“Mahal kong mga anak! Ngayon ako ay muling nanawagan sa inyo pang manalangin para sa kapayapaan, manalanginsa kaibuturan ng inyong mg puso mga anak, at huwag mawawalan ng pag-asa sapagkat mahal ng Diyos ang kanyang mga nilikha. Nais ng Diyos na kayo ay isa-isang maligtas sa pamamgitan ng aking pagdating dito. Tinatawagan ko kayo sa daan ng kabanalan. Manalangin kayo. Sa pananalangin kayo ay bukas sa kalooban ng Diyos; sa ganitong paraan at sa lahat ng ginagawa ninyo ay malalaman ninyo ang plano ng Diyos para sa inyo sa pamamagitan ninyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan. ”