ninyo ang kasiyahan na kayo ay minamahal. Babasbasan kayo ng Diyos at bibigyan Niya kayo ng masaganang biyaya. Salamat
sa
pagtugon ninyo
sa
aking panawagan.
”
Pahayag, August 25, 2007
“
M
ahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo na magbagong-loob. Nawa'y ang inyong buhay, munti kong mga anak, ay maging anino ng kabutihan ng Diyos at hindi ng kapootan at kataksilan. Manalangin, munti kong mga anak, na ang panalangin ay maging buhay para
sa
inyo.
Sa
pamamagitan nito, matutuklasan ninyo
sa
buhay ninyo ang kapayapaan at kagalakan na ibinibigay ng Diyos
sa
may mga bukas na puso
sa
Kanyang pagmamahal. At kayo na malalayo
sa
awa ng Diyos, magsipagbagong-loob kayo upang hindi maging bingi
sa
panalangin ninyo ang Diyos at upang hindi pa maging huli ang lahat. Samakatuwid,
sa
panahong ito ng biyaya, magbagong-loob kayo at ipanguna ang Diyos
sa
inyong buhay. Salamat
sa
pagtugon ninyo
sa
aking panawagan.
”
Pahayag, September 25, 2007
“
M
ahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayong lahat upang pagliyabin ang inyong mga puso ng may masigasig na pagmamahal
sa
Ipinako, at huwag ninyong kalilimutan na, dahil
sa
pagmamahal
sa
inyo, ibinigay Niya ang Kanyang buhay upang kayo ay mailigtas. Munti kong mga anak, kayo ay magnilay-nilay at manalangin na ang inyong mga puso ay magbukas
sa
pagmamahal ng Diyos. Salamat
sa
pagtugon ninyo
sa
aking panawagan.
”
Pahayag, October 25, 2007
“
M
ahal kong mga Anak! Pinadala ako ng Diyos
sa
piling ninyo upang mapatnubayan ko kayo patungo
sa
landas ng kaligtasan. Marami
sa
inyo ang nagbukas ng kanilang mga puso at tumanggap ng aking mga balita, nguni't marami ding mga nangawala
sa
landas na ito at hindi nakakakilala
sa
Diyos ng pag-ibig
sa
kabuuan ng kanilang puso. Samakatuwid, tinatawagan ko kayo upang maging pag- ibig at ilaw kung saan may kadiliman at kasalanan. Ako ay sumasainyo at nagbabasbas
sa
lahat. Salamat
sa
pagtugon ninyo
sa
aking panawagan.
”
Pahayag, November 25, 2007
“
M
ahal kong mga Anak! Ngayong ipinagdiriwang ninyo si Kristong Hari ng lahat ng nilalang, ninanais ko para
sa
Kanya na maging Hari din Siya ng inyong mga buhay.
Sa
pamamagitan ng pagbibigay, munti kong mga anak, ay mauunawaan ninyo ang sakripisyong inialay ni Hesus
sa
Krus para
sa
bawa't isa
sa
inyo. Munti kong mga anak, maglaan kayo ng panahon para
sa
Diyos upang mapagbago Niya kayo at upang punuin Niya kayo ng grasya, nang kayo naman ay maging biyaya rin para
sa
iba. Para
sa
inyo, munti kong mga anak, ako ang kaloob na biyaya at pagmamahal, na nagmumula
sa
Diyos para
sa
mundong ito na walang katahimikan. Salamat
sa
pagtugon ninyo
sa
aking panawagan.
”
Pahayag, December 25, 2007
“
M
ahal kong mga Anak! Nang may malaking kagalakan, inihahandog ko
sa
inyo ang Hari ng Kapayapaan upang kayo ay mabasbasab ng kanyang mga biyaya. Purihin Siya at bigyang-oras ang ang Maylikha na isinasamo ng inyong mga puso. Huwag ninyong kalilimutan na dumaraan lamang kayo
sa
mundong ito at habang ang lahat ng bagay ay makapagbibigay
sa
inyo ng mga munting ligaya,
sa
pamamagitan ng aking Anak ay mapapasainyo naman ang buhay na walang hanggan. Kaya ako ay sumasainyo, upang akayin kayo
sa
landas patungo
sa
isinasamo ng inyong mga puso. Salamat
sa
pagtugon ninyo
sa
aking panawagan.
”
Pahayag, January 25, 2008
“
M
ahal Kong Mga Anak!
Sa
panahon ng Mahal na Araw, nalalapit kayo
sa
oras ng biyaya. Ang mga puso ninyo ay tulad ng mga lupang inararo na handang tumanggap ng binhing sisibol
sa
anumang kabutihan. Kayo, munti kong mga anak, ay malayang mamili ng kabutihan o ng kasamaan. Samakatuwid, tinatawagan ko kayo upang manalangin at mag-ayuno. Magtanim ng kaligayahan at ang bunga ng kaligayahan ay tutubo
sa
inyong mga puso para
sa
inyong ikabubuti, at makikita ito ng iba at tatanggapin ito
sa
pamamagitan ng inyong buhay. Itatwa ang kasalanan at piliin ang buhay na walang hanggan. Ako ay sumasainyo at namamagitan para
sa
inyo
sa
harap ng aking Anak. Salamat
sa
pagtugon ninyo
sa
aking panawagan.
”
Pahayag, February 25, 2008
“
M
ahal kong mga Anak!
Sa
panahong ito ng grasya, tinatawagan ko muli kayo na manalangin at talikdan ang kasalanan. Nawa'y ang inyong araw ay masamahan ninyo ng masigasig na panalangin para
sa
mga hindi nakakakilala
sa
pagmamahal ng Panginoon. Salamat
sa
pagtugon ninyo
sa
aking panawagan.
”
To compare Medjugorje messages with another language versions choose
<<Previous
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
Next>>